Nanonood ng live news sa youtube si Alvin.
"Signal no.4 pala ngayon dito sa Tagaytay. Tama nga si ate Ana."
Hindi na ako nagsasalita kasi giniginaw na talaga ako basang-basa na ako sa lakas ng ulan na ito.Tumayo si Alvin at may tinawagan siya. Inalis niya ang jacket niya at pinasuot niya ito sa akin. Dalawang jacket na ang suot-suot ko ngayon. Pero ramdam ko pa rin ang lamig.
"Dito ka lang Jade at may kukunin lang ako sa sasakyan para hindi ka mabasa pagpunta doon at meron tayong tutuluyan dito sa Tagaytay."
"Ha? Iiwan mo ako dito? Ayokong maiwan dito magisa. Magdidilim na oh."
"Wag ka ng makulit look at you, para ka ng basang sisiw."
"Wala akong paki-alam basta sasama ako sa'yo kahit mabasa pa ako. Nakakatakot na dito mag-isa." pagmamatigas ko.
"Tigas talaga ng ulo mo, bahala ka nga."
"Takbo, lakad ang ginawa namin para mabilis kaming makarating sa parking area ng nadulas ako. Agad akong nilapitan ni Alvin para tulungan.
"Okay ka lang ba?!"
Kitang kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Basang-basa na kami pareho ng ulan.
"Okay lang ako Alvin." habang nanginginig kong sagot.
"Sinabi ko kasi sayo kanina na maiwan ka muna saglit sa cottage at kukuha ako sa sasakyan ng payong."
at bigla niya na akong binuhat mabuti at malapit na kami sa parking area.(Heto ako ngayon at tinititigan ang lalaking gumugulo sa puso't isipan ko habang ako ay karga ng kanyang mga matitipunong bisig. Napaka gandang lalaki pala talaga ni Alvin bat ngayon ko lang ito napagmasdan sa tagal naming magkaibigan?)
At sa wakas ay nakarating na rin kami sa sasakyan niya. Hinubad ko agad ang jacket na binigay niya dahil basa na talaga.
Habang hinuhubad ko din ang jacket na binili niya para sa akin ay napasulyap ako kay Alvin at nakita kong pinagmamasdan niya ako at huminto ang kanyang paningin sa dako ng aking dibdib. Na siya ko ding inalam kung ano ba ang kanyang tinitignan.
My gosh !! bakat na bakat at naaninag na pala ang panloob kong bra. Dahil white blouse ang suot ko samantalang ang kulay ng bra ko ay pula.
Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang aking hinaharap. Naramdaman kong nag-init ang aking mukha sa kahihiyan.
"Pwede mong isuot ang damit kong nakahanger sa likod. Bababa muna ako at mag bihis ka dito sa loob."
"Eh paano ka? Anong ibibihis mo? "
"Ayos lang ako," at Lumabas na nga ng sasakyan si Alvin.
Kinuha ko rin ang damit na sinasabi ni Alvin. Long sleeve na kulay sky blue.
Mabilis akong nag alis ng saplot na pang itaas at agad na nagbihis para makaalis na kami rito.
Kinatok ko ang wind shield hudyat na tapos na akong magpalit.
Pag bukas ng pinto ay napangangang nakatitig si Alvin sa akin.
"Bakit? panget ba? ang laki kasi ng longsleeve mo sa ak-- "
pinutol agad ni Alvin ang sasabihin ko."Okay lang, bagay sayo."
"Ang paa mo ba e masakit pa?" Habang nakatingin siya sa harap ng sasakyan at ini-start na ito.
Nakita kong namumula ang mga pisngi ni Alvin. At pinag-sawalang bahala ko na lamang iyon.
"Medyo masakit na lang." habang hinihilot ko ang aking sakong.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...