Seri.
Anong meron? Bakit siya nasa tabi ng pinto ng condo at parang may hinihintay?
Nagkibit-balikat ako. Baka naman may business lang dito. Pake ko ba? As long as wala siyang ginagawang masama saken okay lang. Curious lang talaga ko kung bat nandito siya sa building. Gumagala lang kung saan, eh?
Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na papunta sa harap ng condo unit namin ni Azia. Itataas ko pa lang ang kamay ko para magtipa ng passcode ng biglang magsalita siya.
"You must be Seri. Am I right?" rinig kong tanong niya. Nabitin tuloy kamay ko.
Sasagutin ko ba siya? Bakit niya alam pangalan ko? Teka. Wag mo sabihing ako sadya niya dito? Sa pagkakaalam ko hindi kami close. At lalong wala akong naging business ni-isa sa kanya kelan man. Kaya how come?
Babalingan ko na sana siya ng magsalita siya ulit.
"Azia left something—" hindi natuloy ang sinasabi niya ng bumukas ang pinto ng condo at niluwa nito si Azia na mukhang stress na kutong lupa. "Oh, there she is."
"Zaki! Nalagay ko pala sa sulok ng sofa—Oh Seri!" nagulat si Azia ng ako mabungaran niya. Hinampas niya ko sa hawak niyang folder.
"Kaya pala di kita nadatnan dito sa condo! San kana naman nanggaling?" tanong niya. Pupukpukin pa sana niya ko sa folder na hawak niya ng natigil siya nung magsalita yung Lucifer? Uhh.
"Oh uulit kapa ng hampas nagmamadali na nga tayo. Kinina pa tayo. Bilisan mo na." inip na untag niya.
Wait. May mali sa nangyayari.
"Gago! Malay ko ba na kalailanganin natin 'to. Wala kayong sinabi! Hinanap ko pa tuloy." hinarap ako ni Azia. "Ikaw sabi ko i-text moko pag lalabas ka eh. Ang kulit mo gusto mo i-nail cutter ko yang pisngi mo?" pananakot niya. Ang brutal talaga.
Hindi pa din ako nagsalita. Tinatamad ako. May gumugulo din sa isip ko kaya wag na lang.
Napabuntong hininga na lang sakin si Azia at binalingan yung Lucifer. "Tara na! Nagtext na ba si president?"
"Hindi pa. Aalis na tayo ng hindi mo man lang ako pinapakilala?" maktol sa kanya ng lalaki bago ako binalingan non at tinaas baba ang kilay niya saken. Problema nito? Piningot siya ni Azia sa tenga kaya napaaray yung lalaki. Brutal. Napailing ako.
May mali talaga. May mali sa lahat ng nangyayari.
"Baket sino ka ba para ipakilala ko? Mga totoong tao lang dapat ipinipakilala kay baby Seri ko." kinurot niya pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiwi na lang siya saken ng makita ang sama ng tingin ko. Pisngi ko na lang lagi pinagtitripan.
"Totoong tao naman ako ah? Ah! Mukha ba kong greek god para sayo, Az?" tinaas baba pa niya ang kilay niya.
Sino ba nagsabing panoorin ko 'tong dalawa? Kakatapos ko lang mastress dun sa kulugong lalaki tapos itong dalawa na naman nagpapasakit ng ulo ko.
"Tanginang mukha yan. Nakakasuka." umaktong susuntukin siya ni Azia ng tumigil siya. "Late na tayo baka umabot hanggang council yang maktol mo pag nagkataon." hinarap ako ni Azia. Kaya natigil ang panonood ko sa kanilang dalawa. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto at magkaron ng tahimik na pahinga.
"Seri si Zaki." sabay harap niya dun sa Zaki? What? "Zaki si Seri. Ano okay kana ba Zak? Baka naman pwede na tayo umalis para makauwi na din tayo maaga mamaya, baka pwede?" pinanlisikan niya yon ng mata.