Chapter 3

10 1 0
                                    


Paitly POV

Habang nagtuturo si Mr. Calum hindi ko naman napigilang tumingin sa katabi ko
Napapansin kong kanina nya pa ako sinusulyapan nang tingin.

"Ano bang nanyayare sayo? Naaabnoy ka nanaman ba?" Tanong ko dito

"Wala naman bakit bawal ba tumingin sayo?" Balik nyang tanong saakin

"Hindi.. pero nakakailang abnoy ka talaga"
Sabi ko, naalala ko naman yung kanina.
"Thank you nga pala kanina"

"Saan?" Si Zack

"Doon sa pag awat mo kay elsie na sampalin ako ,buti nalang naunahan mo
Nakatikim sana sya nang suntok sakin" mayabang na sabi ko

"Ah ganon ba kalakas ang loob mo na suntukin yun?

"Oo naman tigasin din yata to"

"Ah kaya pala pati yung poste binabanga mo hahahahah " sabi nya sabay tawa nang mahina.

"Ikaw nagpapasalamat na nga ako nang bubweset kapa hindi nalang mag sabi nang welcome"

"Eh di welcome hahaha"

"Bweset.. makinig kana nga lang kay sir"

"Okay"

Ngunit tingin parin sya nang tingin sakin sira ulo talaga. Hangang sa matapos ang klase.
Niyaya nya akong sumabay na sa kanilang mag lunch, tumangi naman ako dito dahil paniguradong uusok lang ang mga tenga nang makakakita saamen. Nauna na silang bumaba sumunod naman ako. Nang makarating sa cafeteria nilabas ko na ang baon ko at nag simulang kumaen.
Nasa kalagitnaan na ako nang umupo sa tabi ko si Mia.

"Hi!! Paitly right? Im Mia" pagpapakilala nya

"Yeah Im Paitly, nice to meet you Mia"

"Gusto ko sanang sumabay kumaen sayo, kung okay lang "

"Sige okay lang"

"Talaga bang nagbabaon kapa nang lunch? Pwede ka naman bumili nalang dito." Mia

" Mas makakatipid kasi ako kung mag babaon nalang ako, hindi naman kasi ako tulad nyo na mapera"

"Ah.. hehehe sorry nagalit ka yata, hmf.. then kaya ka nakapasok dito dahil sa scholarship tama"

"Oo nagexam ako"

"Hmf...okay"

Hindi na sya nag salita pa tahimik nalang kaming kumaen, hindi ko maintindihan kong bakit wala naman ginagawa tong babae na to eh! Nag iinit ang ulo ko sa kanya pakiramdam ko kaplastikan lang ang pinapakita nya.
Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Bago ka lang dito Mia?"

"Oo kakalipat lang namin dito kahapon kaya ngayon lang ako nakapasok"

"Ah hmf.. edi wala ka pang mga kakilala dito,"

"Hmf.. ang totoo meron na hahahha" maarte nyang tawa " kahapon lang din sinamahan nya pa nga akong mag libot sa lugar natin" aniya

"Sino? Baka kilala ko" pasimpleng tanong ko, gusto ko lang malaman kung si kenny ba ang tinutukoy nya.

"Hmf.. secret hahahha "

BEHIND FAILUREWhere stories live. Discover now