Seri.
"Umamin ka nga Seri, san ka nanggaling? Ilang gabi ka nang ginagabi ng uwi! Alam mo bang ilang beses na akong muntik magreport sa pulis dahil bigla bigla kana lang nawawala sa tabi ko." kinurot ako sa tiyan ni Azia kaya hinampas ko kamay niya. "Kung hindi ka lang umuuwi ng walang galos ipapa-imbestiga ko na kung sino yon. Hindi kapa nagrereply sa mga text ko!"
"Hehe."
"Hehe? Sige nga ipaliwanag mo saken kung sino yung sinasabi nilang kumukuha sayo na naka-kotse?" pinanliitan niya ko ng mata. "Wag kang magkakamali. May nakakita sayo." dinuro niya ko sa hawak niyang sandok. Nasa kusina kaming dalawa at nagluluto yata siya para sa dinner.
Ilang beses na kasi akong ginagabi ng uwi. Pati ngayon. Kada uwian kasi ay hinihila na lang ako bigla ni Vinceir papasok sa kotse niya. As usual, puro road trip lang. Kada kasi hihintayin ko sa exit si Azia, hindi na niya ako naaabutan. Lagi kasi akong nauuna sa kanya papunta sa exit dahil dumadaan muna siya sa council kaya pinapauna na niya ako. Sa ilang beses na yon hindi niya ako naaabutan dahil kinikidnap ako ng magaling na lalaking yon. Pagdating niya sa kung nasan ako ay wala na ako.
Kung alam ko lang na malakas ang trip sa
buhay ng lalaking yon umiwas na sana ako simula nung umpisa pa lang. Wala akong sinasabi pero malapit ko na siyang masapak.Sa mga araw na yon isa lang narealize ko, may sapak nga siya sa ulo.
"Si Vin—" di niya ko pinatapos.
"Vin?! Lalaki?! Oh my gosh, may boyfriend kana hindi mo man lang sinasabi saken?!" napatakip siya sa bibig niya habang nanlalaki ang mata na nakatingin saken. "Tanggap ko naman na matipid ka magsalita, pero Seri, bat hindi ka nagsasabi sa akin?" himutok niya kaya napamaang ako.
Hindi ako agad nagsalita at nakatingin lang sa kanya ng blanko.
Bumuntong hininga ako. "Wala akong boyfriend." tinignan ko siya ng deretso para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko. Boyfriend? No thanks.
Napakurap-kurap siya sa harap ko. "Hmm. Oo nga naman. Kung may una mang magkaka-boyfriend saten, ako yon." tumango tango siya. "Pero hinde! Ano mo yon ha? At bakit lagi ka niya daw sinusundo?" paguusisa pa niya. Yung itsura ni Azia ngayon parang isang pitik na lang kukurutin na niya pisngi ko ng sobrang sakit.
Bumuntong hininga ako. Naka-ilang buntong hininga na ba ako? "Wala. Issue kayo." tska ko na siya tinalikuran at nagkulong sa kwarto. Nilocked ko na din para sigurado. Rinig ko pang kinakatok ni Azia ang pinto ng kwarto ko. Makulit. Bahala siyang mapagod kaka-katok.
Kinabukasan.
Tahimik akong nagmulat pagkaumaga. Ilang minuto pa kong nakatulala sa kisame. Wala akong iniisip, trip ko lang talaga matulala. Tumayo nako at dumeretso sa cr. Tinignan ko muna sarili ko sa salamin. What now? Tinatamad ako ngayong araw.
Napaayos ako sa sarili ng may kumatok ng malakas sa pinto ko. Ugh, Azia.
Kalmado akong naglakad palabas ng cr at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nabungaran ko si Azia na mukhang nagmamadali. "Hoy! May meeting kami ngayon. Ikaw muna dito ha? Wag mo nako hintayin ng dinner, madami akong lakad. Wag kang pasaway dito! Bye!" tska na siya kumaripas ng takbo palabas ng condo. Mukhang may urgent meeting siya. Nagkibit-balikat na lang ako.
Ilang minuto pa akong nakatitig lang sa kawalan. Seriously? What's with me today. Buti na lang walang pasok ngayong araw. Baka tinulugan ko lang lahat ng klase kung sakali. Kairita.
![](https://img.wattpad.com/cover/241886295-288-k762704.jpg)