Noong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan.
Ito ay ang Alter World.
Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuhay.
Sa maberde nitong kapatagan,
Sa mabato nitong bulubundukin,
Sa kailaliman ng karagatan,
At sa katayugan ng kalangitan.
Ngunit, kahit gaano kagusto ng mga tao ang mapunta rito, ang Alter World ay sadyang mapili kung sino lamang ang papasukin nito. Makakatapak ka lang sa lugar na puno ng mahika kapag natugunan mo ang tatlong kinakailangan.
Una, ang bloodline. Pribiliheyo sa sangkatauhan ngayong mga araw. Ito ay magsisilbing susi mo para makapasok sa kalinlangan o maze para masubok ang imahinasyon mo at katapangan.
Pangalawa, ang imahinasyon. Pwede ring matawag na mas higit sa kaalaman. Sinumang pumasok sa kalinlingan ay kailangang magkaroon ng pinakamatindi nito kung gusto niyang makalabas sa lugar at masapit ang Alter World.
Pangatlo at ang panghuli, ang katapangan. Huwag kang magpadaig sa takot mo at baka hindi ka na makakatapak sa Alter World panghabambuhay. Sapagkat baka naligaw ka nang tuluyan sa kalinlingan.
Ngunit, dahilan sa nagdaan na ang mga panahon, pagkakatoon ng tunggaliang magpamilya, o iba pang bagay, ang bloodline ay mahirap nang kilalanin.
Kaya may engkantasyong binitiwan sa mundo.
Titipunin nito ang mga may karapatan lamang.
BINABASA MO ANG
Alter World Series 1: The Magical World
FantasiNoong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan. Ito ay ang Alter World. Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuha...