Lumipas ang ilang buwan at nagkaroon ng patimpalak sa aming paaralan. Sumali ako sa Larong Badminton at sumali naman si Mira sa Archery at sa Pagtakbo. Binibiro ko nga sya kung minsan na wag nyang dayain ang paglalaro. "Hoy Mira madaya ka." Bulong ko sa knya habang nakaupo kami sa bench sa ilalim ng puno habang nagpapahinga. "Bakit naman Ate?" Nagtatakang tanong nya sakin, natatawa ako dahil napakainosente nya. "Kasi lagi kang Bull's eye kahit gaano kalayo yung target mo, sa pula parin tumatama yung palaso mo. Kaya pala star player ka ng Archery since last year ha. Kala mo di ko nakikita yung pagbabago ng mata mo kanina habang pinapanuod kita? Buti di yun napapansin ng iba." Sabi ko sa knya sa paraang kala mo chismosa na pabulong bulong pa kaya bahagya syang natawa. "Si Ate nambibintang, ganun talaga nangyayari sa mata ko kapag masyado akong nagfofocus. Nung una nga akala ko twing kabilugan ng buwan lang to nagbabago pero natuklasan ko din nitong huli na kapag nagfofocus ako sa isang bagay ay bigla nalang lumilinaw ang paningin ko, yun pala nagbabago na ng anyo yung mata ko." Paliwanag nya. Nagtawanan kmi. "Madaya, dapat hindi ka sa Archery sumali e, kawawa magiging kalaban nyo. HAHA." Sabi ko na naman. "Kahit saan naman ako sumali Ate ay matatalo sila." Sinabi nya yun pero hindi nagyayabang. "Kunsabagay, mabilis kang tumakbo pag sa Marathon, Bull's eye kapag sa Archery, Solid pumalo kapag Volleyball, mabilis kumilos kapag Badminton. Witty kapag sa Chess. Madaya kasi parang di ka naman napapagod pero ako ilang laban lang hinihingal na. HAHA. Hays over talented, kaya napakarami mong award na nakasabit sa bahay e, ano bang hindi mo kaya?" Sinabi ko naman yun sa paraang hindi naiinggit. Inaasar ko lang talaga ang kapatid ko. "Napapagod din ako no. Si Ate talaga, wag kang maingay baka may makarinig satin hindi na tayo isali. HAHA." Natutuwa ako dahil kahit papano ay nakakatawa na ng natural sa harapan ko si Mira, nakikipgbiruan at hindi na naglilihim hindi tulad ng dati. Mukhang nakuha ko nanga talaga ang tiwala nya at ayokong masira iyon. Ako ang Ate na dapat pumuprotekta sa knya pero heto sya at sya ang pumuprotekta sakin. Ang sarap lang sa feeling na meron kang ganitong kapatid at mga kaibigang werewolf? Hindi nga pala sila werewolf pero parang ganun narin. Gulo no? Ako din naguguluhan pero mas okay na tawagin nalang silang werewolf kesa engkanto. Tsaka, hindi pa pala kami friends HAHA. Si Domus siguro pero si Icarus kasi masyadong mailap. Di ko panga sya nakikita e, huling kita ko sa knya ilang buwan na ang nakakalipas, yun e yung sumugod pa ang mga Aswang samin di ko pa nakita mukha nya, pero si Domus? Madalas ko na syang nkikita kaya naging magkaibigan nadin kami. Madalas kasi mang-asar si Domus kay Mira, baka Crush nya? Pero alam ko kasi matanda na si Domus e, hundred years? HEHE di ko alam. Pero sa totoo lang ay crush ko si Domus pero kung magkagustuhan man sila ng kapatid ko ay handa naman akong magparaya. Matapos ng practice sa school ay nagsiuwian narin kami. Kasali kami ni Mira sa District Meet. Kaya lalaban kami sa ibang Distrito at lugar na malayo sa Baryo namin, pagkauwi namin ay medyo maliwanag pa kaya naisipan ko munang maglakad lakad sa labas. "Papa dyan lang po ako sa may ilog sa likod." Pagpapaalam ko. "Isama mo si Mira." Wika ni Papa. "Wag na Papa, nagpapahinga si Mira ngayon sa kwarto, napagod marahil sa pagpapractice kanina sa school." Sagot ko naman. "Sige, umuwi ka kaagad bago dumilim." Sabi pa ni Papa. "Opo, hindi po ako lalayo." At naglakad nanga ako patungo sa ilog na di kalayuan sa bahay ngunit hindi matatanaw dahil maraming nagtataasang halaman. Matagal ko nang gustong tumambay dito ng minsan ko itong matuklasan habang hinahanap si Mira, mababaw lang ang ilog at malinaw ang tubig, masarap sanang maligo kaso baka malamig. Umupo ako sa nkatumbang puno, Tahimik at nakakarelax ang paligid, nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng bigla akong makarinig ng kaluskos sa matataas na damo. "Sino yan!" Sigaw ko sabay tayo. "Papa! Mira!" Sigaw ko na naman at umatras ng umatras dahil ppalapit ng ppalapit ang kaluskos. Hindi ko namalayan na nasa ilog na pala ako dhil sa sobrang kaba. Napaupo ako ng bigla na lamang itong lumabas. "WAAHH! ARAYY!." Naisigaw ko sa sobrang gulat at sa sakit ng pwet dahil napaupo ako sa mga bato. "Uy ayos ka lang?" Tanong ni Domus. "Alam mo bwisit ka. Sa tingin mo ayos lang ako? Tingnan mo nga nabasa ako dahil sayo." Maiiyak na sabi ko dahil ang hapdi ng palad ko at sakong ko dahil nagasgas sa mga bato sa ilalim ng ilog, pati pwet ko feeling ko nabugbog. Sobrang sakit. "Hala, bat kasalanan ko?" Inosenteng sabi ni Domus. Nakakainis. "KASI NANGGUGULAT KA." Sigaw ko sa kanya. "Psensya na hindi ko sinasadya. Nakalimutan kong magugulatin ka nga pala. HEHE." Napakamot sa batok na sambit ni Domus sabay lahad ng kamay kaya inabot ko yun at tumayo. "HAYS." Buntong-hininga ko at umahon na lamang. "Lira, gusto mong sumama?" Biglang tanong nya. "Saan naman?" Sagot ko. "Doon oh! Sa tawid nitong ilog, maraming prutas dun manguha tayo." Tila excited na sabi ni Domus. "Maraming prutas sa likod ng bahay namin." Sabi ko dahil totoo naman. Iyon ang mga tanim ni Papa. "Hindi lang naman yun ang kukunin natin e. Ipapasyal nadin kita para naman hindi ka mainip." Mukhang magandang ideya yun kaya sumama ako kay Domus kahit medyo nilalamig nako. "Nilalamig ka ba?" Tanong nya. "Hindi naman." Sagot ko, nhihiya kasi ako baka mamaya hubarin nya yung pang itaas nya para ipasuot sakin tulad ng nangyayari sa mga kwento dba? Asyuming man pero ayoko HAHA. nakakahiya kaya baka malaman nya pa na Crush ko sya saka ibabang bahagi lang nman ng katawan ko ang basa. Habang naglalakad lakad na kmi ay hindi ko maiwasang magtanong. "Domus, nasaan si Icarus?" Napalingon sya sakin. "Bat mo ba sya hinahanap andito naman ako. HAHA." Wika nya. "Baliw, syempre hindi ko pa kasi sya nakikita e. I mean yung katawang tao nya." Nag-aalangan man ay gusto ko tlagang malaman. "Ahh. Pano nga ba? Hmm, masasabi kong nakakatakot ang itsura nya." Simpleng sagot nya sakin. "Panong nakakatakot?" Kinabahan tuloy ako baka mukha syang halimaw. "Basta malalaman mo rin. Magpapakita din yun, mailap lang talaga si Kuya sa mga tao. Sa katunayan nga ay hindi magkaibigan ang Papa mo at si Kuya dahil iniisip nya na dahil sa Papa mo ay nabuntis at namatay si Alisha. Tapos ngayon si Mira naman ang nhhrapan." Wika ni Domus, natahimik ako sa natuklasan. Kaya siguro bhira syang magpakita sa amin ay galit sya sa mga taong kagaya namin ni Papa. At kaya sya nananatili dahil kay Mira at sa pangako nya kay tita Alisha. "Nandito na tayo." Biglang sabi ni Domus. Hindi ko na namalayan na nakaakyat na pala kami sa bundok dhil sa lalim ng iniisip ko. At masasabi kong napakaganda dito, napakaraming bulaklak at tanaw ang bukirin. "Wow, ang sarap naman magpicnic dito." Sobrang mangha ko sa nakikita. "Sabi ko nanga ba e at magugustuhan mo dito. Halika maupo ka muna dito at mangunguha ako ng Prutas." Sabi nya at umalis muna. Naupo naman ako sa ilalim ng puno at nakaramdam ng kilig sa naisip. 