1st Song - CRUSH <3

181 10 7
                                    

Ella’s POV

“Hoy Ella! Nakasimangot ka nanaman diyan?! Valentine’s day pa naman!” Sigaw nitong bestfriend kong matakaw na si Mara.

“Hindi ah! May naalala lang ako. To naman ok lang ako bessy.”

“Sus! Ok daw?! Eh sa mukha mo palang parang naaalala mo nanaman yung EX BOYPREN mo eh!”

“Kailangan ine-emphasize yung EX BOYFRIEND?!”

ASA naman maaalala ko yung sira ulong yun! Speaking of ex, its been 4 months since nagbreak kami ng boyfriend ko, ex ko na pala.

Nagbreak kami ni Louis nun kasi masyadong babaero eh. Malandi siya. Kung makaasta sa harap ng mga babae parang walang girlfriend! Minsan nga kahit magkasama kami tingin siya ng tingin sa iba eh. Nakakainis siya!

1 taon ko ding natiis yung relationship naming na ganun, pero one day napuno na ako. Para kasing di na niya ako pinapahalagahan. Nakita ko pa siyang may kausap na babae tapos parang ang saya saya nilang dalawa. Tawa siya ng tawa nun.

Sa sobrang selo--  este inis ko. Nakipagbreak ako sa kanya ng walang pakundangan.

*FLASHBACK*

“HAHAHAHA” Rinig ko pa yung malalandi nilang tawanan sa kalayuan! Nakakainis talaga tong Louis na to!

Nung papalapit na ko sa kanilang dalawa bigla nalang sila tumigil sa pagtawa at lumapit sa akin.

“A—ah E—ella Nandito ka pala.” Malamang eto nga oh nasa harap niyo. Psh. Medyo shunga din tong boypren ko eh >:|

“Baby Louis sino siya?” Sabay turo pa sakin. WOW HA?! Baby Louis?! Mukha bang bata yan?!

“Ehem! Hi Miss na mukhang palakang nginudngod sa lupa ng 1000 times. Ako nga pala si Ella Mae Delos Reyes. Girlfriend ng nilalandi mo. Ay mali pala!!....................

EX-GIRLFRIEND ng nilalandi mo.”

“Oh Louis! Sabi mo may GF ka? Wala pala eh?”

“A—ah E—eh Oo wala akong girlfriend. Sige Ella mauna na kami ah!”

Tinalikuran na nila ako at kasabay ng pagtalikod nila ay pagtulo ng luha ko.

Ganun nalang yon?! HA?! GANUN NALANG?! Para lang akong basurang itinapon.

I went home broken-hearted. Alam ko ako yung nakipagbreak pero kasi, parang wala manlang sa mukha niya yung pagkagulat?! Parang di manlang siya nasaktan? Parang di manlang niya ako MINAHAL?

Ang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap lang nawala lahat. Nawala yung 1 taon naming pinagsamahan. Ang sakit pala ng ganito.

*End of FLASHBACK*

“HOY ELLA! Tulala ka naman ngayon?!”

“A—ah S—sorry Bessy. May naalala lang ako.”

“Sino nanaman?! Yung HAMAL mong EX BOYPREN?! Kalimutan mo na nga yung g*gong yun!”

“Makakalimutan ko din yung Baliw na yun noh! Di lang siguro ngayon! Ang pangit pangit niya bagay sila nung babae niya!”

You Are My Song ♫ (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon