CHRISTIAN ACE."Hatid na kita sa bahay niyo." Sumimangot siya sakin. Nawala na yung gana kong maglakwatsa.
"6 pm ang curfew ko, and 4 pm palang. Mamaya pa ang uwi nina ate at kuya."
"Then let's stay in your home. Don't worry na okay?" I kissed her forehead tapos diniretso ko na sa bahay nina Zoe.
Agad akong bumaba para mapagbuksan ko si Zoe. Shit nakalimutan ko sa bahay yung mga chocolates. Dibale bukas ko nalang iaabot.
"Kuya paki pasok ng kotse ni Ace sa garahe." Tumango naman yung bodyguard nila kaya inabot ko nalang yung susi.
"Miss Zoe, ipinapabigay po sayo." Yan yung paper bag na dala nung burn nayun ah.
"P-pano na punta yan dito?"
"Hinatid yan dito ng kaibigan mo hija" sagot naman ng manang ni Baby. Hm naghahanap talaga ng away yang lalaking yan.
"Anong nasa loob? Patingin." Agad kong kinuha ang paper bag at sinilip ang nasa loob. Libro? Pagkain? Shit mas kaya ko pa atang bumili ng mas mahal at mas madami dito ah.
"Wattpad books!!!" Kumislap naman agad ang mata ni Zoe ng makita ang nasa loob nito well I guess kailangan kong magshopping mamaya. Tsk.
"Oh kunin mo na."
"Ayoko." Sumimangot siya sakin. Makikita mo mamaya bibilhan kita ng sandamakmak na libro.
"Kunin mo na hindi ako galit. Saka hindi mo naman pwedeng itapon yan e."
"Promise?"
"Oo nga, pero alisin mo yang mga pagkain at ibigay mo sa mga maids. Ayokong makitang kinakain mo yan. Baka kay gayuma yan at maakit ka pa." Agad naman niyang ginawa ang sinabi ko.
"Good. Uwi na ako." Sinungaling. White lies to.
"Galit ka e. Baby naman sorry na." Kiss.
"Tsk hindi nga ako galit. Uuwi na ako kakausapin ko pa si mama."
"Sige."
"Kiss ko?" Namula naman siya sa sinabi hay nako ang cute talaga. Baka sunggaban ko to bigla.
"H-ha?"
"Oh sige galit ako."
"May mga maids e——" yun lang naman ang problema. Tara sa labas.
"Ayan, uuwi na ako baby."
Hindi ko inexpect ang sumunod na nangyari. Halikan ba naman ang na akala mo lollipop yung bibig ko, sinong aayaw?
I kissed her back. Passionately with love. That's why I love this girl, she knows how to appreciate little things.
"Ayan tama na yan baka mabuntis kita." I joked. Namula naman siya kaya hinawakan ko ang baba niya.
"Always remember this, kahit ilang babae pa ang umakit sakin. Sayo't sayo parin ako magpapaakit naiintindihan mo?" I kissed her lips. Smack lang. Baka mangyari pa ulit yung kanina e. Di ako makapagpigil e
"Yes boss"
"At kung may umakit naman sayong ibang lalake anong gagawin mo?"
BINABASA MO ANG
The school heartthrob is Inlove with me
Non-FictionZoe Kyline Cruz, is typically a morena girl. She was admired by a couple of guys, but her attention was derived to his childhood friend Christian Ace Dela Vega. After a months in Salazar University, the highschool heartthrob, Christian. courted her...