Seri.
Weekend na.
"Bilisan mo maligo. Ang kupad mo ever." sabay buga ng hininga ni Azia habang nakaupo sa sofa. Bored na bored siyang nakaupo don habang nagbbrowse lang sa phone niya.
Ngayon kasi namin naisipan na mag grocery. Di namin nagawa nung isang araw dahil nasobrahan siya sa busy sa council kaya halos nauuna akong umuwi sa kanya. Sinabi ko na sa kanya na kahit ako na lang pero dinahilan niyang dapat ay kasama daw siya. Kaya napagpasyahan namin na ngayong weekend na lang.
At dahil nga wala kami maluto nung ilang araw halos dun kasi sa kainakainan namin gabi gabi kumakain. Salitan kami sa pagbayad. Masarap naman kasi pagkain don kaya don kami halos kumakain.
Sa mga araw na yon hindi ko na ulit nakita si monkey man na nasa labas. I told you, Seri.
"Mas matagal ka naman maligo saken." I hissed.
She grinned. "Kaya nga naligo ako agad eh. Akala ko naman naliligo kana din nung naliligo ako." sabay tayo niya sa pwesto niya. "Sa kwarto muna ko. Katukin moko pag tapos kana ha?" kinurot niya muna pisngi ko bago kumaripas ng takbo. Hindi niya tuloy nakita na ang sama ng tingin ko sa kanya. Ang hilig nilang magkapatid na i-murder pisngi ko sa kurot.
Tapos nakong maligo nang magring ang phone ko. Nagpunas muna ako ng buhok bago sinagot yon.
Unregistered number.
Hinintay ko muna siya magsalita bago ako dahil nga hindi ko kilala kung sino. Pero wala akong narinig ng boses ng tao sa kabilang linya, tanging mumunting kaluskos lang ang nariring ko. Nang ilang minuto ay wala pa din pinatay ko na.
Baka prank call. Andaming malalakas ang trip ngayon.
Kinatok ko na sa kwarto niya si Azia ng matapos ako. "Susunduin na lang tayo ni Kuya pagkatapos." yon ang bungad niya pagkalabas ng kwarto. Tumango na lang ako.
Umakbay agad siya saken. Palibhasa mas matangkad saken.
"Tingin mo kelangan ko na din bumili sasakyan, Seri?" tanong niya saken habang nasa elevator kami.
Nagkibit balikat ako. "Ikaw."
"Wag na muna. Para mapeste ko si Kuya kakahatid-sundo." then she smiled evilly. Napailing na lang ako. Trip nila laging pagtripan magkapatid ang isa't-isa. Hindi pa din sila nagbabago.
"Seri!!" sinigawan na niya ko kaya napatingin ibang namimili samen.
Ang ingay. Ako naman magbabayad nitong mga tinapay.
"What?" inosente kong tanong.
"What what kapa dyan? Puro tinapay na lang nasa cart mo aba." sinamaan niya ko ng tingin bago dumampot ng kung ano sa meat section.
Nasa meat section na kami ng mapansin niya mga nasa cart ko. Kalahati ay puro tinapay. Napangiti ako ng malaki sa loob loob ko. TT is life ako. Tinapay at tulog.
Nagbabayad na kami ng iniwan ako saglit ni Azia dahil may nakalimutan daw siyang kunin. Hinihintay ko lang matapos ang nasa harap ko ng may bumangga sa cart ko. Tinignan ko kung sino yon.
Nakatingin siya saken ng masama na parang ako pa may kasalanan na nabangga niya cart ko. Tinignan ko siya gamit ang bored kong ekspresyon.
"Excuse naman dyan oh? Haharang harang." dinig kong sabi niya at inirapan pa ako.
Tinignan ko lang siya at di nagsalita bago inusog yung cart ko kahit andami pang space sa dinadaanan niya.
Obviously hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya kaya nabangga niya ako. Pero hinayaan ko na lang kesa mag eskandalo dito. Ayaw ko naman maging sentro ng atensyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/241886295-288-k762704.jpg)