5th Song
Gerald’s POV
Eto na. Aamin na talaga ako sa kanya. Magagawa ko na talaga. Lakas ng loob lang naman kailangan ko eh.
Bakit kasi ang daming hadlang kapag aamin na ako sa kanya.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila, at isasauli yung wallet niya.
Sana hindi na to magfil tulad nung kanina.
*Flashback*
“Eto na po yung pictures niyo.” Binigay na nung babae sa amin yung pictures namin.
“Mamaya mo na tingnan yan ah. Pag nakauwi ka na.” Sabi ko sa kanya, baka kasi kapag tiningnan na niya agad di na niya ako pansinin pagkatapos eh.
Pero pagkakataon na din sana yun para maamin ko yung nararamdaman ko sa kanya. Pero kasi, baka di pa ito yung panahon.
“Ah. Sige sige.”
Eh kung aminin ko na kaya? Ayy! Ang hirap naman nito! Dapat ko bang aminin sa kanya? Pano kung wala naman siyang nararamdaman sakin? Eh malaman! Sino ba naman ako?
Pero kasi baka wala nang next time. Aynako bahala na nga!
“Ella, may sasabihin pal--.” Eto na aaminin ko na.
“A—ah Gerald uwi na ko ah. Baka kasi gabihin na ko sa daan eh.” Bigla niyang sabi. Mukhang gusto na talaga niyang umuwi, sabagay kasalanan ko naman kung bakit natagalan siya eh. Haist.
“Ah sige sige, hatid na kita pauwi.” Di pa siguro ito yung tamang panahon para umamin ako.
“Hala! Hindi na uyy.” Sabi niya with matching hand gestures pa.
“Alangan na pabayaan kita mag-isa diyan? Tsaka nasakin yung bag mo oh.” Sabay taas ko nung bag niya >:) Di siya makakapalag. Wahahah. De joke lang x)
“Aish. Sige na nga.”