Kabanata 24: Issue

528 27 0
                                    




Nagising nalang ako sa tawag ni Sofia. Nandito na ulit kami sa Cebu kagabi dumating din kami kaya nakapagpahinga naman ako ng maayos.

"Kailangan mo Corpuz"

(Naku bes! Papasok kaba ngayon? Punta ako diyan sa bahay niyo ngayon na!)

"Wala ba kayong pang gas para makisabay kana naman samin?"

(Gaga neto! Namiss lang kita ulul)

"Sige na maliligo na ako punta kana dito"

Call ended....

7:00 na ng umaga kaya naligo na ako agad dahil 8 yung pasok ko mahirap na kung malilate tayo.

Pagkatapos kung maghanda ay nagbaon nalang ako ng almusal para hindi ako malate nasa baba na kasi si Sofia e.


"Oh my ghaaaad bes namiss kita" niyakap ako ni Sofia HAHA excited lang to sa pasalubong

"Nasa bag yung pasalubong mo gaga alam ko na yang mga katarantaduhan mo Sofia"

"Ay ang harsh, may Christian ba dito?"

"Ulol!"


"Ate papasok na kami ha malalate na kasi kami e"

"Nagalmusal kaba?"

"Hindi. Pero nagbaon ako ng mga pagkain"

"Hi Kuya Kit" bati ni Sofia kay Kuya na mukhang kagigising lang. Tinanguan lang siya ni Kuya saka uminom ng tubig HAHA

"Ay ang sungit"


"Kuya Rick pakihatid sina Zoe" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni kuya kita ano daw?!

"Eh?"

"Wag kanang madaming satsat pumasok kana dun"

"Pero kuya—"

"Susunduin ko kayo mamaya magmo-mall tayo"

Umandar na ang Van namin at tinignan ko si Sofia na hawak hawak parin ang bag ko. Nasa loob rin kasi ng locker ko ang mga notebooks ko tapos pagkain lang laman niyan.


"Naku bes maloloka ka sa balita ko pero bago ko yun sasabihin sayo tatanungin muna kita pero dapat sasagutin mo ako ng walang kasinungalingan"

"Tsk ano ba yun?" Naiinis na ako sa babaeng to masyadong chismosa

"Buntis kaba?" Tanong niya na nagpalaki ng mata ko.

"Bwiset ka Sofia malamang hindi"

"Sabi ko na nga ba malilintikan talaga sakin ang Santiago na yun"

"Ano na naman ba ang ginawa nun? Ikaw Sofia ha ikaw talaga ang malilintikan sakin"

"Sorry lang kase bes ikaw kase ang sungit sungit mo kaya hindi ko maiwasang macurious"

"Macurious mo mukha mo! Malamang kulang ako sa tulog"

"Pero seryoso bes heto kasing si Maddie—" napatigil sa pagkukwento si Sofia ng magsalita si kuya rick

"Maam andito na po tayo"

"Mamaya mo nalang ituloy, lets go"

Pagkapasok ko sa loob ng campus ay hindi maganda ang bumungad sakin, hindi talaga maganda ang kutob ko e kasi ang daming nagbubulungan tapos sakin pa nakatangin.

The school heartthrob is Inlove with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon