Seri.
It's him.
Yung lalaking nakaakyat sa puno na nabungaran ko. Anong trip ng lalaking 'to? Hindi niya inaalis titig saken. Those deadly eyes. Tumagos yata titig niya hanggang sa sikmura ko kaya ginutom ako.
Umiwas ako ng tingin bago kumuha ng tinapay sa bag ko tsaka binuksan ito. Kumagat muna ako ng isang beses bago nagangat ulit ng tingin sa kanya bago tumalikod at pumuhit pagilid para makaalis don. Kailangan ko na umuwi.
Ramdam ko pa din tingin niya sa likod ko pero di nako nag-abalang tignan siya pabalik. Weird. Sino siya?
"Nakauwi nako." kusang yong lumabas sa bibig ko pagkapasok sa tinutuluyan ko kaya natahimik ako bigla. Wala nga pala akong kasama. Napabuntong hininga ako ng malalim bago dumeretso sa kwarto ko para magbihis. Iba talaga pag nasanay ka.
Pagkatapos magbihis nagpunta akong kusina para kumuha ng gatas. Inabot ko na din phone kong nakapatong sa table para itext si Azia. Sumimsim muna ako sa gatas na hawak ko bago nagtipa. Hm sarap.
Seri:
Wala prof. Nauna nako. Ingat ka.
Ipapatong ko na sana pabalik pero biglang tumunog.
Azia:
Opo maam. Uuwi na din ako maya maya. Hintayin mo ako dyan.
Seri:
Dito ka matutulog?
Azia:
Oo kasi ngayon nako lilipat. Hahahaha! Pinakiusapan ko si Kuya para ihatid mga gamit ko. Pag may nag doorbell baka siya na yon ha? See you later!
Hindi nako nagreply at in-on na lang yung tv para manood. Pero sadyang hindi napukaw ng tv atensyon ko kaya lumilipad utak ko sa ibang bagay. Naalala ko na naman yung lalaki kanina.
Siya ba yung tinutukoy ni Azia? Nagaaral din ba siya don? Wala kasi akong alam sa mga mukha ng mga studyante don. Napatawa ako ng mahina. Pati naman sa mga past schools ko wala akong kilala. Kasalanan ko bang wala akong paki? I mean, hindi naman sa ayaw ko sila kilalanin. Pero kailangan ba non? Nagkibit balikat ako.
Naputol ako sa pagiisip ng may mag doorbell sa labas. Pagbukas ko ng pinto bumungad saken ang mukha ni Kuya Arvi.
"Seri! It's good to see you again. Pinahatid lang ni Azia 'tong mga gamit niya. Do you mind?" sabay turo niya sa loob kung pwede pumasok bago ngumiti.
"Sure po." tska ko siya nginitian ng tipid.
Hindi ganoon kadami mga gamit ni Azia kaya hindi natagalan si Arvi sa paglagay. Dalawa kwarto nitong nabili namin na siyang nagustuhan ko dahil hindi ko yata kakayanin kung nasa iisang kwarto kami ni Azia. Hindi ko kakayanin ingay niya. Hindi ko alam kung saan pinaglihi ang babaeng yon. Si Kuya Arvi hindi naman.
"Sabihan moko kapag nagpapasaway si Azia ha?" sabi ni Kuya bago tumayo at naglakad malapit sa pinto. "Magpakabait kayong dalawa. Parating na mamaya si Azia, una nako Seri." kinurot niya muna pisngi ko bago tuluyang lumabas. Tinawanan niya lang ako ng samaan ko siya ng tingin. Magkapatid nga silang dalawa ni Azia.
Pinatay ko muna tv pagkatapos dumeretso sa kusina para uminom ng tubig at nagpunta sa kwarto ni Azia para ayusin mga gamit niya. Alam kong pagod yon pagkauwi kaya ako na lang magaayos.
"Seri, I'm home!!" dinig kong boses sa labas kaya napangiti ako sa loob loob ko.
Saktong nakasalampak ako sa sahig ng madatnan ako ni Azia. "Oh my, ikaw nagayos? Sana hinintay mo nako gaga." bungad niya agad saken tska ako niyakap. Kinuha niya sa kamay ko yung gamit niya na hawak ko tska tumulong sa pagaayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/241886295-288-k762704.jpg)