Paano Makapasa sa Entrance Exam?
Dahilan sa iniutos ni Steve the Gatekeeper na bumuo kami ng bilog, agad kaming tumalima nina Blue at Pink sa pamamagitan ng pag-alis sa pila at paglapit sa kanya. Sa kadahilanang nasa hindi kalayuan lamang niya kami, agad naming nakuhang tatlo ang puwesto na kung saan ay nasa unahan talaga namin siya. Sapagkat may kahabaan ang pila na sa tingin ko ay binubuo ng halos tatlong daang mga binata at dalaga, ang nasa magkabilang dulo nito ay inabot pa ng ilang minuto bago masapit ang bilog na pinabubuo sa amin ni Steve kahit na tumakbo na ang mga ito. Hindi muna nagsimula ang gatekeeper sa pagsasalita hanggang sa ang lahat ay nasigurado na niyang nakalapit sa bilog.
"Muli, magandang umaga, mga binata at dalaga," ani ni Steve. "Ngayon ay sisimulan ko na ang pagpapaliwanag sa kung ano ang mangyayari at gagawin para makapasa sa entance exam at makatapak sa alter world na tanging pili lamang sa sangkatauhan ang pinapayagan. Handa na ba kayo?"
Ang tanong na iyon ni Steve ay tinugunan ng marami subalit sa iba't ibang kaparaanan. Mayroong um-oo, mayroong tumango, at ang iba ay mapahugot ng malalim na hininga. Ako ay nasama sa nahuling nabanggit sapagkat kahit na sabik sa magaganap ay duda akong maipapasa ang pagsubok. Wala akong kapangyarihan, ano ang ipanlalaban ko kapag mayroong tagisan ng mahika na naganap?
"Sa tingin ko nga ay handa na kayo, kaya hindi na ako magpapatumpiktumpik pa. Makinig at pagmasdan n'yo itong mabuti..."
Gamit ang kamay niyang hindi humahawak sa susi, ibinuka ni Steve ang kanyang kanang palad. Nagtaka sa ginawa niyang iyon, ngunit bilang na segundo lamang ang lumipas nang ikinamangha ko ang sunod na nasaksihan.
"Ito ang maze na papasukin n'yo," wika niya sabay hagis sa ilaw na nagmumula sa kanan niyang kamay. Pansamantala itong pumamhipapawid, bago nahulog papunta sa lupa. Parang balloon na may lamang tubig, nang bumagsak ito sa lupa ay lumikha ito ng imahe na parang isang estruktura. Prototype ng isang maze sa kulay na kayumanggi. Kanyang pagpapatuloy, "Ngunit kahit na gaano n'yo iyan tandaan. Huwag kayong madismaya na kapag nakuha n'yo na ang ipinapakuha ko sa inyo sa loob ng maze ay hindi na magiging ganyan ang aerial view na iyan."
Nananatiling nakatingin sa pabilog na maze, nang may narinig akong nag-snap o nagpatunog ng daliri, na sa tingin ko ay gawa iyon ni Steve, nasaksihan ko ang paggalaw ng siyam na haligi na nakapaligid sa border ng maze. Ang isa ay sa kabilang banda, sa harap namin nina Blue at Pink, samantalang ang walo ay nasa kabila naman at kaharap ang ibang binata at dalaga. Sunod ay may mga ilaw na lumitaw sa loob ng maze, sa rami ay nawalan na ako ng bilang kung ilan ang mga ito. Nagtaka sa nakita, kalaunan ay narinig ko na ang muling pagsasalita ni Steve.
"Ang nag-iisang bagay na iyan na gumalaw sa aking norte (sa harap namin), iyan ang entrance gate papasok sa maze. Gamit ang susing hawak ko kasalukuyan at kaunting mahika, bubukas iyan para opisyal nang masimulan ang pagsubok. Ang tungkol naman sa mga ilaw na nakakalat sa loob ng maze, iyan ay ang mag alter world creatures na ipapakuha ko sa inyo bago kayo lumabas sa maze. Huwag kayong mag-alala, tig-iisa lang ang inyong kunin. Ang ikabahala n'yo ay kapag hindi kayo gusto ng mga alter world creatures na 99.99 percent akong sigurado na hindi nga kayo gusto ng mga ito via first impression basis. Kung tama ang pagkakaalala ko, simula nang magpatupad kami rito ng ganitong sistema ng entrance exam ay limang mga indibidwal pa lamang ang unang tingin sa kanila ng kani-kanilang alter world creatures na kukunin ay nagustuhan na agad sila ng mga ito. Ewan ko lang kung madaragdagan ang bilang na iyon ngayong araw. Kung hindi kayo gusto ng nakita n'yong alter world creatures, kailangan n'yo silang labanan upang matalo at madala sa labas ng maze. Kung ano ang ipanlalaban n'yo sa mga ito, ibubunyag ko mamaya."
Pansamantalang huminto si Steve the Gatekeeper para siguro pagmasdan ang magkakaibang expresyong mayroon sa aming mukha. Narinig ko ang pagkalas ng kanyang susi bago ang kanyang pagsasalitang muli.
BINABASA MO ANG
Alter World Series 1: The Magical World
FantasyNoong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan. Ito ay ang Alter World. Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuha...