Kabanata 22

5 0 0
                                    

Ang hindi inaasahang komprontasyon

Nakakatuwa mang isipin ngunit pagkatapos ng sagutan namin kanina roon sa parke kung saan ay tinuldukan ko na ang namamagitan sa amin ni Liza ay ito pa rin ako, sinusundan dahil gusto ko siyang makauwi ng ligtas. Oo, hindi ko itatangi at mahal ko pa rin siya, at siya rin base sa narinig ko sa kanya ay mahal din ako. Sa tingin ko ang tamang pagkatataon para ipakita sa kanya ang sarili ko ay kanina pa lumipas. Mas maigi na munang ganito na kami ngayong gabi, hayaan muna siyang mag-isa habang ako naman ay sinisigurado siyang makauwi ng ligtas.

Siguro, ang oras na ngayon ay pasado alas diyes na rin ng gabi. Kung tama pa nga ako ay malapit nang mag-alas onse. Marami nang nangyari sa araw na ito, mga bagay na hindi ko lubos iisipin na mangyayari ay tuluyan nga nangyari. May mas malala pa kaya sa mga iyon na mangyayari ngayong gabi?

Sa tingin ko ay wala na.

Magkakamali ba ako?

Dependi, kung may mas malala pang mangyayari.

Lumipas pa ang mga sandali sa paglalakad namin ni Liza ay parang may napapansin akong kakaiba sa babae. Parang ang tahimik nito at hindi alintana mag-isa nga lang siya.

Parang hindi na yata siya nangangamba sa seguridad niya.

Ganito na ba ang pinagbago niya simula nang mawalan kami ng kuminikasyon sa isa-isa? Parang kumpiyansa siya na hindi siya mapapahamak.

At nakumpirma ko nga na ibang-iba ngayon ang inaasta ni Liza nang mapagtanto na ang direksyon na tinuntungo namin ay hindi pabalik sa kanila. Alam ko ang patungo roon, nakailang beses na akong pumunta sa bahay nila. At hindi sigurado akong hindi ito ang papunta roon. Ngunit saan siya pupunta? At bakit may ilog na rito?

Mula sa paglalakad ay huminto na si Liza. Bumuntong hininga bago humarap sa likod. Ako naman ay nanatiling nagtatago ngunit ngayon ay puno na ng pagtataka. Alam ba niya na sinusundan ko siya? Pero sinisigurado kong wala akong nagagawang ingay. Ni bumahing ay hindi ko nagagawa dahil ayaw kong magimbala ang pagiging mag-isa ni Liza.

“Kung sino ka man na nagtatago riyan, paki pakita na ng sarili mo.”
At dahil sa narinig  ay nakumpirma ko ngang napansin na niya ako. Pero paano kaya? Ganito na ba katalas ang senses ni Liza?

Hindi ko pinakita ang presensya ko sa kanya, nanatiling nasa aking pinagtataguan lamang ako. Na-curious ako sa kung ano ang pwedeng gawin ni Liza. Sa ganitong pag-asta niya kasi ay parang may kaya siyang gawing kakaiba.

“So, hindi mo talaga ipapaalam ang presensya mo. Oh well, dahil masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa break up namin ay magiging mabagsik ako sa iyo. Pasensya na, tadhana mo na rin siguro ito. Game ka na ba?”

Hindi pa rin ako kumibo. Ano kaya ang binabalak niya.
At nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita na umilaw ng kulay pink ang mga mata ni Liza at ganoon din ang kanang kamay nito. May mahika si Liza?

Sambit nito, “Astral Creation Magic: Psychic Catapult.”
Ang ilaw niya sa kamay ay mas lalong nagkapormang bilog. Ibinato niya ito sa harapan niya at sa kagalakan ko ay hindi sa direksyon kung nasaan ako. At nang tumama na ito sa isang puno ay may panlalaki ang mga mata kong napalunok ako ng laway. Nabutas kasi ang puno. Paano kung sa akin iyon tumama? Edi butas din ako?

Liza? Ikaw ba talaga iyan? Napakalaki na ng pinagbago mo.

At sa ganoong yugto ay napasabi ko sa sarili na may ikalalala pa ang gabing ito. Patapos na ang araw pero hindi pa pala tapos ang laban ko para manatilihing buhay ang sarili pagkatapos ng lahat lahat na mga kababalaghang nasapit. Ito na naman, ang ex girlfriend ko na mahal ko pa rin, mukhang sa kanya pa ako madadali!

