Hindi ako makatulog ngayon, pagulong gulong lamang ako sa kama. Hindi maalis sa isip ko ang gabing nagtapat si Alvin ng kanyang nararamdaman sa Tagaytay kung saan naroon kami sa resort ng kanyang tita.
FLASHBACK
"Hindi ko na itutuloy ang panliligaw sa kanya. Nasabi ko na rin kay Rona na meron akong ibang mahal hindi kagaya ng pag-kagusto ko sakanya. Dahil iba talaga ang nararamdaman ko para sa babaeng iyon. Gusto ko araw-araw siyang nakikita. Binago niya ako Jade."
"Sino naman ang napaka swerteng babaeng iyon Alvin? " irita kong tanong.
(Ano ba yan, meron nanaman akong karibal sa puso mo? Hindi pa nga ako nakakarekober kay Rona meron ka na namang iba. Wala ka ng ibang ginawa kundi pasakitan ang puso ko, tumigil ka na magsalita Alvin! please lang... )
Hindi makasagot agad si Alvin sa tanong na iyon ni Jade .
"Hoy! Alvin sino nga? inis kong tanong.
"Ikaw iyon Jade."
"Ha? ano? lasing ka lang Alvin, umayos ka nga! "
"Hindi ako nagbibiro Jade, ikaw ang babaeng tinutukoy ko."
Ikaw iyon Jade...
Ikaw iyon Jade....
Ikaw iyon Jade........
END OF FLASHBACK
Paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mga sinabing iyon ni Alvin noong gabi sa Tagaytay sa resort ng tita niya.
"Anong sabi ni Alvin? Ako raw iyong babaeng mahal niya? paano nangyaring ako?"
"Ayiiiiiee !! Kilig kong tili.
"Hindi nga ako ba talaga? " habang yapos ko ang aking unan."Baka nabingi lang ako? Baka naman nag iimagine lang ako ? "
"Cinderella wake up! Gumising kana sa panaginip mo! Aghh.." at sinampal ko ang aking kanang pisngi.
"Ouch, masakit. Totoo nga talaga." habang hinihimas ko ang nasampal kong pisngi.
"AAAAAHHHHHH !!! Ayaw ko na mag-isip kilala ko si Alvin. Isa siyang hastler sa pambababae.
Naging saksi ang aking mga mata kung ilang babae na ba ang humabol at napaluha niya. At isa pa hindi rin kami bagay sa kadahilanang may kaya ang kanilang pamilya. Hindi kagaya samin na mahirap lamang.
Kilala rin na matapobre ang buong angkan ni Alvin. Kaya walang dahilan para sundin ko ang tinitibok ng puso ko. Nararamdam ko na masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa itong nararamdaman ko para sa kanya.
Advance kasi ako magisip mga beshy!Nakakalungkot mang isipin pero iyon talaga ang realidad. Sigh
"Tama nga tiyaka lasing lang noon si Alvin kaya kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi. Malamang hindi niya na maaalala iyong gabing nagtapat siya."
Nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip kay Alvin.
Tok..tok..tok..
Katok sa pintuan ang gumising sa akin."Anak gising na, nakahanda na ang almusal , bumangon kana at sumunod na sa ibaba."
"Opo Nay,"
Niligpit ko muna ang aking higaan bago sumunod kay Nanay sa ibaba.
"Good morning sa inyo,"
Tumabi na ako sa mga kapatid ko sa hapag at sumabay na kumain."Jane sumabay ka na mamaya kay Jerick pag pasok ng school. Bagong driver ng Tatay mo simula ngayon siya na ang mamamasada ng tricycle ng Tatay ninyo."
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...