'Umagang kay yawa' sambit ko sa 'king isipan kasabay nang aking pag hikab.
"Hmm anong oras na ba?" Inaantok na sabi ko, kulang na kulang tulog ko dahil sa lalaki na yun. Gabing gabi dinadramahan ako.
Kamusta na kaya yon? Nakatulong kaya ko sa kanya kagabi?
Aishh!!!
'Ano bang pake ko'
Umagang umaga iritable ako! Kasalanan mo 'to helios ei!
Umalis ako sa higaan na masama ang loob. Pagkatapos maligo agad na rin akong umalis sa kwartong iyon. Pagkalabas ko galing kwarto agad ding bumugad sakin si nanay alma at ang iba pang kasambahay.
Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto para makasigurado kung ako ba yung huling nagising.
What the hell?
Ang aaga naman ng mga taong 'to, ala sais palang ng umaga.
"Oh ija, selene. Magandang umaga" nakangiting bati ni nanay alma.
"Magandang umaga ate selene" hyper na bati naman ni mae.
"Magandang umaga selene" sunod na bati ni jenny at ni fey.
"Magandang umaga rin sa inyo" tugon ko sa kanila.
"Oh sya selene, tapos na namin iluto 'tong almusal. Pwede mo bang ihanda na 'to sa lamesa?" Sambit ni nanay alma.
"Oho, sige po" tugon ko pagkatapos ay pumunta na 'ko sa lamesa at inihanda na ang almusal.
"Goodmorning everyone"
Base sa boses na nag salita si sir anthon 'to. Bumaling ako kay sir na pababa palang nang hagdan kasama si ma'am sofia para bumati.
"Goodmorning sir, ma'am" sabay sabay na sambit namin.
Hindi ko namalayan na nasa sala na pala sila. Buti na lang natapos na ko sa pag hahanda.
"Where's helios? Hindi pa ba bumababa?" Tanong ni ma'am sofia.
'Kakagising ko lang! Wag ako yung tanungin nyo' sambit ko sa 'king isipan.
"Hindi pa 'ho ma'am" tugon ni nanay alma.
'You're my savior nanay alma' pagpapasalamat ko sa king isipan.
"Kagabi? Did you bring him food?" Tanong ulit ni maam sofia habang inaayos ang platito na siyang pagkakainan niya.
Sabay kaming napatingin ni mae sa isat isa na animoy nag uusap kami. Agad naman akong bumaling kay ma'am.
"Ahmm" i fake my cough "opo ma'am, dinalhan ko po siya" nakayukong sambit ko.
"Did he eat?" Nakatinging tanong ni maam sofia.
"A-ahh o-opo" i said. Hesitating.
"How?" Sunod na tanong ni maam na animoy sinisigurado ba na kumain ba talaga si helios.
Lintik!
"Pinilit ko 'ho sya" mabilis na saad ko.
Naramdaman ko na nakatitig sila sakin lahat. Tila naghahanap na kasunod na sagot.
"A-ah ma'am, kasi po ayaw pa po nya kumain ei anong oras na po nun baka po malipasan siya kaya pinilit ko po sya na kumain" mabilis na paliwanag ko.
Sir anthon laugh "i think hon nakahanap na siya ng katapat niya" sir anthon said. Still laughing.
Ha?katapat? Bakit katapat ayaw ba niya ng nakabaliktad?
YOU ARE READING
Be The Sun To My Moon
Random"I sometimes think of the sun and the moon as the lovers who rarely meet, always chase, and almost always miss one another. But once in a while they do catch up, and they kiss and the world stares in awe of their eclipse"