“Oh, nagmintis ako,” wika nito nang mapagtanto na walang tao ang natamaan ng kapangyarihan niya. Pagpapatuloy nito, “Ang swerte mo naman. Pero ewan ko lang kung hanggang saan ang pagmintis mo!”
Ngayon ay ang dalawang kamay na niya ang nag-ilaw. Biglang dumadagundong ang puso ko dahil sa nakita. Mukhang dito  nga talaga ako madadali!

At nang magsimula ulit siyang bumato pasunod-sunod ay wala na akong nagawa kundi pumirmi na lang sa kinaroroonan ko at hinintay ang kamatayan na darating…

Pero mukhang hindi naman pala ganoon kabrutal si Liza. Siya pa rin ang babaeng minahal ko. Mabait at maawain.

Napatamaan na niya ng kapangyarihan niya ang lahat ng banda sa paligid namin maliban na lang ang sa kinaroroonan ko. Huli na lang din nang napansin ko na nanginginig na pala ako at naihi na sa pang ibaba ko.

Muli kong narinig si Liza, “Akala mo ba papatayin kita? Relax, hindi ako ganoong tao. Kakagaling ko lang sa break up, pero hindi pa ganoon kasama na mawawalan ng matinong pag-iisip para basta na lang magresulta sa pagpaslang ng tao na hindi pa ako pinakitaan ng masama. Pero sinusundan lamang ako ng palihim. Ngayon na wala ka nang maaring mapagtaguan pa, huwag ka nang mahiya. Ipakita mo na ang magandang mukha mo. Promise hindi ako mangangagat.”

Dahil sa wala na ring dahilan pa para ikubli ang sarili at baka ano pa ang gawin sa akin ni Liza kapag pinaghantay ko siyang nang matagal, nangignig man ang kalamnan dahil sa takot ay sinikap ko pa ring maintindig ang sarili. Inalis ko na rin ang tela na nakabalot sa akin para makita na niya talaga ako.

Mula sablan kong pagtitig sa akin ni Liza, agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino pala ang sumusundod sa kanya nang palihim.

“Li-Liza,” nanginginig ang boses na wika.

“R-Red!” naging tugon ni Liza. Kung babasehan ang tono niya ay mababakas mo rin sa kanya ang pagkagulat.

“Papaanong…”

“Ang bilis ng mga pangyayari. Liz,” wika ko. Na-compose ko rin ang sarili na labanan ang panginginig at nakapagsalita nang tuwid.

“Muntikan na kitang mapaslang!” tugon niya. Kahit na papalalim na ang gabi at mahirap nang makakita ay alam ko na naluluha na kasalukuyan si Liza.

“Alam ko, pero hindi naman nangyari.”

Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na hindi big deal sa akin ang ginawa niya.

“Hindi. Hindi tama ang ginawa ko.”

Tugon ko naman, “At hindi rin tama ang ginawa ko. Nagmukha akong stalker sa iyo na may binabalak na gawin sa iyong masama. Pasensya.”

“No, Red, ang ginawa ko ay hindi tama. Nagpadala ako sa emosyon ko."

“At kasalanan ko rin kung bakit ganoon ka.”

“Hindi, hindi tama ito. Pasensya na talaga Red. Hindi na mauulit.”

Mula sa pagkakaharap sa akin ay tumalikod na si Liza at nagsimulang tumakbo.

“Saan ka pupunta?” pasigaw na tanong ko.

“Kahit saan. Huwag ka nang sumunod. Umuwi ka na at hindi mo na ako makikitang muli!”

“Pero.”

Napakabilis ni Liza tumakbo at agad na siyang nawala sa paningin ko pero bago siya nawala ay parang nakita ko na pumulupot sa leeg niya si Fabgrace na paramg scarf. Pero baka guni-guni ko lang iyon.
Naiwan akong nakatayo sa kinaroroonan at nalilito sa kung gaano kabilis ang mga pangyayari. Tama ba ang lahat ng mga nangyari?
Parang ang bilis. Imbes na malinawan parang lalo pang lumabo. Talaga ngang puno ng misteryu ang buhay na ito. Ngayon, ang babaeng natutunan kong mahalin ay hindi ko rin pala talagang kilala.

Author's Note:

Sorry for the very long update. Nabusy lang sa buhay. Hope you could stick to my books kahit na inconsistent qng update schedule ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alter World Series 1: The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon