PR0LOGUE

195 84 6
                                    

"Will you marry me Jade.."   pagpo-propose ni Alvin sa dalaga habang hawak hawak ang isang kahon na naglalaman ng singsing.

Natutop ng dalaga ang bibig dahil sa gulat at pinaghalo halong emosyon na nararamdaman sa proposal na iyon ng katipan.

"Yes, Alvin."  masayang sagot ni Jade  habang tumatango at inalalayan niyang tumayo ang binata at agad niyakap ang nobyo sa sobrang kagalakan.

"Mamamanhikan na ako sa inyo bukas ng gabi."  nakangiting saad ni Alvin habang hinahalikan nito ang noo ni Jade na hindi bumibitaw sa pagka-kayapos.

"Talaga? Ang bilis naman yata Alvin?"  excited at masayang tanong ni Jade sa katipan.

"Doon din naman tayo pupunta kaya wag na natin itong patagalin pa."  paglalambing ng binata  sa katipan habang titig na titig  sa mukha ng dalaga.

"Pumasok kana sa loob ng bahay niyo at mauuna na ako. May kailangan pa kasi akong i-discuss kay Toni regarding sa projects namin. Tawagan kita mamaya."  habang akap-akap  niya si Jade.

"Okay mag-iingat ka."  ani Jade na kumalas sa pagka-kayakap ng nobyo at humarap habang magkadaupang palad ang kanilang dalawang kamay.

"Opo, soon to be Mrs. San Dieg0!"  at hinalikan ni Alvin ang tungki ng ilong ng dalaga saka tuluyan ng umalis.

Sa sobrang pagmamahal  ko kay Alvin ay pumayag  ako sa  proposal niya. Ako na yata ang pinaka masayang babae sa buong Universe. Piling ko wala ng mas sasaya sa nararamdaman ko ngayon.

Umuwi muna sa mansyon si Alvin para kunin ang mga papers na kailangan niya para sa projects.

Nasa sala si Belle sa loob ng mansyon ng biglang dumating si Ashley.

"Hi, Tita Bell!" bati ni Ashley at nakipag beso sa tiyahin ni Alvin.

"Hello sayo Ashley, maupo ka sa tabi ko at may mahalaga akong sasabihin saiyo."  saad ng ginang.

"Thank you tita."  ani Ashley at iniikot ang paningin sa loob ng mansyon na parang may hinahanap bago naupo sa tabi ng ginang.

"Bilis bilisan mo ang pagkilos Ashley, kung ayaw mong maunahan ka ng iba sa taong mahal mo."  makahulugang saad ni Belle sa dalaga .

"I know Tita, hindi ako susuko na mapasa'akin ng tuluyan si Alvin." nakangising turan ni Ashley.

"Dapat lang! Dahil hindi ako papayag na kung kanino lang mapunta ang pamangkin ko."  ma awtoridad na saad ng ginang.

Nabungaran ng binata sa mansiyon  ang tiyahin na kausap nito si Ashley sa sala. Ang babaeng pilit na gusto ng tita niya na pakasalan niya.

"Hey Alvin! Nagawa mo na ba ang ini-uutos ko sayo na hiwalayan mo na ang babaeng hampas lupang iyon?!" ani Belle na hindi tumatayo sa pagkakaupo sa sofa.

"Tita, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko hihiwalayan si Jade! Tigil tigilan mo na ang pangingialam sa relasyon namin please lang. "  ani Alvin sa mabiritonong tinig.

"Ano bang nagustuhan mo sa babaeng iyon, ha?! Isa siyang dukha, ni walang mapagmamalaki sa buhay! Sige nga paano mo maiihaharap ang babaeng iyon sa buong angkan natin Alvin?!" sarkastikang saad ni Belle sa pamangkin na ngayon ay nakatayo na dahil sa galit.

"Tita wala akong paki-alam sa sasabihin ng  iba. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ko si Jade. At nakapag-deside na ako. Papakasalan ko siya kahit wala pa ang suporta mag mula sainyo! That's it!" na agad ding umalis ang binata pagkasabi ng mga katagang iyon.

Naiwang tigalgal ang tiyahin niya maging si Ashley sa mga agarang desisyon ng binata.

Nakahiga na si Jade sa kama para magpahinga ng tumunog ang cellphone nito.

Unkown number,

Si Angel to pwede ka bang pumunta sa bahay ngayon? May sasabihin lang ako.

Nagtaka si Jade dahil unknown number lang ang nakarehistro doon. Kilala niya si Angel hindi iyon basta basta nagpapalit ng sim card. At higit sa lahat hindi nagpapapunta ng barkada si Angel sa bahay nila dahil na rin sa tiyahin niyang  ubod ng matapobre. Ipinag-sawalang bahala na lamang ng dalaga ang  bagay na iyon. Nagpaalam ako sa Nanay na aalis muna ako saglit at tinungo ko agad ang bahay ni Ate Ana.

"Ate Ana pwede mo ba akong samahan, please?"  pagmamaka-awa ni Jade.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Ana.

"Kay Angel. Nagtext siya na may sasabihin daw sa'akin at pinapupunta niya ako sa mansiyon nila." paliwanag ni Jade.

"Ahh, pero bakit kailangan ka pang papuntahin sa mansiyon?  Pwede namang itext na lang kung anong gusto niyang sabihin? "

"Hindi ko din alam." ani Jade

"Tara puntahan na nga natin yang babaeng iyon." saad ni Ana at nauna ng naglakad.

Sumunod naman sa paglalakad si Jade. Malapit lang naman sa kanila ang subdivision na kinaroroonan ng mansiyon nila Angel.

Nasa labas na sila ng mansiyon at nagdoorbell. Pinagbuksan sila ng gate ni Manang Cely. Habang naglalakad papasok sa labas ng mansiyon ay nakarinig sila ng malalakas na sigaw na waring galit na galit.

"Lumayas ka na dito sa bahay ko Angel! Pareho kayo ng kuya mo!" galit na bulyaw ni Belle na tiyahin ni Angel at Alvin habang bitbit nito ang mga damit ni Angel at pinaghahagis sa sahig.

"Tita ano ka ba?" ani Angel at pinagkukuha ang mga pinagtatapon na damit sa sahig ng kanyang tita.

"Kakampihan mo pa ang kuya mo?! Gusto mong magpakasal ang kuya Alvin mo sa Jade na iyon?  Pwes, lumayas ka dito at doon ka tumira sa kaibigan mong dukha! Palibhasa mukhang pera ang pamilyang iyon! Kaya gusto niyang pakasalan ang kuya mo! Pinikot niya siguro kayong dalawa! Mga salot sila sa lipunan! Hindi ko maaatim na makuha ng pulubing babaeng iyon ang apelyido natin!"  pagbibitaw ng maaanghang na salita ni Belle.

Natigilan sa paglalakad si Jade. Pilit niyang pinipigilan ang luhang gustong pumatak dahil sa sakit na nararamdaman. Rinig na rinig niya ang mga sinabi ng tita ni Alvin tungkol sa kanya maging sa pamilya niya. Sobrang liit lamang ng tingin ng tita ni Alvin sa isang tulad niya na mahirap lang. Hindi namalayan  ni Jade na tumulo na pala ang luhang kanina pa gustong lumabas dahil sa mga masasakit na narinig mula sa tita ni Alvin.

Tsaka niya napagtantong may kasama nga pala siyang pumunta sa mansiyon na iyon. Nilingon ni Jade si Ana sa kanyang tabi. Kitang kita niya sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan na malaki ang awa nito sakanya  dahil sa mga narinig. Akmang hahawakan sana ni Ana si Jade para aluhin at damayan sa sakit na nararamdaman nito. Sa halip na tanggapin niya iyon ay tumakbo siya ng mabilis palabas sa mansiyon na iyon.




My Bestfriend Is My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon