Burn"Burn, magmove on kana lang. May jowa na si Zoe" sabi ni Travis
"Hindi pa sila kasal" nakakainis bakit kasi kinaibigan ko pa to?
"Knowing na ang reason ng pagkakick-out mo ay ang jowa niya." Christian Ace.
"And that's the real reason kung bakit kailangan ko ng magmove."
"Anong maitutulong ko?"
"Wala. Since may gusto naman ang step sister ko kay Christian, may chance ako kay Zoe."
"Tol! Andito na si Alexis." Ang baklang alexis tsk lampa.
"Anong kailangan niyo sakin? Kidnap ba to? Rape? Heeeelp!" Ang ingay!
"Ulol! Walang mangrerape sayo dito. May kailangan kami sayo." Tumingin sakin si Travis senyales na kailangan ko ng kunin ang kailangan ko sa baklang to.
"Ibigay mo sakin ang number ni Zoe" fuck nahihiya ako, ano kaya sasabihin ko kay Zoe?
"Shutanginams! Pati ba naman ikaw? Wait sandali kilala kita ha!"
"Anong pati ba naman ako?"
"May humingi din ng number ni Zoe sakin. Burn? Burn diba?" Shit. Baka magsabi pa to!
"Sino yung walanghiyang humingi ng number ni zoe?"
"Sandali—— pwede ba bitawan mo muna ang skin ko! Ang rough ng hands mo ha" inis na sabi niya kay James.
"Hoy bakla! sasabihin mo ba sakin o gusto mong maging lalaki ulit?"
"Si Phoenix! Si Phoenix yung humingi ng number ni Zoe. At pwede ba pakawalan niyo na ako. Ang hot dito sa bodega na to ha." Phoenix Roa? Puta ang dami kong karibal.
"Number."
"Number ko? Sorry——"
"Isa!"
"Heto na, heto na. Bwiset"
"Dapat walang makakarating na chismis kay Zoe na humingi ako ng number niya naiintindihan mo ba ako bakla?"
"Yes papa, Can I go now?" Sinenyasan ko sina Travis na pakawalan na yung bakla.
Ngayon nakuha ko na ang matagal ko ng inaasam asam. Humanda kana Christian Ace dahil nagsisimula na ako.
"Boss, heto na po ang pinabili niyo." Tinignan ko ang inabot ng bodyguard ko, paborito ito lahat ni Zoe.
"Ihanda mo ang kotse ko. May pupuntahan ako." Mabilis na tumango ang bodyguard ko at lumabas na ng bodega.
"Aalis kana agad tol? Inum muna tayo."
"May lakad ako Travis, bukas nalang."
Itetext ko nalang si Zoe mamaya. Saktong sakto walang pasok ngayon haha.
Napatingin ako paper bag na pinabili ko kanina kay Barok. Wattpad books. Foods. Phone cases. Yan ang gusto ko mahal ko e.
Pagkarating ko sa Village nila ay hindi ako pinapasok nung guard. Kaya tinext ko nalang si Zoe. Kaexcite e first time kami maguusap ng mahal ko.
"Sir, bawal pong pumasok pag hindi kayo taga rito. Mas mabuti pa pong tawagan niyo nalang po muna ang bibisitahin niyo para makapasok kayo."
To: Mahal ko
Can we talk? I'm here at your village.Hays napakatorpe ko walangya!
Maya't maya pa ay dumating na ang mahal ko, pinagpapawisan ako tangina.
"Ahm excuse me? Ikaw ba yung nagtext sakin?" Ang ganda niya sa malapitan syet.
"Zoe Kyline Cruz." Matameme ka sa kagwapuhan ko bebe!
"Ehem. Sino ka kuya? Paano mo ako nakilala?" Ouch! Kuya-Zone tayo.
"I am glad na nagkausap na tayo, I've been waiting for this for so long" syet ano ba dapat sabihin ko?
"P-po?"
"Magkaage lang tayo ano ba, by the way I'm burn castillo"
"B-burn?" Hindi nga niya ako kilala.
"Baka nagkakamali kalang kuya, tsaka pano niyo po nakuha yung number ko?" kay Alexis Zoe kay Alexis.
"Matagal na kitang kilala Zoe, magschoolmate tayo last year but nakick-out ako kaya sa ibang school ako ngayon" ng dahil sa jowa mo.
"Ah kuya, mauna po ako ha" at bigla naman akong nagpanic. Boring ba akong kausap?
"Zoe—— wait" agad kong naaalis yung kamay ko sa braso niya dahil mukhang natakot siya. Ang cute niya
"May kailangan ka pa?"
"I just want to give you this." Kukunin niya na sana ng biglang may nagsalita kaya sabay kaming napatingin sa lalaking dumating.
"Hindi kukunin yan ni Zoe" agad niyang nilagay sa likod niya ang mahal ko. Gusto ata to ng away.
"Halimaw."
"Sino siya Zoe?" Tanong ni Christian Ace na nasa akin parin ang tingin. Hinahamon ata ako neto.
"I am Burn. Burn Castillo" anong akala niya makikipagkamay ako sa kanya?
"Burn Castillo? Why are you talking to my girl?" My girl. Ouch baka masuntok ko to bigla.
"I like her bro." Ayan nakapagtapat ka tuloy bigla.
"Y-you what?"
"I like her."
"She's my girl, better back off"
"Hindi pa kayo kasal. Better take care of her bro. Baka maagaw lagot ka. Bye zoe, see you around" shit yung paper bag nasa kamay ko pa. Ihahatid ko nalang sa bahay nila. Mukhang may lakad pa sila ni Ace e.
*ding dong* *ding dong*
"Sino po sila?" Hala.
"Kaibigan po ako ni Zoe. Pwede pong pakiabot po ito sa kanya."
"Sige, pumasok ka muna hijo. Pero wala dito si Zoe e."
"Okay lang po. Pakiabot nalang po iyan sa kaniya salamat po. Tuloy na po ako"
Humanda kana Christian Ace. Magsisimula palang ako. Baka mamaya iiyak ka HAHA
BINABASA MO ANG
The school heartthrob is Inlove with me
Non-FictionZoe Kyline Cruz, is typically a morena girl. She was admired by a couple of guys, but her attention was derived to his childhood friend Christian Ace Dela Vega. After a months in Salazar University, the highschool heartthrob, Christian. courted her...