CHAPTER 3

101 68 5
                                    

ALVIN POV

"PUNTA TAYO NG VENUE SA LAGUNA." anyaya ng Engineer namin na si Melvin.

"Tamang tama gusto ko rin uminom ngayon."  ani Jim kasamahan ko sa trabaho.

Hindi ako makatanggi dahil si Engineer Melvin na ang nag anyaya.

"Wala akong dalang sasakyan ngayon, nagcommute lang ako pagpasok kanina." palusot ko.

"Hindi yan problema Alvin, anong ginagawa ng sasakyan ni Engineer Melvin?"  ani Toni at itinuro niya si Engineer Melvin sa gawi nito.

"No worries, kasya tayong apat sa kotse." sabat ni Engineer Melvin.

Natatawa na lang akong tumango dahil kahit kelan hindi ata ako makakalusot sa mga ito.

"Okay, then Let's go na! Nang makakuha na tayo ng chicks." biro ni Toni.

"Itong si Alvin ang magaling pagdating jan e, napaka easy lang sa kanya na makakuha ng babae."

"Hindi naman sa ganon. Sadya lang naaakit sila sa'akin dahil mabait ako."  pagsasabay ko sa pagbibiro ng tatlo.

"HAHAHA!!! mabait daw siya oh? Ulol !! Lokohin mo sarili mo Alvin! Huwag kami!  tatawa tawang turan ni Engineer Melvin.

Nagtawanan ang tatlo at pinagkaisahan pa nila akong pagtripan.

"Tara na nga! Ako naman ngayon ang gusto niyong pagtripan."  nauna na akong tumayo at naglakad palabas ng office baka hindi pa nila ako tigilan.

Sumunod naman ang tatlo sa'akin. Sumakay na kami sa kotse ni Engineer Melvin. Buti naman at hindi na nila ako pinagtripan sa biyahe. Alam din kasi nila na pikunin din ako. Pagpasok namin ng bar ay  umorder agad ng isang bucket na san miguel si Engineer Melvin.

"Wala bang magandang na pwedeng itable ngayon?" pabirong turan ni Toni.

"Marami jan." ani Engineer Melvin na tinungga ang alak sa bote.

"Hindi na kailangan ng maitatable. susungkit ako sa ibang table ng chicks." sabay kindat ni Alvin sa mga kasamahan at naglakad na papalayo.

"Wala yata akong matipohan ngayong babae dito sa bar ah," bulong ko sa sarili habang nagmamasid sa paligid.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng bar at pumasok ang isang grupo ng kababaihan ang ga-ganda nila at ang se-sexy pa.

(Pwede na to..) Napangiti ako sa naisip.
Nilapitan ko agad ang grupo na iyon. Tulad ng dati kong ginagawa gagamitin ko ulit ang angkin kong gandang lalaki. Para makakuha ng chicks.

" Hi Miss! Pwede bang magtanong?"

"Oo naman, ano ba iyon?" nakangiting sagot ni Trisha.

"Tatanungin ko sana kung single ka?" direktahang tanong ko.

"Oo single pa ako bakit? " nang-aakit na tanong ni Trisha habang titig na titig sa'akin.

Likas na sa Pagkatao ni Alvin na mabilis makakuha ng babae kung gugustuhin niya. Malakas ang  sex appeal niya dagdagan pa ng maganda niyang mukha na may mapupulang labi, matangos na ilong at mapupungay na mga mata. Ang katawan niyang batak sa mga mauumbok nitong muscles at abs. Perfect ideal man nga si Alvin na kalimitang kinahuhumalingan ng mga kababaihan.

"Parang hindi naman ako naniniwala na single ang gaya mo sa ganda mong iyan at ang sexy pa."  pang-uuto ko sa dalaga.

"Well single talaga ako. Ikaw ba may asawa na o single? " pasang tanong naman ni Trisha  at humakbang siya papalapit sa'akin. Pinadapo nito ang kanyang hintuturo sa aking dibdib  na labas sa suot kong  polo shirt na naka unbotton hanggang sa pangatlong butones at pinaikot-ikot nito ang daliri doon.

My Bestfriend Is My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon