Seri.
Si monkey man.
Wala naman siguro ngayon yung Lucifer. Delikado ako kung andito nga siya. Pero kung si monkey man ang nandito, ayos ako. Puro titig lang naman yon eh.
Pero napaisip talaga ako nung una. Nung unang punta ko dito, nung dinala ako ni Azia, siya agad ang nakita ko. Base kase sa sinabi ni Azia dumadating siya kapag oras na niya. Pero ang sabi ay delikado si Lucifer kapat naabutan ka don. Maayos naman akong nakaalis non. Ang sabi din ay may lumalabas na harang kapag andon na siya. Wala namang harang nung dumating ako.
Pero nawala lahat ng iniisip kong yon ng makita siya ni Azia. Magkaiba sila.
Isa na lang ang naiisip ko. Magtropa silang dalawa ni Lucifer. Kung iisipin magkasama sila nung araw na yon diba?
Bat ko ba iniisip yon. Andito ako para lumanghap ng sariwang hangin at ito ang tamang lugar para don.
Hindi ka ba natatakot? Tanong ng maliit na boses sa utak ko.
Hindi. Salungat ang nararamdaman ko. I feel safe here.
"Invading my personal space huh?" boses sa likod ko.
That voice.
Nilingon ko kung saan ang boses na yon at dun ko nakitang nakasandal sa puno si monkey man habang nakapamulsa na naman.
Magtropa nga sila ni Lucifer. Share sila dito sa lugar na 'to eh.
"Huh?" maang ko.
"Deaf. I see." he smirked.
Tumahimik na lang ako. Ilang sandali pa lumipas puro katahimikan na lang ang naririnig ko. Nilingon ko ulit kung nasaan siya kanina at andoon pa din siya. Nakatayo at deretsong nakatitig saken.
Pinasadahan ko siya ng tingin sa kabuuan. He looked too formal. Naka-all black business suit. Umattend din ba siya?
He arched his eyebrow when he noticed that I'm checking him out.
Napausog ako palayo ng maglakad siya palapit at naupo siya sa tabi ko. "What?" lumabas sa bibig ko.
Tinignan niya lang ako at tinaasan ulit ng kilay. "What?" ulit niya sa sinabi ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Siraulo yata 'to.
Namayani ulit ang katahimikan samin makalipas ang ilang minuto. Kating kati na ang dila ko na magtanong sa kanya. Shit. Kelan pa ko nangati magtanong sa isang tao?
Huminga ako ng malalim. "Anong pangalan mo?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa kawalan.
"Why do you want to know?"
I huffed. Masama ba magtanong? I'm just curious. Kelan nga ulit ako nacurious ng ganto sa isang tao? Bago 'to kaya sana sunagot na lang siya.
May gustong maformulate na salita sa bibig ko pero walang lumabas na salita kahit ano. I just shrugged in the end. May kinuha siya sa loob ng suit na suot niya.
"Vinceir." untag niya habang pinaglalaruan sa kamay yung isang stick ng sigarilyo.
Nagulat ako nung una nang magsalita siya bigla at sabihin ang pangalan niya. Nice name. Sa huli ay tinanguan ko na lang siya. Nang tignan ko siya ay nakataas na naman ang kilay niya saken. I get it.
"Seri is my name."
"I didn't ask." tsaka niya tinapon yung isang stick ng sigarilyo na hawak niya.