"Ay bes ang rupok mo promise!" Saad ni Sofia sakin habang inaamoy amoy yung rosas na binigay ni Christian kanina."Hindi naman masyado ih" sinandal ko ang ulo ko sa kahoy habang nakatingin sa kaibigan ko
"Anong hindi naman masyado ka diyan! Same parin yun marupok ka parin"
"Saan banda?" Tinaasan ko siya ng kilay
"Kahit saan banda tignan marupok na marupok ka parin!!" Sigaw ni Sofia sakin.
"Putangina ka naman! Parang hindi ka marupok ha!" Pabalik na sigaw ko sa kaibigan
"Ang pinagkaiba natin, marupok ka at may jowa, ako walang jowa!"
"Pero marupok!"
"Paano mo ako matatawag na marupok e wala naman akong kalandian? Wala namang sumusuyo suyo sakin sa tuwing nang-aaway ako" Mahabang explanasyon niya sakin
"Edi hindi ka marupok! Bahala ka nga sa buhay mo" pumikit ako kaya kinalabit na naman ako ni Sofia
"Galit ka naman agad friend! Sorry na."
"hindi ako galit gaga! Bati na tayo"
"Oh tignan mo marupok ka talaga siz!" Tatamaan talaga sakin tong babaeng to!
Christian the halimaw calling...
(Binibini saan ka?)
"Hanapin mo ako sa ilalim ng mesa baka naroon ako"
(Luh ano na naman ang ginawa ko binibini?)
"Tanungin mo kaya ang langit baka sakaling sasagutin ka"
(Ngi! Sige na nga kita nalang tayo mamaya. Palamigin mo muna yang ulo mo baka sakin na naman babagsak yang galit mo. Hirap mo pa naman suyo-in)
"Edi bye!"
Call ended...
"Hala ka friend LQ na naman? Kani-kanina lang kayo nagbati tapos heto na naman?"
"Kasalanan mo to! Kung hindi mo ako inasar hindi ako mabubwiset"
"Anong ako? Bakit parang kasalanan ko?——Choz lang hindi ako artista e pero galing ko talagang umarte tsk" matatawa na sana ako pero naisip ko na baka sabihan na naman ako ng marupok nitong impaktang to
"Bahala kana diyan! Uwi na ako" hindi ko na hinintay ang sagot ni Sofia. Agad agad akong tumayo at kinuha ang susi ni Kyace.
Kuys Gino calling.....
(Saan ka?)
"Pauwi na bakit?"
(Sunod ka dito sa malapit na mall, nandito kami ni Shaneen)
"Sige, text nalang kita kuya"
Call ended..
Aysh naiirita ako! Nasaan na kaya si Christian? Aysh nabubwiset ako! matawagan ko na nga.
"Hello, kita tayo sa malapit na mall"
(Okay kana baby ko?)
BINABASA MO ANG
The school heartthrob is Inlove with me
Literatura faktuZoe Kyline Cruz, is typically a morena girl. She was admired by a couple of guys, but her attention was derived to his childhood friend Christian Ace Dela Vega. After a months in Salazar University, the highschool heartthrob, Christian. courted her...