Kabanata 13

27 5 0
                                    

Salamat sa patuloy na mga sumusubaybay! :D  And by the way, since birthday week ko ngayong linggo, lilihis ako ng kunti sa update schedule ko. This week ay dalawang beses akong mag-a-update, hihi. Ang isa ay ito na, samantalang ang isa ay darating sa mismong kaarawan ko. Antay-antay na lang kung kailan iyon. Stay safe, everyone!

-----

Sa Opisyal na Pagtatapos ng Kanilang Entrance Exam

Sa pagpapatuloy ng pagkakaupo namin sa bench ay mas nadaragadan pa ang kaalaman namin ni Blue tungkol sa mga alter world creatures. Nang matapos kasing magkwento si Pink sa mga nilalang na nakuha namin sa loob ng maze, dumapo naman siya sa iba pang nilalang na mayroon ang ibang taong nasa paligid namin.

Ang tatlong lalaking kumutya kay Blue kanina, ang tatlong lalaking may sampung dilaw na bulaklak sa garland, ay ibinunyag ni Pink na lahat ng mga creatures nila ay classified bilang 'Always'.

Ang lalaking pinagsalitaan si Blue na hindi lang daw ito bobo sapagkat ang bobo-bobo nito, ang nakuhang creature ay isang rabbit. Isang rabbit na sa sobrang bilis tumakbo ay daig pa ang blue wildebeest, ang pinakamabalis na land dweller o hayop na namumuhay sa lupa sa Earth. Kapag hinihingal ito ay huwag kang magkamaling hawakan ang nilalang na ito, maipapasa niya kasi sa iyo ang electrical charges na nakuha niya sa pagtakbo nang pinakmabilis. Tinatawag ang creature na ito bilang Agiliare para sa dalawang katagang pinagdugong na 'Agility' at 'Hare'.

Tungkol naman sa lalaking nagsalitang nakakaawa si Blue sapagkat mapupunta raw ito sa Zulix, ang section ng mga weaklings, ito naman ay may hawak na isang parang rubicks cube na creature na may pakpak. Kung si Pink pa, tinatawag itong Flybick. Isang nilalang dito sa alter world na may kakayahang lumipad at makapagpalabas ng elektrisidad. May kwento raw na kapag nagsama-sama ang isang libo o mahigit na Flybick ay may kakayahan ang mga itong tumawag ng isang 'Legendary' creature na tinatawag na 'Fluxbick', dependi sa kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ng mga Flybick ay iyon ang magiging gampanin niya.

Ang panghuli sa tatlo-- at ang nagsabing papatahimikin niya raw si Blue kapag muling sumigaw ito-- ay may creature na parang bonsai. Ang sabi ni Pink ay tinatawag ang nilalang na itong Volsai. Ang dalawang parang pungpong ng dahon sa uluhan ng nilalang na ito ay mga antenna pala na ginagamit sa pag-absorb ng electricity. At dependi sa kung gaano karaming boltahe ang naipapasok ng Volsai sa katawan nito, gaanon ding kalaking puno magiging ang nilalang na ito. Kapag na-discharge naman ng Volsai ang lahat ng electricity na naipon nito, babalik lang din ito sa orihinal na anyo na isang bonsai.

"Eh, anong creature naman iyon ang nasa babaeng may kakaibang garland?" tanong ni Blue na kasama si Pink ay agad kaming napalingon sa banda kung saan nakaturo ang daliri nito. Tumambad sa pagtingin ko sa partikular na dako ang isang babae na kagaya ko ay may kakaiba ring garland.

"I-ko-correct lang kita, Blue, bago ko sagutin ang tanong mo, a. Hindi kakaiba ang garland ng babaeng itinuturo mo. Tumingin ka sa paligid, mayroon pang iba na kagayang-kagaya rin niyan."

Nang marinig ko ang itinugon ni Pink, kasama si Blue ay inilibot ko rin ang  paningin ko sa paligid. Tama si Pink, marami pang garland ang kagaya sa babaeng itinuro ni Blue. Ngunit bakit naging ganito ang mga bulaklak ng mga garland na ito? Hindi kasi nag-iba ng kulay nito at parang naging puting kristal lamang ang mga bulaklak.

"I-e-explain ko sa iyo Blue. At sa iyo rin, Red, dahil parang nahihiwagaan ka rin sa mga nakikita mo. Ang mga kakaibang garland na nakikita n'yo ay isinabit sa mga leeg ng mga potential ice manipulator. Puti kasi ang kulay ng mga bulaklak at puti rin ang color theme ng mga lumalabas sa 'Frosto'. Kaya, para hindi mahirap malaman kung paano ang naging performance ng mga test takers sa loob ng maze, ginawa na lang nilang kristal ang kalalabasan ng mga puting bulaklak."

Alter World Series 1: The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon