"Anak may pasok ka ba ngayon sa trabaho mo holiday ngayon ah?" tanong ng ina ni Jade.
"Wala po Nay."
"Ah mainam na rin iyon at ng masamahan mo ako sa tindahan sa palengke mamayang gabi ng makapaningel ako. Hindi maaring sumama ang tatay mo at may nagpaservice sa kanya mamaya, sayang din ang kikitain ng tatay mo doon."
"Sige po Nay, sasamahan ko po kayo."
"Nay, sama po ako." sabat ng kapatid kong babae na si Jane. Pangatlo sa aming magkakapatid.
"Sa susunod ka na lang sumama anak at maglaba ka na lang bukas. Hayaan mong ate Jade mo na lamang ang sumama sa'akin." pahayag ng ina ni Jade habang nakatuon ang pansin sa ginagawang pananahi.
"Ganoon po ba, sige po Nay." matipid na sagot ni Jane.
"Lalabas lang po muna ako Nay, puntahan ko lang po si ate Ana." paalam ko.
"Sige lang, umuwi ka din agad."
Naglalakad na ako sa kantohan namin ng nakasalubong ko si Alvin, isa sa mga kaibigan ko.
"Hoy Jade! san tungo mo?" tanong ni Alvin.
"Jan lang kay ate Ana, tatanongin ko siya kung okay na ba yung mga kimona at gown na susuotin bukas sa Piyesta. Diba may palabas malapit sa simbahan bukas? Kami yung mga kakanta bukas ng gabi at kayo iyong mga sasayaw."
"Ah oo nga pala! Nakalimutan ko yun ah? Tara sama na ako papunta kina ate Ana. Baka makalimutan ko nanaman. Mag-eensayo din kami ng sayaw nina Marcos doon din kila ate Ana."
Nang may biglang tumawag sa pangalan ko, na kinalingon namin pareho ni Alvin.
"JADE!! Kanina ka pa hinahanap ni ate Ana gawa ng sukatin na daw naten yung ibang mga kimona at gown. Ikaw rin Alvin hinahanap ka rin ni Marcos at Richard hindi ka pa raw nageensayo kahit ni isang beses." tawag sa'amin ni jen, habang natatawa siya kay Alvin sa kanyang ipinahayag.
"Kaya nga, papunta na rin ako ngayon sa kanila. Sasabay na ako sainyo." Alvin.
"Okay, tara na." pag-anyaya ko sa dalawa.
Nakarating na kami sa bahay nila ate Ana. Sa sobrang ingay namin sa pagsusukat at pagpraktis ng sayaw ay nagagalit na ang tiyahin ni ate Ana. Ayaw daw ng tita niya ng magulo at maingay.
"Tssk, umuusok na naman ang ilong nitong tiyahin kung maganda. Galit nanaman parang armalayt ang bunganga." Paghihimotok ni ate Ana.
"Sa bahay na lang tayo guys kapag ganitong okasyon naman ay okay lang kay Nanay at Tatay kahit maingay tayo sa bahay." pag pi-prisinta ko.
"Yes, agree ako sayo girl." pagsang-ayon naman ni Jen.
"Tama mabait naman si tita. Si tito lang ang hindi hehehe. Para kasing dragon si tito." at sabay nag peace sign si Ariel sa'akin.
"Hahhahah sainyong kalalakihan lang naman medyo nagagalit si tito e, umaaligid daw kasi kayo saming mga anghel nila." pang aasar ni ate Ana sa mga kalalakihang tropa.
"Tara guys. Boys buhatin niyo na ang mga iyan." utos ni ate Ana.
"Wag na ate Ana, maraming tinahi ang Nanay doon sa bahay na pwede nating gamitin. Para talaga ang mga iyon sa ganitong mga okasyon. Pumili na lang kayo ng gusto ninyong suotin para bukas.."
"Yown naman pala e. Tara ng lumipat para hindi na magalit ang tita ni ate Ana, dahil sobrang ingay nga natin." natatawang turan ni Marcos.
"lets go guys." Pag-anyaya ni Angel at nauna na siyang naglakad palabas ng garahe nila ate Ana.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Destiny
RomanceMatagal na silang magkaibigan at nahulog sila sa isa't-isa. Naging hadlang sa pagmamahalan nila ang mga kamag-anak ni Alvin sobrang panlalait at pang aalipusta ang mga natamo ni Jade sa mga ito. Pati estado niya sa buhay ay pina mukha sa kanya. Ngun...