Hi Leo

1K 15 0
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part19

Odette*
POV

Napakasakit at may kirot sa Puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Leo. May Girlfriend na pala sya. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko ngayon. Napapalunok lang ako't nag-aabang sa sasabihin nya.

"Babe. This is Odette. My. Uhm. Friend..." Sabi ni Leo.

Tumingin ako kay Moira. Ngumiti ito agad saken saka ako sinalubong ng yakap at halik sa Pisngi. Pagkabitaw nito sa pagkakayakap saken ay umatras ito at yumakap na ulit kay Leo. Medyo Awkward ito para saken.

"Nice to meet you Odette. your so Beautiful. I love your face grabe. Pang model ka. Ya know? Artistahin." Sabi ni Moira.

"Salamat. Ikaw ang mas Maganda kesa saken." Sabi ko.

Tumawa sya. Ngumiti naman ako at nahuli ko si Leo na nakatitig saken na malungkot ang reaksyon. Ayaw kong makasira sa relasyon nilang mukhang masaya na kaya...

"Uhm. Sige. Aalis na ko. Gusto ko lang makita si Leo kaya nandito ako. Na-excite lang ako. Sige Moira at L-Leo. Bye. uwi na ko..." Sabi ko saka na tumalikod sa kanilang dalawa.

"Pwede ka naman sumabay samen." Sabi ni Leo.

Pakanan akong lumingon saka sya sinagot.

"Nako. Hindi na. Ayokong makaistorbo. Sige na. Alis na ko. Pasensya na sa istorbo."

Tinalikuran ko na sila saka ko naglakad para makalayo na sa kanila. Habang naglalakad ako. Ramdam ko ang mainit na Luha sa mga Pisngi ko. Iniisip ko na ayokong makasira ng Relasyon lalo't Mabait si Moira. Nakikita kong napakaswerte ni Leo sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa makalabas ako agad dito sa Airport. Sumakay ako sa Taxi at nagpahatid na papunta sa Apartment ni Ionny.

*

Habang nasa Byahe.
Iniisip ko na Tama ang Desisyon kong wag nalang sabihin kay Leo na buntis ako at Magkaka-anak kameng Dalawa. Para saken kase e mas Maganda na wag nalang nyang Malaman pa lalo't nakakapanghinayang kung masisira sila ni Moira.

"Sayang." Bulong ko.

Ayokong Habulin ako ni Leo dahil Buntis ako. Nakadepende na yun sa Kapalaran namin kung Mahal nya parin ako. Ako kase. Mahal ko na sya. Ang mali ko lang e nagpaniwala ako sa Panaginip ko at sa mga Matatamis na Salita ni Marco at sinabayan pa ng kasinungalingan ni Mae.

"Hays." Sabi ko.

*

Makalipas ang ilang minuto

Nandito na ko sa Bahay. Dali-dali akong bumaba sa Taxi. Pag-alis nung Taxi naglakad na ko saka pumasok sa Apartment ni Ionny. Wala na si Ionny at pumasok na sa Trabaho. Iniisip ko tuloy...

"Hmmmmmm." Huni ko.

Magne Negosyo ako para samen ng magiging Anak ko. Mukhang Masaya na si Leo tyaka ayoko sirain yung Relasyon nila. Ang Ganda at Ang Bait pa naman ni Moira. Bagay na bagay silang Dalawa sa isa't isa.

"Sorry Baby ah. Tayo lang magkakasama habang Buhay. Pangako ko sayo na magiging Mabuti akong Mama para sayo. Love na love kita." Marahan kong hinipo itong Puson ko.

Nagsimula na kong mag-isip ng magiging Negosyo ko. Ayokong nakatengga lang dito. Ang Bawal lang naman saken e ma Stress at magbuhat ng Mabibigat. Hindi naman siguro ako mai Stress sa pagtitinda.

"Hmm. Ano kaya." Bulong ko.

Nasa listahan ko ang pagluluto ng Kakanin. Pwede ding pa Leche Flan o Ube Halaya. Pwede ding mag online selling ako kaso paano ma de deliver.

I am the Good Wife (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon