Ang Simula ng Nakakamanghang PaglalakbayPumikit ako habang ninanamnam ang may kalamigan at preskang hanging banayad na pumapasok sa aking pang-amoy. Para itong isang gamot na may kakahayang magpakalma sa kinakabahan kong sistema dahilan sa aking binabalak na gawin.
Ako si Redmon Eliseo Doragon, isang labin-walong taong gulang na binata na nagdadalawang isip pa kung ano ang kukuning kurso sa kolehiyo. Kasalukuyan ay nasa harap ako ng border fence na yari sa chain link kung saan nakapaloob sa kabila nito ang isang kagubatan.
"Private property, no trespassing," sa isang pang pagkakataon ay inulit ko ang pagbabasa sa isang plakang nakasabit sa chain link fence. Ang ibig sabihin ng mga katagang iyon ay pribadong pag-aari ang lugar na nasa unahan ko, magkamali lamang akong pumasok ay mapaparusahan talaga ako kapag may nakahuli sa akin.
Ngunit dahil sa nagmamadali na, mukhang malalabag ko nga ang nakasulat na babala. Nakalubog na ang araw at ngayon ang mga matitingkad na kulay sa kalangitan ay nagsisimula nang malusaw. Bago pa ako mahirapang makakita, sapagkat gumabi na at wala akong dalang anumang uri ng pang-ilaw, ay kailangan ko nang dalhin pauwi sa bahay ang sadya ko kung bakit nagbabalak akong mag-trespassing ngayon.
Hindi naman sa delikado ang rason kung bakit gusto kong makapasok sa loob ng kagubatan. Hindi ako mangpuputol ng kahoy para may panggatong kami sa bahay, at hindi rin ako mangunguha ng mga bunga ng puno para may kakainin kami ng pamilya ko.
Isang household pet, iyan ang sadya ko kung bakit dinala ako ng resolba ko dito. Actually, mayroon naman kaming inaalagaang hayop doon sa bahay. Ngunit dahil sa isa iyong reticulated phyton o sawa, nang marinig ko ang pakiusap sa akin ng kapatid ko na dadalhin niya bukas si Spotty, ang ngalan ng sawa, ay agad ko siyang sinabihang hindi iyon pwede...
Ang dahilan kung bakit ganito na lamang ako ka-desididong makahanap ng household pet sa pribadong kagubatan ay para ito sa kapatid kong babae na nag-aaral sa elementarya. Mayroon kasi silang pet presentation sa klase nila bukas at dahil hindi mainam ang presensya ng sawa sa ganoong event-- at para na rin huwag sumama ang loob nitong bunso ko sa akin-- ay napagpasyahan kong maghahanap na lang ng ibang hayop.
Hindi kagaya sa sawa, ang nasa isip kong balak na dalhin pauwi para maibigay sa kapatid ko ay isang maliit lamang na hayop. Iyong pwede niyang mailagay sa kamay niya na walang pangambang makakagat siya nito, ipapakita niya ang naturang hayop sa mga kaklase niya, at ang mga ito ay masisiyahang may ibong kasama sa pet presention nila.
Ibon: iyan ang katagang naghatid dito sa akin sa pag-iisip kung saan ba ako posibleng makakakita ng ganoong hayop. Hindi naman ako makakapunta na sa mga pet shop sapagkat alas singko na at tiyak akong sarado na ang mga ito sa ganitong oras para maagang makapagpahinga ang mga ibinibentang hayop. Sa pag-iisip ko kung saan makakakita ng maraming ibon at mabilis na makakahuli ng isa, bigla na lang pumasok sa isip ko ang pribadong lugar na ito na alam kong hindi mabibigo ang pasya kong maghanap dito ng ibon.
"Private property, no trespassing," pag-uulit ko sa kanina ko pa binabasa.
Ito na talaga. Nasapit ko na ang lugar para lamang mag-iba pa ang isip kong huwag nang ituloy ang binabalak. Ayaw kong makita ang aking kapatid na malungkot sapagkat wala siyang hayop na maipe-presenta sa kanyang mga kaklase-- na kaakibat niyon ay ang posibilidad ng pagbibigay sa kanya ng guro niya ng mababang marka dahil wala siyang class participation. Siguro wala naman makahuhuli sa akin. Kukuha lang naman ako ng ibon at iiwanan ang lugar na walang pinagbago. Hindi naman nila siguro malalaman na nabawasan na ng isa ang mga ibong naninirahan sa loob ng private property na nasa harap ko. Not unless, binibilang nila talaga ang mga ibong namumuhay sa loob na napakaimposible namang isipin iyon. Isang ibon at tapos na ako rito. Sana lang talaga hindi ako mahuli.
Buo na ang pasya ay sinimulan ko nang ihakbang ang mga paang may suot na sapatos papunta sa chain-link fence. Kitang-kita ko na rin mula sa aking kinaroroonan ang harap ng kagubatan na papasukin ko na sa itaas niyon ay ang mga ibong nagsisiliparan. Maaaring ang isa sa mga iyon ay ang makukuha ko.
Nang masapit ko ang chain-link fence ay unang itinapak ko ang kanang sapatos sa isa sa mga hugis diyamente na mata nito. Paakyat, ang sunod ko namang itinapak ay ang kaliwa sa isa pang mga mata ng chain-link. Parang nag-wa-wall climbing lang ay sinimulan ko nang gapangin ang papunta sa kabilang bahagi ng border fence...
"Ah..." mahinang wika ko habang lumulundag pababa sa cyclone wire na matagumpay ko nang napasok. Kahit na hindi naman gaano kataas ang pinagtalunan ko, sapagkat ang mga naipong dahon sa banda ng pinaglapagan ko ay napakatuyo na, nang muling nakatapak ang mga sapatos ko sa lupa, ang ilan sa mga dahong ito ay nagsiliparan.
Habang itinutuwid ko ang pagkakatayo ay muli kong hinarap ang tanawin na nasa aking unahan. Gaano ba kalawak ang lugar na ito? Mga puno sa kanan, mga puno rin sa kaliwa, at-- kung titingin ako nang diretso-- ay nananatiling puno ang aking nakikita hanggang sa kayang maabot ng paningin ko.
Bago pa ako tuluyang maabutan ng gabi ay sinimulan ko nang hanapin ang aking magiging pakay. Isang ibon na nasa mainam nitong pangangatawan.
Sa isang puno ng mangga, sa aking bandang kaliwa, nang napadako ang paningin ko roon ay agad kong nasabi na dito ko na kukunin ang aking binabalak. May isang maya-- ewan ko lang kung ano ang sekswalidad-- ay abala sa paggawa ng pugad. Sa kanyang tuka ay may kagat-kagat siyang iilang hibla ng dayami. Isang bagsakan niya itong nilapag sa pugad na alam kung hindi pa tapos ang pagkakagawa sapagkat nakalantad pa sa paningin ko ang loob nito.
May maingat na galaw na sinimulan kong tunguhin ang partikular na puno. Mabagal at walang ingay ang paglapit ko, tinitiyak na hindi ako napapansin ng ibon na kukunin ko. Dahilan sa patuloy lamang itong gumagawa ng pugad, naging kampante ako sa aking pag-abanse papunta sa kinaroroonan nito.
Lumipas ang mahigit sa sampung hakbang ay sa wakas nasa paanan na ako ng puno. Ang partikular na ibon na kinukusa ko ay wala talagang pakialam sa kanyang paligid, ang buong atensyon nito ay nakatuon lamang sa pugad. Matahimik na hinubad ko sunod ang mga sapatos na suot ko at sinimulan na ang pag-akyat...
"And gotcha!" wika ko nang akin nang masapit ang itaas ng puno kung saan nandirito ang ibon na kukunin ko. Sabay sa pagsabi ko niyon ay ang pagdakip ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay, at nakabukang pinapunta ito sa ibon.
Dahilan sa nagulat sa biglaang paglitaw ng presensya ko, kaya naman natigilan ang ibon at agad nawalan ng ideya kung ano ang gagawin. Dahil dito, agad ko siyang nadakip gamit lamang ang kaliwang kamay ko. Nagagalak at nakuha ko na rin ang aking kusa, ngunit gaya ng reaksyon ng ibong nadakip ko sa biglang pagpapakita ko, ay ganoon din ang nangyari sa akin nang may nakita akong isang kakaibang bagay. Naglikot ang ibong hawak ko at nakawala ito sa aking kamay ngunit hindi na ito ang prayoridad ko kasalukuyan.
Matiwasay na lumilipad ay ang isang nakakabighaning nilalang. Isang ibon. Ang mga balahibo nito ay kapareho sa kulay ng kalangitan sa takipsilim. Dilaw, kahel, at pula. Palipad-lipad ito sa pagitan ng mga puno na ewan ko kung ano ang kanyang sadya.
"Napakagandang ibon, ngayon lang ako nakakita ng ganito!"
At dahil sa pabulong na wika kong iyon ay may pumasok sa aking isip na isang ideya. Paano kaya kung hulihin ko ito?
Maingat akong bumaba sa punong inakyat at habang isinusuot ko ang aking sapatos ay pinag-aralan ko ang aktibidad ng kakaibang nilalang.
@HuntingFantasy
BINABASA MO ANG
Alter World Series 1: The Magical World
FantasiNoong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan. Ito ay ang Alter World. Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuha...