6th Song - Part 1 - What's happening?

109 2 0
                                    

6th Song PART 1

Gerald’s POV

Eto na. Eto na talaga. Aamin na talaga ako sa kanya at wala nang makakapigil pa sa akin. Kahit bumaha pa, kahit lumindol, kahit bumagyo, kahit pa magEND OF THE WORLD. Aamin na ako kay Ella Mae Delos Reyes, ang pinakamamahal ko <3

Nabasa kaya niya yung inipit ko sa wallet niya?

Ella’s POV

*Kriiiiinnnggggggggg!!!*

Hayy sa wakas nagbell na rin. Muntik na kong makatulog sa klase kanina, nakakatamad yung Accounting Teacher naming eh. Yah, tama ang nabasa niyo. ACCOUNTING =.= That means Accountancy ang aking course at 3rd Year na po ako. Akalain mo natagal ko yun at 1year nalang? Haha.

Ok tama na ang daldalan.

“Bessy! Tara punta tayo sa canteen, nakakagutom yung Acco natin eh.” Sigaw ko kay Mara.

“Oo nga eh, tara, bet ko ngayon mag-ice cream.”

“Waaahhh! Sige sige tara.” Bigla akong nagcrave T.T Buti nalang at may pera ako ngayon.

“Ano gusto mo miss?” Tanong sakin nung ate, ano nga ba?

Hmmmm. Double Dutch, Dark Choco?, Cookies and Cream? Waahhh. Gusto ko lahat!

“Ah ate yung Cookies and Cream nalang po.”

“Sige miss, ilan?”

“Dalawa po ate.”

“Ililibre mo ko Ella?”

“Utut mu Bessy, may pagbibigay ako” ^o^ Bibigyan ko si Gerald, pangbawi ko manlang sa kanya, kahit na nakakahiya x)) Eh bakit ba? Bibigay lang eh.

“Uhuh, sa crush mo yan noh! Aynako Bessy, baka isipin naman niyang nanliligaw ka?”

“Oyy grabe! Di yan, ice cream lang eh.”

“50 pesos po lahat.” Biglang singit nung babae, haha, bumibili ngapala kami, kasi tong bessy ko eh, daming sinasabi.

“A—ah,wait lang po.”

“Ayyy!” Wala lang napatili lang ako x)) May nalaglag eh? Sulat? Kanino kaya to galing?

12:00 NN – QUADRANGLE

DECEMBER ** , ****

Kanino to galing? December ** ?? Ngayon to ah? 12:00 noon? Ha? Eh magaalas-dose na kaya? Kanino ba to galing? Trip ba to? Aish, ano bay an.

“Bessy tara libot muna tayo, nakakatamad ditto eh.” Yaya sakin ni Mara.

“Osige, tara.”

Ayun, naglibot libot lang kami, parang bago lang ditto sa Campus eh noh, tatlong taon na kami dito, nakakasawa na din XD

Sino kaya yung naglagay ng sulat sa wallet ko? Aish yaan mo na ngalang.

Naglalakad lakad lang kami, libot libot, parang mga ewan lang, ganyan talaga pag bored XD

“Ate, para sayo daw po” May nakasalubong kaming bata, tapos may inabot siya sakin na heart shaped balloon.

May nakasulat eh.

SI SADAKO KA BA?

Ha??? Anong kalokohan to? Lakas ng trip ah, sweet na sana eh, pero ako SADAKO? =.=

You Are My Song ♫ (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon