JADE POV"OO NGA PALA!!! bakit hindi ko agad naisip may exams nga pala ngayon !!"
Mabilis kong kinuha sa bag ang notes ko para magreview habang bumibyahe. Wala na akong paki alam kong pagtinginan ako ng mga tao sa loob ng jeep, hehe. Basta makapag review ako ngayon mahirap na ma-ZERO sa exam sayang ang effort ko sa pag-aaral kung babagsak din lang ako.
Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng school, kung hindi pa pumara ang estudyante na doon din pumapasok sa "Barretto National Highschool."
"Ay! manong para rin po!" at nagmadali na akong bumaba ng jeep.
Pagkapasok ko sa bulwagan ng school tinahak ko agad ang kinaroroonan ng classroom namin. Nasa malayo pa lang ako ay may tumatawag na sa akin.
"Jade! halika dali!!"
tawag ni Angel , at ng nakalapit sa akin ay hinigit niya ako sa loob ng classroom namin."Bakit ? anong atin binibini?" tanong ko sa makulit kong kaibigang si Angel.
"Guess what?!"
" Pasuspense ka beshy. Ano nga kasi iyon? bilisan mo ha at magrereview pa ako."
"Haler !! Heto na nga po ang nagbabagang balita, wala daw si sir Rodulf ngayon kaya hindi tuloy ang exam naten wala tayong first period ngayon, oh diba ang saya?" habang nakatutok ang kamay sa bibig na parang may hawak na mikropono na akala mo ay isang announcer.
"Uy,, yun ba ang sasabihin mo beshy?
Well, goodnews nga yan! May oras pa ako para makapag-review. Yes oh ngiting tagumpay nanaman yang mga ngiti mong yan Angel ha." pang-aasar ko.Napapokerface naman si Angel sa sinabi ko.
"Tara may bago akong mini videoke dito magkantahan tayo doon sa likod!" pag anyaya ni Angel.
"Wow! sige binyagan na naten yan! Ilalagay ko lang itong bag ko sa upuan ko." na agad ko ring tinungo ang kinororonan ng upuan ko.
Naghintay na lang kami sa susunod naming subject habang nagkakantahan sa bagong mini videoke ni Angel.
Lumipas ang ilang oras..
KKKKRRRRRRRRRRRR!!! tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na ako ay mauuna ng umuwi. Nagmamadali na akong umalis sa school. At dumeretso na ako ng bahay para magbihis ng uniform at papasok pa ako sa summer job ko.
"HEY! late ka nanaman," ani Patricia kasamahan kong crew sa canteen.
"Oo nga e bawi ako next time hehe."
"Makikisuyo sana ako sayo Jade kung pwede bang sa variety ka ngayon magduty, please..." pagmamakaawa ni Patricia.
"Bakit ? may problema ka ba Pat? " nag-aalala kong tanong.
"Wala naman, umiiwas lang ako kay Madam Estella ngayon kasi diba nasira ko iyong charger niya kahapon?" malungkot niyang turan.
"AHH.. kaya pala, sige sis ako ang tatao ngayon sa variety, kaya wag kana malungkot. Smile kana."
"Salamat talaga Jade.."
"No thanks sis. Sino pa bang magtutulungan dito kundi tayo-tayo lang." positibo kong sagot kay Pat.
Sa Variety nga ako nag duty. Napakaraming customers ang mga nakapila. Hindi kasi ako naka attend ng meeting kanina ni Ma'am Estella dahil late na ako nakapasok sa trabaho. Kaya heto hindi ko alam na dagsa ang customers namin ngayon. Dahil nagpablowout ang CEO ng kumpanya ng "Micro-Optics" dahil sa maganda daw ang Productivity ng mga manggagawa.
HAYS,, sobra ang pagod ko ngayong araw.l Masarap ang tulog ko nito mamaya.
"Guys, uuwi na ako mauuna na ko sainyo." paalam ko sa mga kasamahan ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...