10th Song
Potek hindi parin ako makamove-on nung kinindatan niya ako. Ang pogi nya >///<
Matagal tagal din kaming nakasakay ng jeep. Kaya inaantok na ako. Napansin siguro ni Gerald na payuko yuko ako kaya ayun. Isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya. Ang sweet >///< Potek kinikilig nanaman ako.
Ang pwesto namin, nakasandal ako sa balikat niya tapos parang nakaakbay sakin. Para daw hindi ako matumba kapag pumepreno yung jeep. Kaya niyo na iimagine yun! X))
“Aaahhhhh!!!” Sigawan ng mga tao nung pumreno ng bonggayung jeep. Kinabahan ako dun bigla akong nagising.
“Don’t worry. You’re safe with me.” Sabi ni Gerald habang nakaakbay parin sakin. Nagsiurungan yung mga tao sa other side. Kami lang ni Gerald ang hindi. Syet malulusaw na ko sa kilig nito eh.
“A—ah. T—thanks.”
<FAST FORWARD>
StarCity! Yehhheeeyyyyy!!!!!!!
Ang saya saya, ang tagal na nung last ako na pumunta dito. Lion King pa ata yung nasa labas noon eh? Ngayon parang mga Pirates something na. Wow ang ganda!
Tapos nadaanan pa naming kanina yung Snow World! Gusto ko dun eh >o<
“Tara?” Tanong sa akin ni Gerald.
“Sige! Saan?”
“Saan mo ba gusto?”
“Kahit saan :)” Kahit na gusto kong sabihin na sa Snow World. Nahihiya ako, mamaya isipin pa niya ang kapal kapal ko eh.
“Snow world?” He asked me with a big smile :D Shemay an ggwapo >o< Ano sabi niya? Snow world! Yes!!!!!
“Sige!”
<SNOW WORLD>
Waahh. Ang lamig. Ang cute ^o^ I don’t care kung sakitin ako basta gusto ko dito eh.
Hi readers! May sasabihin ngapala ako sa inyo.
MAHAL KO NA ATA SI GERALD :’))
Secret lang ah! Hihi.
“Tatayo ka nalang diyan Ella? Tara na!” He held my hand. Kahit na nakagloves kami nakaramdam parin ako ng parang spark >o<
“Saan tayo?”
“Kahit saan! Tara libot lang tayo!” Hinila nalang niya ako tapos naglibot libot kami. Picture picture kahit saan. Nagslide kami. Prang mga bata haha pero enjoy naman eh :D
“Acchhoooo!” Ayun di ko na napigilan.
“Ella ok ka lang?”
“A—ah okay la—Acchooooo!”
“Tara labas na tayo.”
“Pppero, ayaw ko pppaa eh.” Sabi ko sa kanya habang nanginginig na ng konti.
“Nilalamig ka na eh, kahit na gusto ko pang magtagal tayo diyan kung magkakasakit ka naman wag nalang.”
>///< Kahit na nilalamig ako naramdaman kong parang uminit yung mukha ko. Potek. Hobby na niya pakiligin ako ah.
