*IAmTheGoodWife*
Part18
Odette*
POVMaluha luha ako sa balita ni Kuya Mathew. Iniisip ko kung paano ko ito sasabihin kay Leo o matatanggap kaya nya ko. Matatanggap pa kaya nya ko pagkatapos nung huling pag-uusap namin.
"K-Kuya? P-Paano? Pano nangyare yun? Kase nagpatingin kame ni Marco dati e. Paanong buntis ako? Sabi ng Doctor na tumingin samen ako yung may Problema? Baog raw ako..." Iyak ko.
"May paliwanag naman yang mga ganyan Odette. Baka naman mababa lang yung Matress mo. Okaya e kaya hirap kang makabuo kase lagi kang Stress. O baka naman hindi Healthy ang Egg Cells mo. Tatlo yung kadalasan na nagiging problema ng Babae kapag hindi nabubuntis. Hindi ka ba pinayuhan ng Doctor na pinag check up-an nyo?" Sabi ni Kuya Mathew.
"Uhm. H-Hindi. Basta baog raw ako? As in may problema daw saken..."
"Hmm. Bakit naging OB-GYN pa yun kung hindi nya kayang magpayo manlang sa Pasyente nya. Well, base sa nakikita ko sayo. Maselan ka magbuntis. Kaya kailangan mong mag-ingat. Kumain sa tamang Oras. Tulog nang Sapat na Oras. Wag magpapa stress. Kumain ng masustansyang Pagkain. Like dalasan mong mag Fruits. Veggies. Mag gatas ka rin kung kinakailangan. Basta yung pag-iingat. Unahin mo. Bawal magbuhat ng mabibigat. Wag kang magpapakapagod. Kumbaga Bed rest ka muna hanggang sa matapos yung paglilihi mo. Mga 3 to 4 Months natatapos ang paglilihi ng maselan magbuntis. Okay?"
"S-Salamat Kuya. Hindi ko talaga akalain na mabubuntis ako. Grabe. Eto yung hinihintay ko..."
Naiyak na tuloy ako. Sobrang saya ko at excited na din kase magkaka Baby na ko. Magkakaroon na ko ng sariling Anak.
"Congrats Odette. Sino nga pala ang Ama nyan?" Sabi nya.
Nagpunas ako ng Luha at tumingin patingala sa kanya. Nagdadalawang isip tuloy ako. Kinakabahan at nahihiya na Ewan.
"Come on. Wag ka nang mahiya saken. Saten lang naman to." Sabi nya.
"S-Si Leo. Si Leo ang Ama nito." Sabi ko.
"Nasan si Leo?"
"Uhm. Nasa ibang bansa sya..."
"Bakit naman umalis sya. Nagtikiman lang ba kayo?"
"H-Hindi. Ginusto namen pareho yun kase Mahal nya ko. Tapos ayun. Ako yung may gusto din nun..."
"Paano kaya yun. Dapat ipaalam mo agad sa kanya na magkaka-anak na kayo. Mahirap... Baka pagsisihan mo pag hindi mo agad sinabi sa kanya. I chat mo sya agad."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ganun din sya saken. Nakaramdam ako ng excitement na medyo kinakabahan kung paano ko ito ipapaalam kay Leo.
"Hm. Gagawin ko agad yun. Sasabihin ko sa kanya agad..." Sabi ko.
"Good. Well. Magpahinga ka muna ah. Babalik ako mamaya. Wag kang magpapa Stress." Sabi nito.
"Salamat..."
Ngumiti sya't tumayo na sa kinauupuan nya. Naglakad sya palabas dito sa Kwarto na sakto naman sa pagpasok ni Ionny.
"Bes? Ang Gwapo talaga nun. Bagay kame este. Bagay yung Salamin nya sa Mata nya. Sherep." Sabi ni Ionny.
"Ang lantong mo. Kala ko ba galit ka dun. Haha." Sabi ko.
"Nawala yung galit ko nung ngumiti sya saken."
"Ha??? Kelan sya ngumiti?"
"Ngayon lang. I think i'm in love."
"Jusko, grabe ka Ionny..."
BINABASA MO ANG
I am the Good Wife (COMPLETE)
عاطفيةR🔞 Kahit anong pagpapakabuti mo para sa Asawa mo.. Basta't may Malanding nakapaligid.. Maiiwan ka sa ere at sa makalipas na isang Taon.. kung kelan Masaya at Malaya kana.. saka ka nila.. Guguluhin..