'Date kaya to?' Pagkabalik ni Domus ay may dala na syang mga prutas at umupo sya sa tabi ko mbuti nlang at medyo tuyo na ko dhil malakas ang hangin. "Magkwento ka naman ng buhay mo sa lugar nyo Lira. Maganda ba doon kumpara dito?" Tanong nya. Napailing ako. "Hindi, mas maganda dito Domus pero masaya doon kasi marami kang mapapasyalan tulad ng Park, Mall, Bar at kung anu ano pa." Sabi ko. "Ano yung Park?" Tanong nya. "Park, parke na kung minsan may palaruan para sa mga bata, pasyalan ng mga gustong magrelax kasi may mga puno at halaman. Ang Mall naman ay isang malaking gusali, sa loob nun ay maraming pamilihan kaya marami ding tao. Ang Bar naman ay pinupuntahan ng mga sawi sa pag-ibig, gustong maglibang o gusto lamang uminom ng alak." Paliwanag ko sa knya. "Nakakatuwa naman ang mga lugar na iyon, sana makapunta din ako doon." Masayang sabi nya. "Gusto mo sumama ka sakin sa bakasyon? Uuwi kasi ako doon e." Anyaya ko sa knya. "Talaga? Isasama mo ako? Baka naman iligaw mo ako kapag nandun na tayo. HAHA pikunin ka pa naman." Nang-aasar na naman sya. Sa sobrang dami naming pinagkukwentuhan ay di na namin napansin ni Domus ang pagdilim. "Hala Domus madilim na. Kailangan na nating umuwi baka hinahanap na ako ni Papa." Nag-aalalang wika ko. "Oo nga hindi ko na namalayan. Tara na." Nagulat na naman ako ng magbago sya ng Anyo. Naging Asong lobo na naman sya, favorite nya yata yung transformation nato? Nakatingin lang sya sakin. Inaantay nya siguro akong sumakay sa likod nya kaya sumakay ako. "Dahan dahan sa pagtakbo Domus, ang sakit ng singit ko tsaka baka mahulog ako." Sambit ko kaya naman bahagya syang bumagal. Pagkadating namin sa tabing ilog bago kami makatawid ay may naglabasang mga asong lobo, sa gulat ko ay napabitaw ako ng yakap kay Domus. Kaya gumulong ako pababa sa tabi ng ilog, sobrang hapdi ng mga braso ko dhil sa pagkakakaskas sa mga damo at bato. "Aray." Nasabi ko habang pinipilit makatayo. Umalulong ng sobrang lakas si Domus dahil kaharap nya ang mahigit pitong asong lobo. Mga ordinaryo lamang ito dahil mas malaki sa kanila si Domus ngunit kung sabay sabay silang aatake, malamang na hindi sila kakayanin ni Domus. Ako ang pakay nila dahil ako ang tao na pwede nilang lapain kaya sa akin sila nakatingin. Nakakatakot dahil naglalaway na sila. Paatras ako ng paatras sa ilog upang makatawid habang si Domus naman ay nasa harapan ko at nkaharap sa mga Lobo, nakikiramdam sa aatake. "Shit!" Bulong ko, malalim na pala ang ilog kapag gabi, hindi pa naman ako makagalaw ng maayos dahil nininerbyos pa ako at bukod doon ay matatangay ako ng agos nito dahil lumalakas na. Ayoko namang tawagin si Domus dahil baka kapag lumingon sya sakin ay atakihin sya ng mga Lobo. 'Hindi, Mira tulong.' Nasabi ko sa isip ko, tuluyan na nga akong natangay, napadapa ako at sumasama na sa agos ng ilog, may nadaanan akong
nakatumbang puno at kumapit sa sanga nito. Nhhirapan akong huminga dahil sa lakas ng agos ng ilog na sumasalubong sakin, 'Mira, Papa tulong.' Dasal ko sa isip ko. Hangga't maaari ay ayokong lumikha ng ingay na magpapawala sa konsentrasyon ni Domus. Natanaw kong nagsisimula ng makipambuno si Domus sa mga Lobo ng maramdaman kong malapit ng bumitaw ang kamay ko dhil sa panghihina at kinakapos narin ako ng hininga. Napapapikit nako dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. Napabitaw na ako at inaasahang tatangayin na ko ng tubig ng maramdaman kong may pumulupot sa katawan ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang tubig. May bumubuhat sakin, nakabridal style ang paraan ng pagbuhat kaya pinilit kong dumilat kahit para na akong bangag, pero dhil madilim ay hindi ko makita ang nakayuko nyang mukha sakin, bukod doon ay nanlalabo pa ang paningin ko dhil nga sa paghihirap kong huminga kanina. "Sino ka?" Nanghihinang tanong ko. Wala akong nakuhang sagot dhil