Chapter 5

5 1 0
                                    

Kinabukasan nagising ako sa malakas na sigaw nang kapatid kong bunso na si Amara pilit nya akong ginigising kasabay nang pagkalabit sa balikat ko.

"Mmmm... Bakit ba Amara? ang aga pa" bulalas ko habang nakapikit pa.

"Ate may mga pulis sa labas nang bahay natin, kausap sila mama at papa"

"Ha?" Daglian akong bumangon at nagtatakbong lumabas sa kwarto ko
Nakita ko si papa na kausap ang isang pulis at tila seryoso sa pag uusap

"Ma bakit po ba may pulis dito saatin? Ano po bang nangyare?"

"Anak tinatanong nila ang papa mo tungkol daw sa nangyare kagabi sayo"

"Paano nilang nalaman ang tungkol kagabi Ma? Hindi naman natin ipinagsabi yun ah! Atsaka ang bilis naman yata"

"Nabigla rin kami anak sa pagdating nila, pero nang sabihin nila na may nag report daw sakanila eh tumahimik nalang kami"

"Sino daw Ma?"

"Yung kaibigan mo anak, si Zack"

Napamaang ako sa sinabi ni mama. Bakit naman naisipan pang ireport yun ni Zack?
Para saakin kasi eh makakalimutan ko lang naman yun kapag tumagal. Saka iniisip ko ang pwedeng isipin nang mga kapitbahay namin pati na rin ni Kenny, tungkol dito ano nalang ang sasabihin ko? Paano ako mag papaliwanag?
Natinag ako nang lumapit sakin si papa kasunod nang mga nakaunipormeng pulis.

"Miss Zahner maaari ka ba naming imbitahan sa presinto. Nais lang namin hingin ang statement mo tungkol sa nangyare saenyo kagabi" anang pulis

"S-sige po m-mag bibihis lang po ako" nauutal na sabi ko dahil sa kaba

Mabilis akong nagbihis at nagayos nang sarili, ilang sandali lang ay lumabas na ako at sumama sa mga pulis, sinamahan naman ako nang mga magulang ko tahimik naming tinahak ang papuntang presinto

Pagdating dun ay inumpisahan ko nang magkwento ukol sa nangyare kasali ang pagliligtas saakin ni Zack pagkatapos pinakita nya saakin ang tatlong lalake at tinanong kung sila ba ang tinutukoy ko umuo ako, hindi ako pwedeng magkamali dahil nakilala ko sila kahit medyo may kadilim nung gabing iyon. Ang sabi nang pulis ay tatawag nalang ulit sila kong may kailangan pa at bibigyan kami nang update sa mga susunod na mangyayare.

Pag dating sa bahay ay nagulat ako nang madatnan ko si Kenny sa sala na ilang oras nang naghihintay marahil. Iniwan naman muna kami nang magulang ko para makapag-usap.

"Hon anong nangyare? Nabigla nalang ako nang sabihin sakin nang magulang ko na may pumuntang pulis dito kanina, hon ano ang nangyare?"
Nag aalalang ani nito

Bumuntong hininga ako bago nagsalita "kagabi kasi......" Yumuko ako dahil muli nanamang tutulo ang luha ko "kagabi kasi...muntik na akong mapahamak" saka muling tumingin sakanya "muntik na akong magahasa Kenny" nagumpisa na akong umiyak naalala ko nanaman ang nangyare kagabi, yung pakiramdam ko na kahit anong takot ko wala akong magawa sa kabila nang pag mamakaawa ko hindi nila ako pinakinggan, yung pakiramdam na katapusan mo na, yung pakiramdam na magisa ka lang, yung pakiramdam na nabuhayan nang pag asa dahil may isang taong dumating para matulungan ka.

Lalo akong naiyak dahil sa yakap na iginawad saakin nang aking nobyo, nang mahimasmasan ay ako na mismo ang kumalas sa yakap nya at tumingin nang deretcho sa kanya, mababasa ang pagsisi siguro dahil sa mas pinili nya na wag akong ihatid at manatili sa bahay nila, siguro kong naihatid nya ako ay hindi mangyayare yun saakin.

BEHIND FAILUREWhere stories live. Discover now