Chapter 11: Announcement
Pagkatapos ng klase ay sabay kami ni Yugen na pumuntang dorm. Pagkapasok ay kaagad akong gumawa ng letter na pinapagawa ni Shaun.
Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na ako sa paggawa. It's not really that hard to make a letter pero natagalan lamang ako dahil inayos ko pa ito. I'm giving this to the Principal for pete's sake that's why I need to be careful for every sentence.
Nagpaalam na ako kay Yugen na pupunta muna akong Principal's office. Lumabas na ako at naglakad papuntang office. Nakita ko pa si Chase na may kaakbay na dalawang babaeng halos kita na ang hinaharap.
Nang makarating na ako sa harap ng Principal's office ay kumatok muna ako ng tatlong beses.
"Pasok" rinig kong sabi ni Principal Victoria.
Pumasok ako at nakita kong may sinusulat siya. Nang mapansing nakapasok na ako ay tinuon niya ang tingin sa akin.
"Hello po. The President ordered me to make a letter and present it to you. After reading po paki sign nalang sa may baba nung papel" sabi ko. Tumango naman siya.
Ilang minuto niyang binasa yung letter ko bago siya kumuha ng ballpen at pinirmahan ito. Binalik niya ito sa akin.
"It's okay. I'll agree as long as Shaun agrees to it too" aniya.
Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kaniya. Lumabas na ako ng office niya at tinungo ang office ng Dean. Kumatok ako at pinapasok niya naman ako.
Tulad ng sinabi ni Principal Victoria ay kaagad ding pinirmahan ng Dean yung letter ko. They told me the same thing.
"It's okay as long as The President allowed it"
Lumabas na ako ng office ng Dean at pumunta sa Student Council Meeting room. Alas syete na ng gabi. Kumatok muna ako pero walang sumgot. Pinihit ko ang door knob pero naka lock ito.
It's already late. Malamang ay nasa HQ na sila.
Bumaba ako ng building at pumanhik sa likurang bahagi ng school. Kaagad ako pumunta sa HQ nila at kumatok. Si Niell ang nagbukas ng pinto.
"Oh hey!" aniya. Kinawayan ko siya.
Pumasok ako. Walang mga babae at malakas na music tulad ng last punta ko dito.
"Where's Shaun?" tanong ko.
"Nasa play room. Puntahan mo nalang doon" sabi niya at tinuro ang isang pintuan.
Sinunod ko ang sinabi niya. Pumasok ako doon sa kwartong sinabi niya. Naabutan ko si Shaun at Zachary na nagbi-billiard.
Pagkapasok ko ay sabay silang napatingin sa akin.
"What are you doing here?" tanong ni Shaun.
"I'm giving you the letter you ordered me. Napirmahan na yan ng Principal at Dean" sabi ko sabay bigay sa kaniya ng letter. Tinggap niya naman ito at inilagay sa isang mini table.
"Okay. You can leave now" aniya at pinagpatuloy ang paglalaro.
Tatalikod na sana ako nang bigla akong tawagin ni Zachary.
"Kira, wait" aniya. Tumingin ako sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko. Lumapit siya sa akin.
"I'll send you to your dorm. Gabi na. Maraming mga siraulong lalaki ang palaboy laboy kapag alas syete na ng gabi" aniya naman.
I can take care of myself though. But for the sake of my mission, I need to look weak.
Tumango naman ako at lalabas na sana kami ng biglang nagsalita si Shaun.
YOU ARE READING
Sylvian High: School for Underground Society
AcciónA mission in disguise. Keira Donquixote, the top assassin in the world of underground organization, has been given a special task. That is to spy on the family that has pledged alliance to them. Is it betryal? Or is it something much more frighteni...
