Paitly POV
~Kinabukasan~
Maaga akong gumising para makapaghanda, usapan kasi namin ni Zack na maaga nya akong susunduin. Naligo na ako, maya-maya lang may bumusina nang sasakyan. Nasa kwarto pa ako kaya naman si mama na ang sumalubong dito,pinakinggan ko naman ang usapan nila.
"Oh Zack, pasok ka iho"
"Goodmorning po tita Evalyn" masayang bati nito kay mama
"Goodmorning din, nag almusal kana ba? Halika muna dito sa kusina para kumaen" anyaya nito kaya Zack.
"Nako tita wag na po, gusto ko po sanang sabay na kaming kumain ni paitly sa labas"
"Ah, ganon ba sige tatawagin ko na lang sya ha"
"Sige po tita hehe"
Hindi ko na hinintay na tawagin ako ni mama kusa na akong lumabas nang kwarto.
"Hi Paitly, goodmorning" bati sakin ni Zack na hangang tenga ang ngiti.
"Mmm, magandang umaga din Zack"
"Lets go sa labas nalang tayo mag breakfast, nakapag paalam na ako kay tita evalyn"
"Mmm sige Zack, teka lang ha, Ma alis na po kami" paalam ko kay mama
"Sige anak, mag iingat kayo ha anong oras ka nga pala uuwe mamaya?"
"Siguro mga alas singko po Ma"
"Oh sige, Zack ihahatid mo naman si Paitly noh?, Ikaw na bahala sa kanya"
"Opo tita dont worry di ko po papabayaan ang anak nyo, babantayan ko po sya ehhe"
"Asus, sige Zack ha salamat ingata-"
"Okay na Ma sige na po aalis na kami babay po" pagputol ko sa sasabihin ni mama
Hinila ko na si Zack, kung ano-ano pa kasi ang sinasabi ni Mama tsk.. baka mamaya kung ano pa ang isipin nang Abnoy na ito. Kumaen kami sa isang Fast Food, ang dami ngang inorder nang mokong na ito, habang kumakaen panay ang sulyap sakin ni Zack, siguro may gustong sabihin to na hindi masabi-sabi.
"May problema ba Zack? May gusto ka bang sabihin?" Hindi na ako nakatiis
"Ha?.. ah.... Wala naman hehe sige kaen kapa ubusin mo lahat yan ha"
"Hindi naman yan ang sagot sa tanong ko at saka anong akala mo saken baboy? Eh ang dami kaya nito tsk.. nag sasayang ka lang nang pera Zackharry"
"Hehe hindi ko naman kasi alam kong ano ang gusto mong kainin kaya inorder ko na lahat "
"Tsk.. uso kaya ang magtanong Zack" sarkastikong sabi ko dito " ibalot nalang natin ang tira sayang naman kasi saka baka hindi pa kumakaen sila Alistier at Blaise" dagdag kong sabi
"Hehe ikaw ang masusunod" ngingiti-ngiti nitong usal, ano kayang nangyayare dito? Tuluyan na kayang nasiraan nang ulo to. Kanina sa bahay ang galang kay Mama tapos ngayon ang baet, siguro may kaylangan to, kaso ano naman kaya? Eh, sa yaman nila panigurado akong nasa kanya na lahat nang bagay.
YOU ARE READING
BEHIND FAILURE
Teen FictionWhen music becomes louder and louder, people are screaming throughout their lungs, seems like they are enjoying the night, while we are outside sitting at the bench near the dark fountain sightseeing the beautiness of the full moon. He sud...