H.A.K. 11
Drew's POV
Yiee!
Ready na Ready na akong manligaw kay Jo! --este Harper!
Naka-tuxedo pa ako ngayon! Niluwagan ko ang necktie ko. Para madali ko tong matatanggal mamaya. Bakit? Alam ko namang di napayag na magpaligaw si Harper, sabi ni Allyana, at may pagka amazona yun at baka ma-karate ako pero bago nya masapak ang gorgeous kong mukha ikukulong ko na sya sa mga bisig ko gamit ang necktie.
Hay boys...kung gusto nyong manligaw, dapat magbaon kayo ng creativity at originality ha? Wag kayong gaya gaya sa mga napapanuod nyo sa T.V. Tsk. Tsk. Tsk.
Eto nalang, I'm still hoping na hindi ako dedeadmahin ni Harper.
*Imagination*
Nakita kong lumalabas si Harper ng school.
Ayos ayos ng look pag may time. Baka nga hindi ko na kaylangan mag ayos kasi sadya na akong gwapo.
"Ahem..!"-tikhim ko.
Napatigil sya sa paglalakad at tumingin sa gawi ko.
She smiled. :)Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may kalokalike si Jo. I like her. Si Harper. At si Jo pa rin.
"Oh! Hi ,Drew? Am I right? Kamusta na? Bakit ka napadalaw dito? Ako ba sadya mo?"-tinadtad ako ni Harper ng tanong. Atsaka ng beautiful eyes sa harapan ko. Oh sh*t, ang gandang view nun ah! Sayang di ko napicturan. Sayang talaga.
"Harper...ikaw talaga ang sadya ko. I can't hide mg feelings anymore....pwede bang manligaw?"-medyo gwapo kong tanong.
Napasinghap sya.
Then medyo nagspace out.
I wonder kung yung oh-so-handsome features ko ba ang iniisip nya..
Then she got a lil teary-eyed.
"Of course! Gusto rin kita drew!"-sabi nya. Sinasabi ko na nga ba! Walang nakakatanggi sa kagwapuhan ko no!
Lalapit sana sya at yayakapin ako pero agad-agad kong tinanggal ang necktie ko.
Pumulupot sa kanya ang tie at hinila ko sya at ikinulong sa mga bisig ko."So ngayon, kung gusto mo rin ako...hindi na ako manliligaw"-husky kong sabi.
Lumayo sya at kumalas sa yakap ko.
"Huh? Drew naman, anong konek nun?!"-halos paiyak na sya dahil sa sinabi ko.
Medyo natawa naman ako...
Lumapit pa ako sa kanya and whispered to her ears...
"Gusto mo ako...gusto rin kita....gusto natin ang isa't-isa...pwede bang....tayo nalang....agad....now..na.."
Hindi naman ako masyadong nagmamadali diba? Tama naman na I like her, she likes me...So why not? Right?
Agad nyang inilayo ang mukha nya.
"Tinatanong pa ba yan?!"-sigaw niya.
Inilapit nya ang mukha namin sa isa't-isa....I can almost kiss her...---
--end of imagination
Biglang may pumukpok sa ulo ko.
Awts! Kawagas gang manapak nire.
BINABASA MO ANG
Hunt and Kill
RandomIt's been ten years since this child's lips curved into a smile...A develish smile. It's been ten years since this child's hidden self longed and hunger. Now, this child has come back. This child will play like what they're just doing before. The ga...