tumatakbo yta sya? Medyo naliliyo ako dhil sa bilis ng takbo nya. Bigla syang huminto, bakit kaya? Sino kaya to? Kalaban? Baka kasamahan to ng mga Lobo, pero ordinaryong mga Lobo lang ang nakita ko kanina. "Mira." Sabi ng Lalaki na may nakakakilabot na boses, yung tipong sumisigaw ang kapangyarihan at awtoridad. "Icarus?" Narinig ko ang boses ni Mira at ang pagbukas ng isang pintuan. "Jusmiyo, Papa! Nandito na si Ate!" Dinig kong sigaw ni Mira. "Anong nangyari sa knya Icarus?" Boses na yun ni Papa. "Inatake sila ng mga Lobo sa ilog." Simpleng sagot nya, napakaistrikto. "Sila? Sinong kasama nya?" Tanong ni Mira. "Si Domus." Tipid na sagot ni Icarus. "Naku, malilintikan talaga sakin yang Domus nayan. Ipinahamak nya pa si Ate!" Naiinis na wika ng kapatid ko. "Ito na si Lira, aalis nako." At naramdaman kong nailipat na ako ng bisig, marahil kay Papa. "Salamat Icarus." Sabi ni Papa. Hindi ko narinig na sumagot si Icarus. Shit, nawili ako sa pkikinig ng usapan nila kya nakalimutan kong imulat ang mata ko. Hindi ko na naman tuloy nakita ang mukha nya. Pero mukhang tama si Domus, nakakatakot ang boses nya kaya malamang nakakatakot din ang mukha nya. Pinasok na ako ni Papa sa Loob at inihiga sa sofa. "Lira." Paggising sakin ni Papa. Iminulat ko ang mata ko pero malabo prin ang paningin ko kya ipinikit kong muli. "Gagawa ako ng tsa." Sabi ni Papa at narinig ko ang papaalis nyang yabag. "Ate, dumilat ka nga. Nag-alala kami ni Papa sayo dhil sabi mo jan kalang sa likod, pero nung pnthan kita kanina wala ka naman. Ate gumising ka nga." Inaalog ako ni Mira, lalo akong nhhilo sa gnagawa nya e. Naramdaman kong may pumatak sa mukha ko kaya dumilat ako, umiiyak si Mira. "Bat ka umiiyak?" Nanghihinang tanong ko. "Kasi nag-aalala ako sayo. Ano pang masakit?" Sabi nya na umiiyak parin. "Wala na, nahihilo lang ako tapos inalog alog mo pa ako. E di lalo akong nhilo." Biro ko sa knya. "Sorry Ate, baka kasi hindi kana gumising."malungkot na sabi nya. Pinunasan ko ang mga tumakas na luha sa mata nya at lumabas naman si Papa mula sa kusina. May bitbit na tasang bhagyang umuusok pa dhil sa init. "Anak inumin mo tong maligamgam na pinakuluang dahon, pagkatapos pumanhik kana at maligo, uminom ka din ng gamot para hindi ka magkasakit." Bumangon ako para inumin ang mga pinapainom ni Papa. Wala naman syang lasa kaya hindi nako nagreklamo. Nang makalahati ay nagpaalam na akong aakyat, nagpaalalay ako kay Mira paakyat ng kwarto hanggang sa banyo. Nang matanggal ko na lahat ng saplot ay umupo na ako sa bangkito dhil hindi ko kayang tumayo ng matagal, nanghihina din maging mga tuhod ko. Inumpisahan ko ng magbuhos ng tubig sa katawan at magsabon, napaingit ako sa hapding nararamdaman, ang dami ko palang galos. Naisip ko si Domus, ano kayang nangyari sa knya? Natalo nya kaya yung mga Lobo? Tinulungan kaya sya ni Icarus? Malas tlga. Hindi ko na naman nakita ang mukha nya. De bale, may susunod pa naman siguro. At minadali ko na ang paliligo. Pagkatapos magbhis ay may nakita akong gamot at isang basong tubig sa bedside table kaya ininom ko yun bago humiga. Dahil sa pagod ay nakatulog ako na basa ang buhok. Nagising lamang ako ng maramdaman kong humahapdi ang mga sugat ko. Nakita ko si Mira na matyagang ginagamot ang mga sugat ko. "Matulog kana mahal ko, wag mo na alalahanin yang mga sugat ko. Maliliit lang yan at mabilis ding hihilom." Sabi ko sa knya na bhagyang umupo at sumandal sa headboard ng kama ko. "Ate, nag-alala talaga ako sayo." Maiiyak na naman sya. Hinila ko sya para yakapin. "Halika nga rito. Alam mo nagiging iyakin kana." Pagbibiro ko. "Simula kasi nung mkilala kita Ate, nadagdagan yung mga taong pinahahalagahan ko. Kaya ayokong may mangyaring masama sayo ng dhil sa kapabayaan ko." Sagot nya. "Mira, tandaan mo tong sasabhin ko. Hindi ka Diyos para magligtas ng tao. Hindi mo tungkulin na sagipin kami sa lahat ng oras. Maaari kang tumulong o hindi depende sa nais mo. Kung mamamatay man ako o hindi, iyon ay nasa kamay na ng Diyos. Wag mong sisisihin ang sarili mo sa anumang kahinatnan namin ni Papa, bawat indibidwal ay may kakayahang magpasya para sa mga sarili nila. Naiintndhan mo ba? Hindi porket ikaw ang may kakayahan ay responsibilidad mo na kami. Hindi yun ganun. Okay?" Pagpapaintindi ko sa knya. Naaawa ako dhil parang ginawa na nyang responsibilidad ang protektahan kami. Nakakainis dhil parang pabigat kami kay Mira. Pero sana maunawaan nya ang ibig kong sabhin. "Opo Ate. Naiintndhan ko na. Pero sana mag-iingat ka kapag wala ako sa paligid." Kondisyon nya. "Masusunod Dyosa ng Buwan." Sambit ko sabay halakhak. "Ate naman e! Kakasama mo kay Domus ay nhahawa kana." Pagmamaktol nya. Natatawa tlaga ako sa kapatid ko. Ang sarap asarin. "Syanga pala Ate, hindi kapa naghahapunan. Halika kumain ka muna o dadalhan nalang kita dito?" Umiling ako. "Hindi ako gutom, ang dami kong nakain na prutas kanina e." Sabi ko. "Mabuti naman kung ganun. Galing din pala sila Domus dito kanina Ate. Humingi sya ng pasensya samin ni Papa sa ginawa nyang pagpapasama sayo ng hindi nagpapaalam. Hindi naman nagalit si Papa sa knya pero nag-alala tlaga kami. Paano kung hindi dumating si Icarus? E di sana patay ka na naman. Hays, ang tigas ng ulo nyong dalawa ni Domus." Naiinis na naman ang kapatid ko. Hays, pero masisisi nya ba ako? Sobra tlaga akong nag-enjoy kanina kaya hindi na namin namalayan ang pagdilim. Kinikilig prin ako sa mga ginawa ni Domus knina para sakin. Pero nakakanerbyos din yung mga Lobo. Naggoodnight na si Mira sakin at humiga na sa kama nya habang nakaharap sakin. Kaya naman humiga ndin ako at humarap din sa knya. "Iloveyou Ate." Wika nya. "Iloveyou too." Sagot ko. Nagtawanan kami at ipinikit na ang mga mata.[•Sa mga nagsasabi kung totoo man tong kwento ko e bakit hindi na-media o nabalita sa tv? Uulitin ko po. Nung mangyari to ay hindi pa uso ang magarang gadgets tulad ng sinabi ko sa unang story ko kung nabasa po ninyo. May mga kababalaghan sa mundo natin na hindi alam ng lahat ng tao, may nakakaalam man pero kokonti lang. May naniniwala man pero bbhira lang, kaya naman nagiging alamat na lamang. Liblib ang baryo namin at layo layo ang tahanan kaya hindi uso ang chismosa na sinasabi ninyo, kung meron man ay tanging sa loob ng baryo o kalapit na baryo lamang ito makakarating. Hindi lahat ng kababalaghan na natutuklasan natin ay kailangan nating isapubliko, minsan mas pinipili nalang ng iba na ilihim na lamang ito upang hindi na magdala pa ng kapahamakan. Kaya ko naibabahagi to sa inyo ngayon, yun ay dhil tapos na itong nangyari. Nangyari na ang dapat mangyari kaya pinaprivate ko na lamang yung ibang details. I shared this story not to gain popularity here. I just want you to know na isa ako sa mga maswerteng nakaencounter ng ganito at malas at the same time dahil sa consequences ng mga actions namin ng kapatid ko. Gusto kong mamulat kayo sa mga mythical creatures na nakakamangha sa mundo natin. I know na hindi lang ako ang may mga ganitong experiences. I hope you understand!•]
BINABASA MO ANG
My Half Sister's Abilities by Lira
TerrorSi Lira ay isang normal na tao lamang, normal mangarap sa normal na mundo. Pero sa kabila ng pagiging normal nya ay may maeecounter syang mga nilalang na magpapabago ng takbo ng normal nyang buhay. Kayanin nya kayang makipagsabayan sa mga ito lalo n...