Bestfriend ni Ex

1.5K 19 0
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part3

Odette*
POV

Pinagmamasdan ko maigi si Leo at ganun din naman sya saken. Magkaharap kame sa isa't isa na nanla-laki pa ang mga Mata. Unti-unti pa syang ngumiti kaya nakaramdam na ko ng hiya. Masyado yata akong OA.

"Nakalimutan mo na talaga ko." Sabi nya.

"Nako. P-Pasensya kana. Matagal na kase nung huling kita ko sayo. Kamusta kana?" Sabi ko.

"A-Ayos naman ako. Ikaw ba? Bali. Nakakagulat lang at uhm. Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi nya.

Iniisip ko tuloy kung papayag ba ko o deretso uwi na. Pagod pa naman ako tyaka parang inaantok na.

"Please Odette. Gusto ko kitang makakwentuhan. Please?" Sabi nya.

"Uhm. S-Sige. Pero saglit lang ah?" Sabi ko.

Ngumiti si Leo ganun din ako sa kanya tapos pinakilala ko sya sa mga Kaibigan kong sila Ionny at Joanna.

"Hi..." Sabi ni Leo.

Nahihiya naman ang mga Kaibigan ko dahil ang Gwapo ni Leo. Maamo ang Mukha tyaka makisig.
Naalala ko kasamahan ni Mae ito na nagmomodel.
Hindi parin nagbabago ang dating o itsura nito pero sa loob ng isang Taon nakuha ko pa itong makalimutan.

"Tara? Ihahatid din kita. Pagkatapos..." Sabi ni Leo.

Ngumiti ako saka lumingon kila Ionny at Joanna.
Nakangiti ang mga ito saken na nakakatakot ang ngiti nilang ito. Para bang may gusto silang ipahiwatig.

"Hihi. Ingat ah?" Sabi ni Ionny.

"Hay nako. Iingat din kayo." Sabi ko.

Tumango na sila tyaka naglakad na palayo samen.
Nakatingin ako sa kanila hanggang sa sumakay na sila sa Jeep. Nagkakawayan kameng Tatlo sa isa't-isa.

"Uhm. Kain tayo?" Aya ni Leo.

Tumango nalang ako. Hindi pa kase ko kumakain.
Balak ko pa naman na kainin e Noodles lang dahil yun lang ang kaya ko tyaka minsan nakaka Kanin din naman sa tulong ng mga kaibigan ko.

"Let's go?" Sabi ni Leo.

Naka-alalay sya saken sa paglakad namin papunta sa Parking lot nitong Mall.
Medyo kinakabahan ako sa biglang pagsulpot ni Leo dito. Naalala ko. Madalas namin pag-awayan ni Marco to nung hindi pa kame Kasal nun.
Pinagseselosan ni Marco to at pinagbibintangan ako na nakikipaglandian kay Leo tapos sya pala ang gumagawa ng Himala. Kung kelan Asawa na nya ko.

"Ulo mo please..." Bulong ni Leo.

"Ay, salamat hehe. Ang bait mo talaga." Sabi ko.

Inalalayan nya kong makasakay dito sa Kotse nya.
Naupo ako tapos isinara nya ang pinto saka sya umikot para makapunta dito sa Driver seat.
Tabi kame. Sumakay sya tyaka pinaandar na to.

Makalipas ang ilang minuto.

Nakarating kame sa Restaurant ng mga ilang Minuto lang naman. Inalalayan nya kong makababa dito sa Kotse nya saka kame naglakad papasok. Naiilang tuloy ako ng bahagya kay Leo. Nakahawak kase sya sa likuran ko sa pababa papunta sa puwetan ko.
Kinakabahan tuloy ako sa ganito. Ngayon nalang ulit ako nahawakan dun ng Lalake.

"This way Ma'am and Sir..." Sabi ng Waitress.

Sumunod kame ni Leo sa babae.
Nang makarating kame sa isang pwesto ay inalalayan parin ako ni Leo na makaupo tapos tumabi ito saken.
Umorder kame ng makakain at libre raw nya ko. Masaya ako kase sosyal dito na bibihira ko nalang matikman.

I am the Good Wife (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon