Si B.L.U.E at si P.I.N.K.Matapos kong makapagpaalam kay Miss Limurtyl ay agad ko nang tinungo ang mahabang linya na binubuo ng maraming bilang ng mga lalaki at babae na may kapareho sa akin ang edad. Kung ano ang sunod na mangyayari pagkatapos kong makapila ay wala talaga akong ideya. Well, bukod sa 'Entrance Exam' na parang hamog din ang dating sa akin sapagkat hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagsimula na iyon.
Kahit nga panulat o papel ay wala ako.
Dahilan sa hindi naman nalalayo ang pinakadulo ng linya mula sa aming kinaroroonan ni Miss Limurtyl ay hindi nagtagal ang paglalakad ko at aking napuntahan na ang pinakadulo ng nag-iisang linya. Tumayo ako sa likod ng isang lalaking may katangkaran ang tindig kaysa sa akin at gaya ng lahat ay sinimulan ko na rin ang paghihintay.
Sa tinatawag ni Miss Limurtyl na 'Dissever Region' na naghahati raw sa real world at alter world, sa tingin ko ang kasalukuyang oras dito-- kung may oras nga rito-- ay alas siyete na ng umaga. Kung ihahalintulad kasi sa Earth ang alas siyete na ambiance doon ay kaparehong-pareho lang nitong mararamdaman at mapapansin mo kasalukuyan. Ang araw ay nakasikat na, ngunit hindi pa masakit sa balat ang sinag nito. May kalamigan din ang hanging na napakapreskang damhin.
Matahimik akong naghihintay sa aking pwesto hanggang sa may narinig akong nagsalita sa aking likod...
"Ang haba na ng pila, kailan pa nila kaya sisimulan ang entrance exam?" tanong nito. Kung babasehan ang kanyang tinig ay lalaki itong sumusunod sa akin sa pila. Sa kadahilanang parang insulto naman sa kanya kapag hindi ko siya papansinin, mula ang tingin sa harap ay nagdesisyon akong lingunin siya para makausap.
Aking sabi, "Oo nga e. Ang haba nga ng pila..."
Nagbabalak pa sana akong dagdagan iyong sinabi ko subalit hindi na natuloy sapagkat ang babaeng nasa likod ng lalaking tinugunan ko ay nagsalita.
"Alam n'yo naman, hindi ba, na etrance exam itong ating pinasok? Kung matatagalan man ito sa pagsisimula ay malamang parte ng test ang pagsagad sa mga pasensya ng mga kalahok dito. At isa pa, ilang sandali pa lang naman ang nakakalipas nang nagsimula tayong pumila rito. Kung mayroon mang dapat na mabagot at magreklamo ay ang mga nasa unahan iyon nitong pila."
Mula ang tingin sa likod ay pasimple kong ibinalik iyon sa unahan. Hindi pa man ako nakakapagkaibigan dito ay mukhang mayroon nang nakikipag-away sa akin, a? Muling naging matahimik na ipinagpatuloy ko ang paghihintay.
"Hay nako, ito na naman siya," sabay tapik sa kanan kong braso ay ang pagpapatuloy ng lalaking nasa likod ko sa sinasabi niya, "pagpasensyahin mo na siya, Tol. Hindi pa kasi iyan nakaganti sa akin nang pagkarating na pagkarating ko rito sa Dissever Region ay hindi lupa kundi ang paa niya ang una kong natapakan. E, naglalakad siya, kaya ayon agad siyang natumba."
Ang panghuling bahagi sa sinabi niya ay halatang nagpipigil ng pagtawa ang lalaki.
Ngunit hindi pa man ako nakakatugon sa winika ng lalaki ay narinig ko na ang reaksyon ng babae sa likod nito. "Argh! At sino ang nagsabi sa iyong may pagkwentuhan ka ng nangyari kanina? At pinagtatawanan mo ba ako?"
Agad na tugon ng lalaki, "Ako. Ako ang nagsabi sa aking sarili na ikwento sa lalaking pinagsupladahan mo ang dahilan kung bakit nagsusuplada ka sa akin at nadamay pa siya. Nakahingi na ako sa iyo ng tawad, ha? Bakit ba kasi gustong-gusto mong sapitin ko rin ang nasapit mo kanina? E, hindi ko nga iyon sinasadya?"
Maagap ding tugon ng babae, "Sinadya mo iyon, huwag kang magpsinungaling! Ngayon, kung gusto mo talagang mapatawad kita ay sige maglakad ka at tatapakan ko rin ang paa mo, siguraduhin mong matutumba ka rin kagaya ng kung paano ako natumba kanina. Napahiya ako sa nangyaring iyon kaya marapat lamang na ganoon din ang mangyayari sa iyo!"
BINABASA MO ANG
Alter World Series 1: The Magical World
FantasiNoong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan. Ito ay ang Alter World. Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuha...