Gimik

1.2K 22 0
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part4

Odette*
POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Leo ngayon.
May gusto daw sya saken at matagal na raw. Totoo kaya yun o baka nagtitrip lang ito.

"L-Leo. Baka n-nabibigla ka lang." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi Odette. Hindi ako nabibigla. Seryoso ako sa sinasabi ko. Gusto kita. Sa totoo lang. Kinausap ko si Marco tungkol sa balak kong manligaw sayo noon pero. Inunahan parin nya ko."

Tahimik lang ako dito sa kinauupuan ko. Nakikinig ako maigi kay Leo. Sinasabihan nya ko ng matatamis na salita tyaka pinapaliwanag nya ang tungkol sa nakaraan. Hindi ko tuloy maintindihan ang mararamdaman ko ngayon. Nag-aalala akong mahulog sa dating Kaibigan ni Marco.

"Gustong gusto kita Odette. Nakakainis lang talaga kase mabilis kumilos si Marco tyaka. May gusto ka sa kanya nun e. Kaya, talo parin ako..." Sabi nya.

"Uhm, hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko Leo. Nakakabigla tyaka natatakot ako. Baka trip mo lang to?" Sabi ko.

"Odette, hindi ako nagtitrip. Gusto talaga kita basta hindi ko alam bakit natorpe ako dati e. P-Pero, gusto kita sobra..."

"Ay hehe. Nahihiya ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko e."

Natatawa tuloy kameng Dalawa habang pinag-uusapan ang tungkol sa nakaraan.

*

Pagkatapos naming mag-usap nag aya na kong umuwi kase nakaramdam na ko ng antok. Tumayo na kameng dalawa dito sa kinauupuan namin. Naglakad kame palabas sa Restaurant na to saka nagpunta sa Parking lot. Inalalayan nya kong makasakay sa Kotse nya, pagkasara ng Pinto ay naglakad na sya para makasakay sa Driver seat.

(Nakakatuwa naman tong Lalake na to...)

Pagka-upo nya sa Driver seat at pagkasara dun sa pintuang nasa kaliwa nya, pinaandar na nya ito.

"Ayain sana kita Odette? Baka gusto mong gumimik. Ako naman bahala sayo e. Sa Sabado yun." Sabi nito.

Iniisip ko. May gimik din kame nila Ionny nun.

"Uhm. May gimik din ako nun?" Sabi ko.

"Talaga? Saan ba gimik nyo. Sasama ko."

Sinabi ko sa kanya kung saan ang gimik na pupuntahan namin ng mga Kaibigan ko. Gusto raw nyang sumama kaya pumayag na ko para isahang Party party nalang.

"Alright. Susunduin kita sa Sabado ah?" Sabi nito.

"Sige. Salamat ah."

Matapos naming mag-usap tahimik na kame sa Byahe.

*

Nang makarating kame sa Apartment. Inalalayan ako ni Leo na bumaba tapos hinatid na nya ko mismo sa Pinto ng Apartment ni Ionny.

"Salamat Leo..." Sabi ko.

"Your always welcome. Goodnight Odette." Sabi nya.

"Goodnight Leo. Salamat ulit. Mag-iingat ka sa byahe mo pauwi..."

Nagulat ako ng bigla akong halikan ni Leo sa kanang pisngi. Wala na kong nagawa kundi ngumiti nalang.
Hinayaan ko nalang sya pagkatapos umatras na ito saka naglakad pabalik sa Kotse nya. Lumingon pa ulit sya saken bago sumakay. Ngumiti sya tyaka kumaway.

Kumaway din ako saka ngumiti sa kanya. Sumakay na sya saka umalis.

"Hmm..." Huni ko.

Humarap na ko sa pintuan saka ito binuksan. Pumasok na ko para magawa na ang kailangan gawin para na din makapagpahinga na ko.

I am the Good Wife (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon