JADE POV
5am pa lang ay nag prepare na ako ng mga dadalhin ko sa outing. Hindi na ako nakapag ayos ng gamit kagabi dahil sa sobrang antok at pagod na rin.
Pagtingin ko sa orasan ay mag aalasais na pala. 7am pa naman ang alis ng bus. Mag-iisang oras na rin pala akong nag-aayos ng dadalhin at hindi agad matapos tapos dahil sa pagrereply ko sa mga kasamahan ko sa trabaho at chat ni Tonya.
Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Pagkapaalam ko sa Nanay at Tatay ay dumeretso na ako sa waiting area kung saan nag-iintay ang bus na sasakyan namin.
"Baby girl dito!" agaw pansin na tawag sakin ni Tonya.
Napangiti naman ako ng nakita kong si Tonya ang tumatawag, hindi na kasi ako maghahanap kung nasaan sila.
"Sorry sis. Malamig pa naman dito sa labas. Matagal ka bang nagantay dito ?"
"Medyo lang sissy, may sampung minuto pa naman para mag intay ang bus. Dalawa na nga lang kayong hinihintay namin".
"Hala? talaga ba beshy? sino iyong isa?"
"Iyong anak ni Ma'am Estella."
"Tara ng maupo sa bus at malamig dito sa labas."
"Mabuti pa nga."
Doon kami naupo sa likod ng bus ni Tonya dahil iyon na lang ang bakante. Dahil sa unahan na bakanteng upuan naman ang anak ni Ma'am Estella daw ang uupo, tabi silang mag-ina.
Nang sa wakas ay dumating din ang inaantay namin na anak daw ni Ma'am Estella.
Umandar na ang bus na sinasakyan namin. Ang iingay namin sa bus halatang excited sa pupuntahan.
Masaya ang naging buong biyahe namin, at finally makakatungtong na rin ako sa Subic. May dalawang natupad na sa bucket list ko. Una sa Tagaytay, pangalawa ngayon sa Subic.
Ang sarap lang sa feeling na kahit papano meron ng natupad sa mga iyon. Bali tatlo na lang ang hindi ko pa napuntahan ang Vigan, Puerto Prinsesa at Paris.
"Nadito na daw tayo beshy tayo ng gumorang bumaba at tignan natin ang view." excited na turan ni Tonya na nauna ng tumayo para bumaba ng bus.
"Sige tara na." nakangiti kong pag sang ayon.
"Wait! May sinasabi si madam Estella." pagpigil ni Patricia sa amin ni Tonya.
Napatingin kaming tatlo sa gawi ni Madam para pakinggan kung may sinasabi nga ito.
"Guys, dalhin muna natin ang mga gamit natin sa tutuluyan natin dito sa Subic. Then after that pumunta na kayo kung san ninyo gusto pumunta. Okay lang po ba?"
Nakatingin ako kay Mam Estella habang nakikinig ako ng biglang naagaw ang aking pansin sa katabi nitong lalaki.
"Teka.. Parang pamilyar iyong lalaking iyon?" napalakas kong tanong ng hindi sinasadya.
"Ha? sinong lalaki? iyong katabi ni Ma!am Estella ba?" sunod-sunod na tanong ni Tonya sa'akin.
(Tama, siya iyong nakabungguan ko sa hallway.)
Na agad kong ikinalingon kay Tonya.
"Anak yan ni Madam Estella." sagot ni Patricia.
(Si stranger, siya pala ang anak ni Madam. Small world ha.)
"AHH.... siya pala ang anak ni Ma'am Estella." halos pabulong kong turan."Ay oo anak nga ni Madam Estella yan si Alex na kinukwento ko sayo Jade. Diba ang gwapo niya?" nakapameywang na tanong ni Tonya sa'akin.
"Alam mo bang pinagpapantasyahan namin yan nila Tonya si Sir Alex." kinikilig na sabat ni Pat.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...