Chapter 6 "the heartbreak"

4 1 0
                                    

Mga isang oras na akong nag hihintay ngunit wala parin si Kenny, tinext ko na sya at tinatawagan pero hindi nya sinasagot ayaw ko naman umalis dahil baka kung wala na ako saka sya dumating, nag antay pa ako nang mga ilang minuto bago ko napagpasyahang umuwi na. Sana pala nagpahatid nalang ako kay Zack sabi ko sa sarili ko, wala pa naman akong pera pamasahe man lang tsk ang buong akala ko kasi ay susunduin nya ako yung kasi ang sinabi nya eh.. binili ko tuloy nang pad paper yung pamasahe ko. Alas sais trenta na ako nakauwe sa bahay pinagalitan pa ako ni papa.

"Bakit ngayon ka lang bata ka ha? Hindi kapa ba nadadala sa nangyare saiyo?" Si papa na galit sakin.

"Pa pasensya na po may ginawa kasi kaming group project, kailangan na kasi yun bukas" pagdadahilan ko kay papa.

"Sana ay nag pasabi ka man lamang , nang hindi kami nag aalala nang papa mo paitly" si mama

"Ma sorry po talaga hindi na po mauulit sa susunod po magpapaalam na ako"

"Wag ka makakalimot Paitly sa mga paalala namin saiyo" si mama ulit

"Opo" yun nalang ang nasabi ko alam ko namang kasalanan ko, nadagdagan pa ngayon dahil nag sinungaling ako ayaw ko kasing magalit pa sila kay Kenny.

"Hala sige magbihis kana para makakain na tayo"

"Sige po"

Nagbihis pagkatapos ay salo salo kami sa mesa para kumain. Nakikinig naman ako sa kwentuhan nang mga magulang ko, mukhang masaya sila ngayon.

"Salamat naman simeon at may bago kanang trabaho, sana ay mag tuloy tuloy na yan" si mama

"Oo pag iigihan ko para naman kahit papaano eh guminhawa naman ang buhay natin" si papa

Hindi ako nakatiis, sumabad ako sa usapan nila "ano po Pa ang bago niyong trabaho?"

"Ah! Natangap ako sa isang kompanya anak hindi naman daw sila pumipili nang trabahador"

"Anong kompanya po pa?"

"Nag papagawa sila nang bagong building jan sa malapit satin nag apply ako bilang mason at pasalamat ako dahil tinangap nila ako"

"Yun po bang bagong ginagawang maliit na mall jan sa labasan pa?"

"Oo anak, mag uumpisa na nga ako bukas"

"Wow congrats po pa,"

"Salamat anak.. salamat"

"Oh! Buti naman at nasahuran kana dun sa dati mong pinagtatrabahuhan nako" si mama

"Pano eh nagwelga na yung mga katrabaho ko sa harap nang opisina nila"

"Kung hindi sila tatakutin eh. Hindi mag papasahod"

"Pinakiusapan pa nga kami na bumalik sa trabaho ang kaso hindi na ako pumayag pero marami parin ang bumalik"

"Hayaan nyo na sila siguro eh. Natatakot din na baka wala nang makuha pang ibang trabaho". Ani ni mama

BEHIND FAILUREWhere stories live. Discover now