11th Song Part 1
Gerald’s POV
Ayun. Hi sa inyo :D POV ko na, nakakatampo yang Author nitong story namin eh. Ano ba pangalan nun? Celine? Sus. Mas maganda pa nga sila Ella dun eh!
(A/N: Ehem! Wag ka nalang kaya magPOV Gerald?)
Joke lang yun syempre :) Alam mo namang mahal kita Ce eh. Kaya magpalit ka na ng username mo! Dapat hindi na “CeWillBeLoved” palitan mo na ah! Dapat “CeIsLoved” na :D Oha! Love naman kita eh! Kaso mas love ko parin si Ella >:))
(A/N: Oo na! Psh =.= May *toot* na ako noh. I don’t need you Gerald XD)
Sus! If I know.. Crush mo kaya ako dati. HAHA. Peace tayo Ms. Author ah, mamaya di kami magkatuluyan ni Ella dito sa YAMS eh…
Anyways!! So…. Ayun! Haaayyyyy… Sarap magmahal noh?
Pero mas masarap kung mahal ka rin ng taong mahal mo diba? Ang saya kaya nun! Kaya eto, todo ligaw at todo banat para mapasagot ko na si Ella. Pero ang hirap pala.. ngayon lang kasi ako nangligaw eh, sa torpe ko ba naman eh. Di ko nga alam kung saan ko napulot yung lakas ng loob ko nung ginawa ko yung surprise ko para kay Ella. Hiyang-hiya ako nun! Pero bawing-bawi naman eh >:D Pumayag siya diba? Kaya sana tuloy tuloy na to…..
So let me get things straight. Matagal na kaming magkakilala ni Ella, or should I say, matagal ko nang kilala si Ella. Dati kasi naging guest siya nun sa isang bar na pinuntahan ko last year. At that moment, nung kumanta na siya, I fell inlove.
(A/N: Mahaba haba pong flashback ito :D)
*FLASHBACK*
“Tol, wag ka nang malungkot diyan. Diba di mo naman minahal si Francheska? Sabi mo dati diba?” Pagpupumilit ni Lawrence.
“Di yun ganun kadali tol, ang tagal naming nagsama, kahit papaano na-attach na ako sa kanya, di ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kahit na siya yung nanligaw sakin. Kahit na di ko siya mahal namimiss ko siya. Ayy! Ang gulo!” Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa sobrang confusion.
Nakipaghiwalay sakin si Francheska, yung “girlfriend” ko na ipinilit lang sa akin ni Mama. Ewan, bigla nalang siya nakipaghiwalay ng walang sabi sabi. Kung kalian parang nahuhulog na ako sa kanya.
“Lasing ka na talaga pare. Nagflashback ka no? WAHAHA. Tulala ka eh.”
“Pare di ako lasing, tibay ko kaya!” Sabay inom ulit ng red horse, pang-pito ko na yata to? Parang walang tama eh.
“Ehem! Mic test. Mic test.” Napatingin halos lahat ng audience doon sa may stage kung saan nanggaling yung boses na “mic test” lang ang sinasabi at pinapalo palo pa yung mic -______-
I looked at her face. Hmmm. Not bad. She’s pretty.
“Ok… *inhale.exhale* Hi po sa inyong lahat. My name is Ella Mae Delos Reyes. This is my first time to perform infront of many people. Sana po magustuhan ninyo ang aking performance ngayon. Enjoy :’))”
Again, she breathed deeply. Ang lalim ng paghinga niya. Parang may problema siya. Aish. Ano ba tong sinasabi ko. I’m here to enjoy not to interpret people’s feelings =.=
“Naranasan mo na bang maging rebound? Kung oo, this song is for you. Not only for you. But for me too”
She smiled… bitterly… yung parang pilit lang..
![](https://img.wattpad.com/cover/3304637-288-k921262.jpg)