"Miss Jade, may nagpapabigay po nitong chocolates sayo." ani Tonya baklang katrabaho ni Jade.
"Ha? sino daw?" takang tanong ko habang nakatingin sa tsokolate.
"Hindi nagpakilala e basta pinaabot lang sa akin doon sa counter. Mukhang secret admirer mo girl, hihihi iba na talaga ang maganda ha."
"Aysus maliit na bagay, charooot! Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya."
"Kaya nga girl, may itsura pa naman siya kaso bakit hindi siya ang mismo nag abot saiyo niyan? Natotorpe yata kapag kaharap ka sisteret hihihi."
"Oo nga pala sis sasama ka ba sa outing?" pag-iiba ko ng usapan namin ni bakla.
"Ay Oo teh sasama ako no! Subic iyon teh no? maraming papa doon e! Makakakita ako don ng mga pandesal sis!" kinikilig na tili ni Tonya.
Naiiling naman ako habang natatawa sa naging reaksyon ng katrabaho kong bakla na tinuring ko na rin na kaibigan. Sa totoo lang masarap kasama at kausap ang mga bakla,magaan silang kasama.
"Hoy sis natahimik ka diyan? Huwag mong sabihin na hindi ka sasama? Bayad iyon teh no regular day din ang bayad non?"
"Sasama ako bayad e. Alam mo naman ang lola mo basta may sahod need pasukan. Para sa ekonomiya charot! Hihihi."
"True yan teh tumpak ganern!"
"Kasama din daw doon iyong anak ni Mam Estella iyong gwapo? Ano ngang pangalan noon? hmm-mm- ....habang nakaturo sa sentido na waring nagiisip. Alex ! oo iyon nga Alex."
"Ah okay."
tipid kong sagot hindi ko naman kasi nakita iyong anak ng amo namin na sinasabi nila kaya wala ako paki-alam doon."Girl ang gwapo non ni sir, kapag nakita mo iyon laglag panty ka teh! Sinasabi ko sayo."
Tumango-tango na lang ako kay Tonya habang nagliligpit na ng mga gamit dahil maya maya ay out na namin sa company.
"Sis tara? sabay na tayo umuwi." yakag sa akin ni Tonya.
"Sige sis sabay na ako."
Lumabas na kami ng company at nag antay na ng masasakyang tricycle.
"Naandito na po ako. Magandang gabi po nay at tay." habang nag bless sa parents ko.
"Kaawaan ka ng diyos anak."
"Nay, Tay meron po kaming outing nextweek. Bayad naman po iyon ng company, dalawang araw po kami doon."
"Ha? saan iyon anak? "
"Sa Subic po."
"Ah, mag-iingat ka doon anak ha at dagat iyon? sumama ka sa karamihan baka mapano ka."
"Opo Nay."
Pagkatapos kumain ng hapunan ay lumabas muna ako ng bahay. Para puntahan at tulungan sila ate Ana at Alvin. Na nadaanan ko sa labasan kanina pag-uwi.
Mag-iisang buwan na naming tinutulungan si Alvin sa panliligaw niya kay Rona. Minsan daw ay lumalabas na sila ni Rona ng palihim.
"Akala ko ay hindi ka na babalik dito." pagbibiro ni ate Ana sa akin.
"Pwede ba naman iyon e nangako ako na tutulong dito kay Alvin na manligaw kay Rona."
(yung totoo girl? iyon nga lang ba talaga ang dahilan? baka naman meron ka lang talaga gustong makita?) Sabi ng kaliwa kong utak kinakalaban talaga ako tsk."Naku salamat talaga sainyong dalawa. Kaibigan ko nga talaga kayo." Alvin.
Katulad noong nakaraang linggo pinagsulat ako ulit ni Alvin ng love letter na para kay Rona. Habang si ate Ana naman ay taga isip din ng mga sasabihin sa letter na iyon.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...