Panimula

17 1 0
                                    

Hello po readers sana mgustuhan nyo ang story q heheh baguhan here!! Kaya please wag nyo po ako idiscriminate thank you mwuahh

-#johnvie25💜💜💜

Paitly POV

Bakasyon palang naisipan ko nang 
buklatin ang mga nakatambak na libro sa kwarto ko, ito ang pangunahing gawain ko na pag hahanda sapagkat third year high school na ko sa darating na pasukan.

"Paitly!!! lumabas kana muna rito sa kusina upang tulungan ako sa pag luluto" malakas na Tawag nang aking inang si
Evalyn

Ngunit hindi ko ito pinansin gustong gusto ko na mag basa lang nang magbasa

"Paitly! ano ba sinabi nang pumarini ka muna" tawag uli ni mama, wala akong ibang magawa kundi ang isara ang libro at lumapit kay mama na kasalukuyang nag hihiwa nang mga sangkap sa lulutuin.

" Ma bakit po?"

" Maghugas kana nang kawali para mailuto na itong ulam, mamaya lang darating na ang papa mo"

" Ma hugas na po ang kawali bago pa ito isalansan sa lagyanan"

" O sige tutal naman nakapag hiwa na ako nitong mga sangkap, ikaw nalang ang mag luto, igisa mo na yang sardinas"

" Hayy, sige po"

Habang nag luluto dumating  si papa galing sa trabaho.
Kasalukuyan itong construction worker malapit sa amin

" Pa mano po"

" Salamat anak"

" Pa maluluto na po ang ulam kumain na po kayo pag katapos para makapag pahinga na muna kayo"

" Sige anak"

Habang kumakain napag kwentuhan namin ang darating na pasukan, isang taon nalang ay gagraduate na ako nabangit q naman na Education ang kukunin kong kurso dahil bata pa lamang gusto ko nang maging guro. Makikita sa mata nang mga magulang ko ang excitement para sa akin.

" Anak pag igihan mo ang pag aaral ha, para rin naman sayo yan" ani nang aking ina

" lahat ay gagawin namin upang makapagtapos kayo nang pag aaral, yan na lamang ang maipapamana namin sainyo nang iyong ina" sabi nang aking ama

" Tama ang inyong ama, hindi man kami nakapagtapos eh, kayo lamang ay masaya na kami nang papa nyo" habang sumusubo nang kanin bago bumaling kay papa
" oh, Simeon kumain kapa, ano nga palang balita sa sahod nyo? Abay palagi nalang yata na dedelay iyan"

" Nakausap q na si porman bukas na bukas daw ay ibibigay na nila"

" Aba'y mabuti kung ganon, wala narin kasi tayong bigas nag pautang nalang ako kila Mama para may maisaing tayo ngayon pati narin mamaya"

Hindi na sumagot pa ang akin ama subalit mapapansin dito ang malalim na iniisip sa kabila nang pag subo nya.

Matapos kumain bumalik ako sa pag babasa at pag aaral.. lalong akong nananabik dahil sa aking mga bagong natututunan. Libang na libang ako nang tumunog ang aking telepono, may txt message  galing sa aking nobyo na hindi naman lingid sa kaalaman nang mga magulang ko, hindi ito nagkukulang sa pagpapaalala sa akin tungkol sa mga dapat at di dapat gawin.

From Kenny_hon:
"Hi hon, kamusta? Wala yata akong natanggap na text sayo simula pa kaninang umaga,"

BEHIND FAILUREWhere stories live. Discover now