Seri.
"Seriiiiii!" sigaw ng boses sa likod ko.
Hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na kung sino yon. Dinambahan niya agad ako ng yakap sa likod kaya muntik na akong masubsob. Nabali yata spinal cord ko sa kanya. Puta.
"Azia," sabay tapik ko sa kamay niyang nakasakal saken.
"Hala sorry, sorry!" tumawa muna siya ng malakas bago ako binitawan kaya napatingin iba samin. Parang gusto ko na lang umuwi, magkulong sa kwarto, magtalukbong at matulog. Ang sakit sa ulo ni Azia.
Tinanguan ko na lang siya.
"Ano ba yan?! Speechless kana naman sa beauty ko. Kaninang umaga kapa puro tango. Pero dahil sanay na naman ako sayo ayos lang sige. Tsk. Itotour pa ba kita? Wag na ano? Hindi ka din naman interesado pero may papakita ako sayo for sure magugustuhan mo. Kaso babalaan na din kita," hindi pa man ako nakakapagsalita hinila na niya ako. Muntik na naman tuloy akong masubsob. Nagtanong pa siya, siya din naman sasagot. Pambihira.
Totoo sinabi niya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos ng ilang taon. Ayoko ng balikan kung bakit.
Kinaladkad niya ako hanggang sa mapunta kami sa— nasan kami? Mangilan-ngilan lang yung tao. Halos lahat may kanya kanyang mundo. Hinila niya ako sa isang bench at dun kami naupo.
Nilibot ko paningin ko sa paligid.
Napapaligiran ng mga puno at may mga bulaklak sa paligid. How come na hindi 'to masyado dinadayo ng mga studyante? This place is beautiful and peaceful. Sabagay kung dadayuin nga naman ng madami hindi masasama sa description ang word na 'peaceful'.
"Seri, iwan muna kita dito ha? Bibili lang ako tubig! Wag ka aalis, babalik ako agad. Mabilis lang 'to." tumango na lang ako at tinanaw ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nauuhaw na din naman ako kaya pinabayaan ko na lang siya para makainom din mamaya.
Tinitigan ko na lang ang bato sa harapan ko. Ano kayang feeling na maging isang bato? Hindi gumagalaw. May pakiramdam ba ang isang bato? Nasasaktan kaya siya pag hinahagis? Hindi naman kasi lahat ng matigas hindi na nasasaktan. Posible.
Natawa ako. Pati bato pinagiisipan ko na nang kung ano ano. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatitig sa bato na nasa harap ko kaya di ko namalayan oras.
Tinignan ko relo na nasa bisig ko. Natagalan yata si Azia? Malayo ba bilihan ng tubig? Unang araw ko ngayon sa eskwelahan niya kaya wala akong alam sa pasikot sikot dito. Baka may nakasalubong na kakilala, mahaba haba pa naman ang break kaya iidlip na lang ako.
Pero kung kelan kailangan ko umidlip dun naman ayaw ng utak ko. Weird. Dati isang pikit ko lang nakakatulog nako. Lalo na nasa isang peaceful na lugar ako.
I sighed deeply.
Pero kaya siguro di ako makaidlip, at kahit sobrang peaceful ng paligid, may iilang boses akong naririnig. Baka yung iilang studyante kanina.
"Hoy tara na! Di ko namalayan oras. Buti na lang napatingin ako sa relo."
"Wait, yung libro ko!"
"Bilisan niyo na. Oras na baka maabutan tayo. Kung hindi lang talaga nakakatakot,"
Ilan sa mga boses na narinig ko bago ako nakarinig ng mga yabag papaalis. Hindi nako nagabalang tignan sila at nanatiling nakapikit dahil gusto kong makaidlip. Mukhang ako na lang ang natira dito pero wala pa din si Azia.
