Chapter 4

16 1 0
                                    

Zackharry POV

"Sige Zack mauuna na kami kita nalang tayo bukas sa school" pagpapaalam ni Blaise at alistier.

Kakatapos lang nang party na inatendan namen isa sa malapit namin kaibigan ang nag celebrate nang birthday.
Pinagbigyan naman namin ito sapagkat sa susunod na buwan ay pupunta na itong Canada at duon nalang mag papatuloy sa pag aaral. Habang pauwe may kung ano saakin na gustong dumaan sa bahay nila Paitly. Oo alam ko ang bahay nila simula noong lunes ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sundan sya.. pati narin ang pagtitig sakanya, minsan pa syang nagalit dahil daw abnoy ako hahahahhahha natawa ako sa naalala ko.

~flashback~

"Pre si Paitly oh" turo ni Alistier

Si paitly nga mukhang busy sa cellphone nya.

"Tara lapitan natin sumabay na tayo sakanya papasok sa classroom" sabi ko

"Putik yan pre... May hindi ka sinasabi samen no?" Tukso sakin ni Blaise

"Tumigil ka nga sa imahenasyon mo natural na sasabay tayo kasi kaklase natin sya yun lang yon" pagpapaliwanag ko papalapit na sana kami nang bigla syang mapaupo. Sa itsura nang pagkakabagsak nya hindi ko maiwasan matawa nang malakas pati narin yung dalawa kong kaibigan.

"Sino ang bumanga sakin? Ikaw siguro no" turo nya saakin

"Sira kaba bakit naman kita babangain? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" sabi ko

"Kung hindi ikaw eh sino? Ikaw lang nman tong tawa nang tawa"

"Baka yang poste ang nabanga mo busy ka kasi kakapindot sa cellphone mo hindi mo na nakikita ang dinadaanan mo" pagpipigil ko nang tawa habang nag sasalita.

Nang bigla nalang syang umalis matapos mapagtanto na nasa harap nya nga ang poste hahahaha

~end of flashback~

Unang kita ko palang sakanya ay may kung ano na akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag, hindi naman sya gaanong kaputian, matangkad sya at may hugis din ang katawan, magulo ang buhok ngunit nakakapang akit ang simple nyang mukha bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilik, may katamtaman ang kapal nang kilay at medyo matangos ang ilong, ang labi nya ang higit na kapansin-pansin dahil sa natural nitong mapulang kulay.

Papalapit na ako sa may kanto malapit sakanila nang mapansin ko ang tatlong lalake na nag tatawanan sa gilid nang kalsada, medyo may kadiliman sa parte na iyon.
Nang makalapit na ako sakanila saka ko lang nakita ang babaeng mukhang tangka nilang gawan nang masama, itinutok ko ang ilaw nang kotse ko at nakilala kung sino ito. Paitly... Nasambit ko, agad akong bumaba nang sasakyan.

"HOY!! Ano yan?" Pilit kong pinapalake ang boses ko

Halatang nagalit ang mga ito dahil sa naudlot na plano. Ngingisi ngisi ang mga itong humarap saakin.

"Bata wag kana makialam dito" ani nang isa

"Hahaha baka naman gusto mo rin makitikim?" Sabi nang isa pa na medyo may malakeng pangangatawan.

"Kilala ko ang pinagtitripan ninyo, hayaan nyo nalang na sunduin ko sya
Papalampasin ko nalang kayo ngayon" sabi ko

Hahahaha tawanan nang mga ito.
"At sino ka naman para pagsabihan kami nang ganyan?"

"Hahahha bata mas maigi pang ikaw nalang ang umalis para naman hindi na magalusan yang mukha mo, gwapo kapa naman heehhe"

BEHIND FAILUREWhere stories live. Discover now