Chapter 6.

10 0 0
                                    

Seri.

Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Vinceir kanina na nakita ko. Hanggang sa makarating ako sa room yon ang iniisip ko. Nawala lang yon sa isip ko ng kurutin ni Azia ang pisngi ko.

"Ano na naman bang iniisip mo? May sinasabi kaya ako dito kanina pa hindi ka naman nakikinig. Umamin ka nga saken, nanakawan ka ba ng tinapay ha?" hinarap niya ako sa kanya at pinakatitigan ako.

Huh? Am I that too pre-occupied? Tinignan ko si Azia. Naghihintay pa din siya sa sagot ko.

"Sorry. Ano yon?"

Bumuntong hininga siya. "Uulitin ko na lang. Nako, buti na lang malakas ka saken. Ang sabi ko, hindi pala ako makakasabay sa paguwi. Dederetso ako kina mama."

"Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na. Kaya ko na. Susunduin ako ni Kuya. Ikaw inaalala ko wala ka kasabay pauwi." naghalumbaba siya sa harap ko. "Teka ang bobo naman, hahatid ka muna namin ni Kuya sa condo tapos tska na kami dederetso kina mama." nginitian niya ko. Nangiti din tuloy ako ng tipid.

Umiling ako. "Hindi na. Sayang lang yon sa oras."

"Hindi ka sayang sa oras! Hahatid ka muna namin." she insisted. Umiling ako ulit.

"Balak ko mag ice cream."

Nang marinig niya sagot ko pinalo niya ako sa braso. Aray. "Talagang binalak mo mag ice cream nang wala ako?! Hindi kita bibigyan ng cookies ni mama tignan mo." lumabi siya.

Alam na alam niyang favorite ko ang cookies ni Tita kaya yon pinambawi niya. "Sira. Hindi."

"Joke lang. Kesa naman maiwan kang magisa don habang wala ako sige magliwaliw ka muna." tinaas baba niya kilay niya pero sinamaan din ako ng tingin. "Wag ka lang magpapagabi at magpapasaway."

Napaismid ako. Ano ako bata? Kung meron mang sasabihan ng ganon dapat siya yon. Siya lang naman pasaway samin.

Nang matapos ang klase magka-ibang direksyon ang tinahak namin ni Azia. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa sasakyan ni Kuya Arvi. Nakita ko pang kumaway sila saken bago sila mabilis na umalis mukhang nagmamadali. Habang ako naman ay pumihit na patalikod at dumaan sa isa pang exit palabas ng school.

May nakita ako non na ice cream shop sa may malapit nung minsang nagtitingin ako sa paligid. Naalala ko nung bata ako, madalas kaming bumili nito. Sino bang makaka-hindi sa ice cream? Kahit si Azia nga paborito ito eh. Lagi akong napapangiwi noon kapag kumakain siya ng ice cream. Pano ay nginunguya niya. Siya naman ay madalas na sinesermonan ako dahil ang kalat ko daw kumain. Siya din madalas ang nagpupunas saken.

Nakilala ko si Azia nung elementary kami. Sabi niya saken bata pa lang ako matipid nako kausap. Napansin niya iyon ng may mga lumalapit para makipagkaibigan saken pero wala akong kinakausap ni isa. Kaya napagdesisyon niyang kaibiganin ako para daw hindi matahimik ang buhay ko. Ang evil pakinggan.

Totoo naman. Araw araw niya akong ginugulo. Hanggang sa tinanggap ko siya bilang kaibigan ko. Pagkatapos non sabay kaming bumili ng ice cream. Hindi na siya humiwalay saken pagkatapos non. Nahiwalay lang kami sa isa't isa ng lumipat sila ng bahay. Senior High na kami non. Pero parang hindi din naman kami naghiwalay dahil madalas kaming magkausap sa FaceTime.

Kaya masasabi kong para na kaming magkapatid ni Azia. Napapangiti na lang ako sa mga kalokohan niya.

Napalalim yata ang balik ko sa nakaraan kaya hindi ko napansin na nalagpasan ko na yung ice cream parlor sa malapit. Pipihit na sana ako paharap para bumalik ng may biglang pumaradang isang Bugatti sa gilid ko.

Lucifer's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon