Kabanata 14

52 5 1
                                    

Yas! Twenty-two na ako! Mamaya may isang libro akong i-pa-publish na puno ng mga riddle na sarili kong gawa. Sana magustuhan n'yo :D. *Sings happy birthday to me*. Have a nice day everyone!

-----

Ang Misteryusong Bababe

Matapos na mag-imbita ni Mike the Doorwatcher na dumalo raw kami sa pagdiriwang gagawin sa unibersidad kung saan kami i-e-enroll, sunod niyang sinabi ang kaparaanang kung paano kami makakapunta sa partikular na lugar na itinutukoy niya.

Mula sa clear section kung saan naganap ang pagbibigay ng garland sa lahat ng mga nakapasa sa entrance exam, naglakad kami ng halos isang kilometro para masapit ang train station. Hindi naman nakakapagod ang may kahabaang paglalakbay sapagkat mas pokus ang mga isip namin sa mga nakikita at hindi sa mga paang umaabanse nang dahan-dahan.

Sa tingin ko ay tangahaling tapat na, nasa-uluhan na namin kasi ang araw. Patuloy na naglalakad, ngunit parang hindi lang namin batid na itong partikular na oras na pala ang pinakaanit. Sagana sa bilang at may kabilisang lumulutang sa himpapawid, ang mga ulap na wari mo'y parang cotton candy sa mga hugis nito. Dagdag pa sa nakakagaan ng pakiramdam ng tanawin sa uluhan, ang may kalamigang haplos ng hangin at ang mga damong pinaging luntiang berde ang buong kapatagan. Ilang minutong paglalakad din ang ginawa namin sa kaaya-aya na parang hanggang sa nasapit na namin ang destinasyon namin.

"O, pasok lang kayo. Pasok lang, may animnapung bagon ang train na ito. Tiyak may mauupuan kayong lahat na pwesto," wika ng isang tao na sa tingin ko ay train officer. Ang mga nauuna kanina sa paglalakad ay ngayon pumapasok na sa nabanggit na transportasyon.

Ang tinatawag na steam locomotive o train na pinasasakyan sa amin ay hindi maipagkakila may kahabaan nga. Mula sa kasalukuyan kinaroroonan namin nina Blue at Pink na malapit sa pinakabuntot, siguro aabot ang haba nito sa ilang daang metros. Kulay itim ang exterior na pintura nito na may pailan-ilang presensya ng pula. Kahit na nahahanay sa kalumaan ang disenyo nito, unang tingin mo palang sa transportasyon ay sasabihin mong bagong bili lang ito.

"O, pasok lang kayo. Pasok lang, may animnapung bagon ang train na ito..." pag-uulit ng naturang tao nang kami naman ang papasok sa train. Pumasok na nga kami sa loob at agad na nagpasyang maghanap ng bakanteng bagon.

Tumingin ako sa bagon na unang nararaanan at nakitang may laman na itong limang tao. Mga nakapasa din ito sa exam at may mga sampung bulaklak sa kanilang garland. Kulay dilaw, bughaw, at kayumanggi ang mga bulaklak ng mga ito. Sunod ko namang pinadako ang paningin sa pintuan papasok sa kanilang bagon at nakitang may tatak ito na 60. Ika-animnapu na bagon ang nasa dulo nitong train.

Sa pagpapatuloy ng paghahanap namin ng bakanteng bagon, kalaunan ay nasapit na namin ang bagong wala pang may umuuukopa na may tatak na 28 ang pintuan. Ika-dalawampu't walong bagon. Agad kaming pumasok dito at ginawang komportable ang sarili.

"At sa wakas nakaupo na ring muli," wika ni Blue habang dinarama ang napakalambot na pakiramdam na ibinibigay sa kanya ng sofa na nilapagan niya. Kagaya ng ibang bagon na naraanan namin, itong kinaroroonan namin-- sa tantsya ko-- ay may lawak na tatlong metro at haba na apat na metro. May dalawang mahabang sofa ang nagkaharap sa isa't isa ang nakaposisyon sa magkabilang dulo ng bagon at malaking bintana na nakaharap sa luntiang parang na kung saang banda ka man mauupo sa dalawang sofa ay tiyak may magandang view ka ng tanawin sa labas.

"At sa pagkakataong ito ay sa isang malambot nang sofa," wika naman ni Pink habang inihihiga ang sarili sa sofa. Si Blue at si Pink ay kasalukuyang inuukopa ang makaibang sofa na naiwan naman sa akin ang pagdedesisyon kung sino sa kanilang dalawa ang tatabihan ko. Sapagkat sa tingin ko ay mas mainam na kay Blue na lang ako tumabi sapagkat nakahiga na sa kabila si Pink, kaya iyon na ang naging pasya ko. Umupo ako sa sofa kung nasaan din si Blue at makalipas ang ilang segundong katahimikan, nang muling nagsalita is Pink, ay may bago na kaming topiko na pag-uusapan.

Alter World Series 1: The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon