CHAPTER 7

71 50 0
                                    

"Alam mo ba na itong lugar na ito ay nagpapa alala sa mga yumao kong magulang. Dito kami huling nagbonding na magkakasama ng nabubuhay pa sila. Namatay ang mga magulang ko sa car accident. Seven years old pa lang ako non, tandang-tanda ko pa. Pumupunta ako dito kapag may problema ako o kaya naman ay masaya. Noong namatay sila dito ako pumupunta kasi feeling ko buhay sila. Naiwan kami sa poder ng tita Belle ko siya ang nag-asikaso sa lahat ng naiwan ng parents namin, although may mga iniwan naman sila na mana sa'amin ni Angel na mga properties and company businesses kaya hindi kami nahirapan financially, Kulang pa rin dahil wala na ang kalinga nila sa musmos na edad namin." pagkukwento ni Alvin sa nakaraan niya.

"Pero look oh?  Hindi mo aakalain na nagkaroon ka ng ganyang problema dati. Kaya pala kapag nao-open namin sayo dati kung asan parents niyo ni Angel ay hindi ka umiimik."

"Oo, dahil ayokong isipin na patay na sila. Pero tanggap ko na ngayon na wala na sila."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Alvin na abala sa panonood sa dagat.

(May malungkot ka pa lang nakaraan Alvin. Siguro sobrang lungkot mo noon ng kinuha agad sainyo ang parents niyo ni God sa mura niyo pang edad.)

"Binigyan ko din ng space ang sarili ko noon na maka move on na. Kailangan ko maging matatag para sa nakababata kong kapatid. Nag-aral ako sa canada hanggang sa nakatapos ako ng kolehiyo at napag pasyahan kong bumalik na dito."

"Oo nga noong bumalik ka dito ganun ka pa rin hindi ka mayabang, medyo lang. Hindi mo kinalimutan kaming mga kaibigan mo."  pang-aasar ko sa kanya para naman mawala na ang lungkot na nararamdaman niya. Kasi kahit ako ay hindi makahinga.

"Hahaha. Salamat Jade sa pakikinig sa'akin ha. Pati sa pagsama mo sa akin dito. Namiss ko tong lugar na ito."

"No thanks, remember babayaran mo kaya ang oras ko. Kaya ako sumama dito." pang aasar ko ulit sa kanya.

"Hahaha I know. Pero honestly ikaw pa lang ang nakaka-alam ng place na to maliban kay Angel."

"Seryoso? Salamat sa pagtitiwala Alvin."

Kumakain kami ng junkfoods na binili ni Alvin kanina habang pinanonood ang pag lubog ng araw.

"Grabe ang ganda! Firstime ko makapunta sa ganitong lugar tas pinapanood ang paglubog ng araw."

"Mabuti naman kung nagustohan mo."

"Oo naman Alvin ang ganda ganda kaya dito tas bonus pa yung panonood ng sunset. Nagenjoy talaga ako."

Pagkalubog ng araw ay lumiwanag ang buong kapaligiran sa lighthouse tower na nagmumula sa ilaw nito.

"Woah!! ganito pala sa malapitan ng lighthouse tower! Maraming magagandang views!" patakbo kong nilapitan ang ilaw at parang bata na nagtatatalon sa tuwa na daig ko pa ang nabigyan ng kendi sa tuwa.

Napansin kong malaki ang pagkakangiti ni Alvin na nakamasid sa akin habang ako ay parang isang kulisap na walang ginawa kundi ang maglaro sa malakas na liwanag na nagmumula sa ilaw. Dahil sa sobra kung kasiyahan ay hinila ko siya malapit sa ilaw at doon ay nagsasasayaw ako at iginiya ko  siya na magsayaw. Hindi maampat ang saya namin na parang mga bata na ngayon lang pinayagan na makapag-laro. Nagsayaw kami ng sweet dance ni Alvin at Nagkatitigan kami habang bakas ang saya sa aming mga labi.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya.

"Habulin mo ako Alvin." sabay nagtatatakbo ako palayo sakanya.

"Anong premyo ko kapag nahabulan kita?"
narinig kong tanong niya at sinundan ako sa pagtakbo.

Naghabulan kami paikot sa ilaw. Nang mahahabulan niya na ako ay agad akong huminto.

"Tampers lang..." hingal kong sabi kay Alvin.

My Bestfriend Is My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon