*IAmTheGoodWife*
Part12
Odette*
POVHindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mae. Buntis daw sya kay Leo at hindi kay Marco. Pano nya nasabi yun. Kung kelan nakapagdesisyon na ko. Naguguluhan na tuloy ako...
"Pasensya kana bes kung, nagulo ko kayo ni Leo. Gusto ko kase ipaalam sayo agad. Para atlis. May nalalaman ka tungkol kay Leo. May gusto sayo yun matagal na. Nakakainis lang kase nakisali ako sa Plano nya..." Sabi nito.
"A-Anong Plano?" Sabi ko.
"Bes, Sabi kase ni Leo. Uhm. Akitin ko si Marco para makuha ka nya. Kaya yun, nagawa ko nga pero. Ang kapalit. Nawala ka saken. Ang sakit sakit. Sinabi ko kay Marco na, ayoko na. Nahihirapan kase loob ko. Tapos. May time na umuuwi si Marco. Lasing. Umiiyak sya at hinahanap ka. Nasasaktan ako. Mahal na mahal ka ni Marco. Kaso lang nga e nangyare yung samen noon. Pareho kaming nagsisisi. Tapos ayun. Hinahanap ka ni Leo samen. E sinabi namin na hindi namen alam. Galit na galit si Leo nun. Kaya nag-away sila ni Marco. Tapos. Ayun. Simula ng hindi kana magparamdam kay Marco. Lagi na syang umiiyak tapos nagsisisi sa nagawa nya. Gustong gusto na kitang kausapin nun. Kaso. Nahihiya ako tyaka alam kong hindi mo ko mapapatawad."
"Grabe. Hindi ako makapaniwala Mae. Sobrang. N-Nakakabigla..."
"Pasensya kana ah. Sobrang nagsisisi ako na sumunod ako sa Gusto ni Leo. Nagka-interes ako kay Marco pero nawala din yun nung napansin ko na yung lagi na ngang umuuwi si Marco tapos. Lasing. Hinahanap ka." Iyak nito.
"Ang hirap. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ako makapaniwala na ganun si Leo..."
"Nako. Binlockmail ako ni Leo. May nangyare na din samen dati. Tapos ayun wala akong alam na may Camera basta sa Kwarto nya. Tapos ayun. Nagulat ako sabi nya sumunod daw ako sa gusto nya at kung hindi ikakalat nya yung Video namen. Sakanya kase walang mawawala pero saken. Babae ako e. Tapos diba. Parehong may sakit magulang naten. Ngayon parepareho silang nawala. Kaya ayun. Sumunod ako. Nung pagkatapos ng Kasal namin ni Marco. Nagparamdam si Leo. Hindi ka kase nya makita tapos ayaw nyang pumatol sa iba. Kumbaga. Ini imagine nya ako ikaw. Kase raw nakasex ka na ni Marco syempre may laman ka kay Marco at mapupunta din raw saken kaya ganon. Ang gulo nga e." Sabi nito.
Nakakatakot na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang nakakatakot si Leo kung ganun pero paano na yung Masayang nangyari samen Kagabe.
"Mag iingat ka Bes. Lagi mong tatandaan. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ko sa nagawa ko. Etong Baby ko. Pinoproblema ko. Ayaw kase ni Leo. Si Marco naman e gusto nya. Kadugo nya. E wala. Kailangan ko na ding makalayo. Natatakot ako kay Leo. Baka biglang sumulpot. Baka may mangyaring masama saken..."
*
Ang sinabi nyang yun nangyare daw...Kinabukasan,
Nagtext si Mae saken at pinuntahan nga daw sya ni Leo. Kinausap sya kaya sinabi kong wag syang magsasalita ng kahit na ano tungkol sa pinag-usapan namen. Basta ako ang Bahala.
"Girl. Ikaw nga muna rito. CR lang ako." Sabi ni Ionny.
Eto na yung Araw na unang pasok nila CJ at Kim dito.
Kailangan kong mag-ingat. Itinuturo ko yung mga Dapat nilang gawin hanggang sa napapansin ko na yung mga Ngisi ni CJ na parang inaakit ako. Nagpaka Seryoso ako. Hindi ako ngumingiti. Kunwari masungit ako at dumating itong Oras na kailangan kong umiwas kay CJ.Nakita ko kase si Marco.
Sa labas ng Store na to kaya naglakad ako at hinabol sya."Marco!" Sabi ko.
Binilisan pa nya ang paglalakad para makatakas saken. Pinagpatuloy ko ang pagsunod tutal nandun naman na si Ionny.
"M-Marco! Sandali!" Sabi ko.
Dire-diretso sya ng lakad hanggang sa makarating kame sa Parking lot. Dali-dali akong tumakbo para makalapit sa kanya tapos ay hinawakan ko ito sa Kanang Kamay. Wala na syang nagawa kundi huminto sa paglalakad at harapin ako ngayon.
"Binayaran mo si CJ?" Sabi ko.
Nakayuko ito't nakatingin sa mga Paa nya.
"Ano?! Binayaran mo noh? Napansin ko yung mga galaw ni CJ. Dikit sya ng dikit. Alam ko na. Sabihin mo kung bakit!" Sabi ko.
"Hmm. Tara sa Kotse." Sabi nito.
"Hindi. Ayoko! Dito tayo mismo mag-uusap." Iyak ko.
Malungkot ang reaksyon nito habang nakatingin saken. Hindi ko tuloy alam kung ano pang sasabihin ko. Sobra na kong nasasaktan. Salamat na Panginoon o sa kung sino man na nagbalik saken sa Oras at Panahon na to.
"Marco! Ano? Anong gusto mong mangyari saken ah. Kilala mo yung Kaibigan mo diba. Kilala mo Leo pag nagalit. Ngayon. Sabihin mo saken. Anong gusto mong mangyari saken. Gusto mo ba kong maghirap? Mamalimos. Maging pulubi. Maging miserable." Iyak ko.
Hindi ito sumasagot. Tumutulo lang ang Luha nya sa mga Mata pero, hindi sya sumasagot. Ano pa ba ang pwede kong sabihin...
"Gusto mo ba kong mamatay?" Iyak ko.
Ayan at tumingin ito agad saken. Lumuhod sya sa harapan ko saka hinawakan ang mga Kamay ko't hinahalikan nya ang mga ito.
"O-Odette. I'm so sorry. Baby. Hindi ko gusto yun. I'm sorry. Hindi ko naman Mahal si Mae. Sex lang habol ko dun. Nagsisisi ako na sinaktan kita. Na. P-Pinalayas kita. Sorry..." Iyak nito.
"Wala na Marco. Tapos na kase yun. Ikaw ang pumili sa gusto mo. Pinili mo kong Lokohin. Pinili mo kong Saktan. Ngayon na. Nananahimik ako. Nagpaparamdam ka? Anong gusto mo!"
Humahagulgol ito ng iyak habang nakaluhod. Maging ako umiiyak na sa nangyayare.
"Gusto ko... Magpakasal tayo ulit... Gusto ko... Bumalik ka saken... Gusto ko... Akin ka lang... Gusto ko... Ako lang yung Mahal mo... Yun... Yun yung Gusto ko." Iyak nito.
Iniisip kong maigi. Paano ko ibibigay ang Gusto nya kung sinaktan na nya ko't niloko.
"Ayoko na Marco. Tigilan na naten to. Masaya na ko e. Nananahimik na ko..." Iyak ko.
Lumakas tuloy ang pag-iyak nya. Inaalis ko tong pagkakahawak nya sa mga Kamay ko pero hinahatak nya ko.
"Wag. Wag Odette. Pakiusap. Isa pang pagkakataon. Pakiusap. Mahal na mahal kita Odette."
"Mahal? Ang Mahal mo lang yang sarili mo. Kung mahal mo ko. Bakit mo ko niloko? Bakit ka nagsinungaling saken. Bakit si Mae pa! Bakit. Tapos ngayon. Ngayong tahimik ako. Guguluhin mo ko!"
Nahihirapan na kong huminga. Napakasakit na ng nararamdaman ko. Gusto ko na matapos to kaya lang ay pano.
"Wala nang kahit na sino. Pangako! Wag kang bumitaw Odette. Hindi na ko uulit. Pakiusap Odette. Ang gusto ko lang naman Anak e. May plano na ko kaso ang mali ko nasabik ako masyado sa Bestfriend mo."
"Hindi! Hindi na ko magpapaloko sayo!"
"Please, pakinggan mo ko please. Hindi ko mahal si Mae."
"Tigil-tigilan mo ko! Babalik na ko sa loob bitawan mo na yung mga Kamay ko!"
Tumayo ito at pasalubong pa kong niyakap tyaka hinalikan sa Noo. Niyakap ako at binuhat. Nakakahiya na tuloy kase nakatingin yung mga Tao samen.
"Bitawan mo ko Marco." Iyak ko.
"Sama ka muna saken."
Talagang buhat-buhat na nya kong dinala palapit sa kotse nya. Binuksan nya tong pinto sa Front Seat. Pina-upo nya ko sa Kotse kaya nag-aalala ako. Natatakot ako kase naalala ko nung sa nakaraan na nangyari e si Leo ang ganito saken. Sinaktan ako kaya naospital ako. Ganitung-ganito yun kaya lang e kinaladkad ako ni Leo sa panaginip na yun...
(Jusko...)
"A-Ayaw ko na Marco. B-Babalik na ko dun sa Trabaho ko. Baka hinahanap na nila ko." Sabi kong nauutal at nanginginig pa.
Nilingon ako ni Marco. Dito ko nakitang malungkot na malungkot sya. Marahan itong umusog saka hinawakan ang kanan pisngi ko at binulungan pa ko nang...
"Mahal ko. Wag kang matakot. Hindi naman kita sasaktan. Gusto ko lang mag-usap tayo. Gusto ko lang linawin lahat sayo..."
BINABASA MO ANG
I am the Good Wife (COMPLETE)
RomanceR🔞 Kahit anong pagpapakabuti mo para sa Asawa mo.. Basta't may Malanding nakapaligid.. Maiiwan ka sa ere at sa makalipas na isang Taon.. kung kelan Masaya at Malaya kana.. saka ka nila.. Guguluhin..