Chapter 14

372 24 2
                                    

Chapter 14: Defeat

Kaagad akong napalipad dahil sa pagsipa niya sa tiyan ko. Damn! I was preoccupied!

Tumama ang likod ko sa pader. Di pa ako nakakatayo ng kaagad niyang hinawakan ng mahigpit ang kabilang braso ko at pinilit na tumayo. Pagkatayo ko ay kaagad niya akong sinuntok. He punched me two times in my face.

Napaluhod ako dahil sa lakas ng suntok niya. His strength is unbelievable. Pag pagsama-samahin mo ang lakas ng sampung tao ay katumbas non ng lakas niya. He can wiped out a whole group with that strength.

Muli niya ako pinilit na tumayo. Ang dulo ng mga daliri niya ay halos mapasok na sa loob ng balat ko sa higpit ng paghawak niya sa balikat ko.

Itinaas niya ako. "Who are you?" malamig niyang tanong sa akin.

I looked at him. He's eyes are as cold as snow. Tila ba ibang Liam ang kaharap ko ngayon. Malayong malayo sa Liam na nagpakilala sa akin dun sa meeting.

I didn't answered him. I just stared at him and that makes him pissed off. Muli niya akong sinuntok sa mukha. Kaagad naman akong napahiga. Akmang tatayo sana ako ng sinipa niya ako ulit. Muli akong napahiga sa malamig na simento.

Napatingin ako dito. Ngayon ko lang napansin na may bahid ng dugo dito. Siguro ay galing sa mga nagdaan ng naglaban.

Napataas ang tingin ko ng biglang naghiyawan ang lahat.

"I knew it! He's no match to Cassius!"

"Ba't ba kasi niya hinamon si Cassius. Ayan tuloy bugbog sarado siya"

I tsked. I didn't even moved yet. Akala ba nila ay talo na ako?

I laughed. All I did was to let him punched and kicked me. Wala pa akong ginagawa sa kaniya. Wala pa.

Ilang segundo pa akong nakahiga bago nagdesisyong tumayo. Pinagpag ko pa ang sarili ko dahil napuno na ako ng dumi dahil kanina pa ako napapahiga sa semento. Baka mamaya maging kama ko na yan.

Napatawa naman ako sa sariling biro. Hays, I really love this feeling. How I missed fighting.

Pwede naman siguro akong lumaban no? Hindi bilang Kira Monteverde kundi bilang Keira Donquixote. At saka naka disguised naman ako.

Napatingin ako kay Liam na malamig pa ring nakatingin sa akin. Inilipat ko ang tingin sa kung nasaan nakaupo ang Student Council. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si Shaun na seryosong nakatingin na para bang sinusuri ako.

Inilipat ko ang tingin kay Yugen na nasa taas ng bleachers. Binigyan niya lamang ako ng thumbs up.

"You have the guts to look away from me huh"

Akmang lilingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi ng bigla niya na lang akong sipain sa tiyan. But this time, I didn't fell down. Napaatras lang ako ng kaunti pero di ako natumba. I heard people gasps.

Di na ako nagsayang ng oras at kaagad siyang sinuntok. Kaagad niyang pinag-cross ang dalawang braso na tila pinoprotektahan ang sarili ngunit huli na dahilan kung bakit mabilis siyang bumagsak.

Sinipa ko siya sa tiyan ng ilang beses at pumaibabaw sa kaniya. Natapunan ko pa siya ng ilang suntok bago niya ako nasipa. Kaagad naman akong napatayo at muntik ng bumagsak dahil sa sipa niya. Aatake na sana siya muli ng kinuha ko ang isang braso niya at muli siyang sinipa sa tagiliran. Napaatras naman siya.

Tatapon sana siya ng suntok ng iwasan ko ito. Susuntok naman sana siya sa kabila ng muli ko itong naiwasan. I took the chance to punch him in the face. Dumugo ang labi niya pero pinunasan niya lamang ito gamit ang likod na bahagi ng palad niya.

Sylvian High: School for Underground  Society [COMPLETED]Where stories live. Discover now