#PAG-AMIN

9 0 0
                                        

AN/: Ang storya pong ito ay base po sa nasimulang tula ng pinsan ko at ako ang tumapos,then napag desisyonan naming gawan ng storya kahit maikli lang.

So ito na nga,one of my compilation of my one shot-stories e dito ko ipopost.

Bakit? Kase tuwing na me mental block ako nakakagawa ako ng another story sa utak KO kaya sinusulat ko agad.

Sana suportahan nyo din ang storyang ito,gaya ng pagsuporta nyo saakin.

Maraming Maraming salamat talagaaaa mariyummers! mahal na mahal ko kayo.Para sainyo to.

AND TO ALL BUBBLIES HIHI.

W A R N I N G  :
Wag nyo pong mamasamain ang pag gamit ko ng pangalan nila belle at donny,pangalan lang naman,diko sinama ang apilyedo,depende na din sainyo kong sila ang maiimagine nyo sa kwento.

I hope you guys will love this<33

PAG-AMIN PART 1

BELINDA'S POV

"Wag ka nalang kayang umamin sa kanya?masasaktan kalang belle."siguradong sabi nya saakin,eh wala naman syang ebidensya.

"May alam ka ba donato??."tanong ko.

Nandito sya sa bahay ko,pinapunta ko sya para manghingi ng advice,tapos ang palagi nyang sinasabi e di na daw ako umamin.

"Basta wag ka nang umamin don."sabi nya.

"Eh hanggang kailan ko itatago tong feelings ko?ang hirap kaya."
nakangusong sabi ko.

Kung kelan ko pa kase sya handang pakawalan e walang namang kami ah,agad din syang magbibigay ng dahilan para di ko ituloy.

Pinaglalaruan nya ba ako?

Ako naman tong si gaga,MARUPOK

Tsaka etong taga-payo ko palaging sinasabi,mabuti pa daw na mag move on na,Halerrrr?? ang hirap kaya.

"Edi umamin kana para malaman natin ang sagot." Suhestiyon nya.

"Natatakot ako baka maulit na naman ang nangyari noon."

"Belinda,ito tatandaan mo,harapin mo ang takot mo,di yan matatapos kong takbo ka nalang ng takbo,harapin mo rin."

MAY NAISIP AKONG WALANG KWENTANG PARAAN.

Agad akong lumuhod sa harapan nya at hinawakan ang dalawang kamay nya.
"Ikaw kaya,sabihin mo sa kanya na may feelings ako sa kanya,para di na maulit ang nangyari dati,diba??" parang tanga kong sabi.

Agad nyang binawi ang kamay nya.
"Oo kaibigan mo ako,pero naman belle!problema mo yan ikaw dapat humarap,wag mo akong idamay,baka ako pa ang sagutin ni Bryleigh."sabi nya at natawa naman ako.

Kahit wala syang masyadong nabibigay na advice saken atleast sa pagpatawa kahit na may problema ako ay hindi nya palalampasin..

Tumalikod ako sa kanya at bumuntong hininga.

Humarap ulit ako. "Ihhhh!!!."paghuhumirantado ko.

"ihh kajan!dalawa lang pagpipilian mo at kailangang makapili kana ngayon,ora mismo."sabi nya.
"Its either mag move on kana at kalimutan mo na sya or umamin kana talaga,baka may chance kapa mga 1%."

1% lang???haaaaayyssst.

Di naman ako nagmamadali sa relasyon,pero gusto ko na talagang umamin,kahit di nya ako matanggap,ang importante nasabi ko sa kanya.

kaya..

Huminga ako ng malalim."sige na nga aamin na ako kay Bryl."

Agad din syang tumayo.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now