Seri.
Tatayo na ba ako sa pwesto ko? Baka pag nahulog 'to sakin bagsak.
Isang beses akong bumuntong hininga. Sino ba 'to? Matutulog na nga lang dito pa natripan. Andami dami namang ibang lugar dyan. Napakurap kurap ako ng maliit ng biglang humarap siya saken. Oh.
Siya?
Siya na naman.
Napa-deretso ako ng upo ng bigla siyang tumalon pababa. Nakapamulsa siyang tumingin saken. Sa dalawang beses na nakita ko siya, palaging sa mata niya ako nakatingin. Kaya naman ngayon tinignan ko na pati buong mukha niya.
Hm. I admit. He got looks. Marunong naman ako magappreciate ng kagandahan ng isang tao. Let's give him that.
Nagulat ako ng humakbang siya papalapit saken. Uh okay? What's with him?
Tinaas niya kamay niya isang kamay niya tsaka sumenyas. What?
"Move." he commanded.
Umusog ako pagilid bago nagiwas ng tingin sa kanya. Nakita ko siya sa gilid ng mata ko na may inabot sa gilid ko. It looks like a wallet. Baka nahulog niya habang tulog.
Finocus ko na lang paningin ko sa mga puno na nasa gilid ko at di na siya tinignan. Anong oras na kaya? Mangilan ngilan na lang din ang mga studyante na nasa labas. Baka dahil nasa kanya kanya ng klase. Dun ako napatingin sa relo na nasa bisig ko. Shoot. 5 minutes bago ako malate.
Tumayo na ako para magpunta sa klase.
Nang sinubukan long lingunin siya at tignan kung saan siya nakatayo kanina wala na siya don. Nagkibit balikat na lang ako bago tinahak yung daan papunta sa room.
Pagdating ko sa klase wala pa prof kaya tahimik na lang ako naupo.
Nang makauwi sa bahay pagkatapos ng klase dumeretso ako sa kwarto para magpalit. Saktong nagtatanggal pa lang ako ng isang butones ng marinig kong kumakatok sa labas ng pinto si Azia. "Seri may tumatawag sayo." pagkatapos niyang sabihin yon dumeretso na siya papasok dito sa kwarto ko at inabot saken yung phone ko. Hm naiwan ko na naman yata dun sa sala.
I mouthed, "Thanks."
Napabuntong hininga ako ng makitang si Tito yon. Umupo ako sa kama bago sinagot iyon.
"Hello,"
"Seri,"
"Tito,"
"Pati ba naman dito ay matipid ka. Gusto ko lang mangumusta."
"I'm okay. No need to worry,"
"You should be. Anyway, It's good to know that you're fine. Sige na, napatawag lang naman ako para kamustahin ka. Take care, Seri. I have to go," hindi pa ko nakakapagsalita pinatay na niya ang tawag.
Itatanong ko sana kung may pinadala siyang body guard saken. Ever since my parents died, siya na ang nagalaga saken.
Pinagpatuloy ko na yung naudlot kong pagbihis at lumabas nako ng kwarto para uminom ng tubig. Hindi ko nadatnan si Azia pagkalabas kaya hula ko ay nasa kwarto siya. Pagkatapos uminom dumeretso ako sa sala at naupo agad sa sofa. Nakatitig lang ako sa kawalan ng biglang may magsalita sa likod ko.
"Hoy, anlalim ng iniisip natin ah." si Azia tsaka niya kinuha ang remote para isindi ang tv. "Anong sabi ni Tito?" she pried.
"Mhm. Nangumusta."
